" A single lie destroys a whole integration of integrity"
--------
ERZA P.O.V
"Asan na ba si Zak!! Hindi niya sinasagot ang tawag ko!" Alalang saad ni Chaki
Mula pa kagabi hindi umuuwi si Zak kaya ganun nalang ang pagaalala ni Chaki, maging ako nag aalala din ng konti sa pinsan ko. Malaki na naman siya, kaya na niya ang sarili niya, pero hindi kasi ugali ni Zak na hindi nagpapaalam kung hindi siya makakauwi, idagdag mo pa na hindi niya sinasagot ang mga tawag ni Chaki.
"Diba sabi mo, pupuntahan niya yung boyfriend niya? Baka naman nagtanan na ang mga yun! Biro lang! Yung boyfriend niya kaya ang tawagan mo!" Saad ko.
Sinubukan naman niyang kontakin ang boyfriend ni Zak,
"Out of coverage!" siya.
Napabuntong hininga ako.
"Wag ka nang mag alala, uuwi din yun!" Pagkakalma ko sakanya
"Hindi ko lang talaga maiwasang mag alala, dahil ngayon lang hindi umuwi si Zak, at hindi pa nagsabi!" Siya na nagsisimula nang maluha.
"Huminahon ka nga! " Kalamadong saad ko.. oo yan na ang kalmado ko.
Umupo kami sa sofa. Sinubukan namang tawagan ni Chaki si Jay na katrabaho ni Zak. Ngunit hindi daw sila magkasama, dahil hindi naman siya pumasok sa trabaho kahapon. Ilang oras pang sinusubukang tawagan muli ni Chaki si Zak, ngunit hindi talaga ito sumasagot hanggang sa hindi na ito makontak. Lalo tuloy nangamba si Chaki nang ang operator nalang ang nagsasalita.
Nasaan kaya ang babaeng yun? wala naman sigurong nangyaring masama dun,
wala naman sana.
"Erza, diba may pasok ka pa ngayong 9 am? Sige na baka malate kapa!" Saad niya matapos tumingin sa relos niya.
"Ok lang naman kung mag absent ako!" Saad ko.
"Hindi na! Okay lang ako dito, babalitaan nalang kita kapag nakauwi na si Zaki!" Saad niya.
Kaya naman wala na rin akong nagawa kundi ang iwan siya at pumasok sa Stoneheart University.
" Oh my god!! Nandyan nanaman ang bitch!" rinig kong saad ng isang babae nang marating ko ang CON-MT Department.
Hindi ko maiwasang tingnan nang masama ang mga babaeng yun. Agad naman silang nagsialisan sa bench na inuupuan nila nang magtama ang mga paningin namin.
Wala kayong ibang ginawa kundi ang manghusga. Bakit hindi niyo tingnan ang mga sarili niyo?
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa room ko.
Nang may isang lalaki akong nakasalubong.
"E-erza??" Gulat na saad niya
"Izeus!"
" Anong ginagawa mo dito?"
"Nag aaral!" Prenteng sagot ko.
"Nakita mo na ba siya? Alam mo ba kung anong naging resulta ng ginawa mo kay---"
"Wala na akong pakialam sa kanya! Wala akong pakialam sainyo! At wala na kayong pakialam sakin! Matagal ko na nang binaon sa hukay lahat ng nangyari sa nakaraan! Hindi ko kasalanan kung ano man ang nangyayari sakanya o sainyo ngayon."
"Excuse , malalate na ako sa klase ko!" Dagdag ko at nilampasan siya na tila hindi makapaniwala sa inasta ko.
Wala sa mood akong umupo sa upuan ko at nakinig sa discussion kahit wala akong naiintindihan. Buti nalang at hindi ako tinawag.
BINABASA MO ANG
the MIRACLEs in you
أدب المراهقين"Everything happens for a good reason." a story that would touch your heart and make you realize and think twice about life. what does MIRACLEs means??