"There's a story in every person. There's a reason why they're what they are, think twice before you judge someone"
------
ANGEL GRACE P.O.V
"Anak! Kanino yang sasakyang dinala mo kagabi? At saan ka ba galing? Alam mo bang alalang alala kami sa iyo ng tatay mo" salubong saakin ng ina ko pagkalabas ko sa kwarto upang pumasok na sa paaralan.
"Papasok na ho ako!" Pagdedeadma ko sa sinabi niya.
"Anak..." atungal pa niya ngunit di ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
" Kumain ka na muna!" Tanging nasabi niya lamang.
"Pinaghanda rin kita ng babaunin mo, ito anak, paborito namin to ng tatay mo!" Kinuha niya ang lunch box at ilalagay sana sa bag ko.
"Wag na" natigilan siya sa ginagawa niya.
" Sa paaralan nalang ako kakain. Tsaka, kayo nalang ang kumain niyan, paborito niyo naman yan diba!" Walang ganang saad ko.
"Bigyan mo nalang ako ng pera!" Dagdag ko.
Bumuntong hininga siya, at muling nilagay sa mesa ang lunch box.
"Eto anak, pasensya na! Wala kasi kaming pera!" Mahinang saad niya habang inaabot ang isang daan saakin.
Tss.
"Sige! Salamat, pasok na ako!" Walang emosyong saad ko.
Pumasok ako sa Stoneheart gamit ang sasakyan ni Zeus. Ibabalik ko ito okay, hindi ako magnanakaw, pero gagamitin ko muna, pampaimpress lang. Tss
"Wow! Girl! Akala ko ba hindi ka pinapayagang magmaneho ng daddy mo!" Saad ni Bez na kakababa lang din sa sasakyan niya.
"Ah, tinakas ko nga lang. Nakakaumay nang magpahatid sa driver namin!" Pagdadahilan ko.
"Grabe girl! Lamborghini Veneno, kung ako rin, talagang itatakas ko ang sasakyang yan." saad niya
"Haha! Tara na!" Yaya ko sakanya.
Sabay kaming pumasok sa una naming subject. Med tech ang kurso ko , at block sectioning ang Med tech sa Stoneheart, kaya magkaklase kami sa major subject namin. Pati si Zianne Med tech din, pero nasa ibang block siya.
" Girl,! Ano tuloy ba tayo this Saturdae?" Bez
"Oh! Yeah of course!" Sagot ko.
"Bout you Xia?" baling niya kay Xia.
"Kanina kapa tahimik jan ah!" Dugtong ko pa.
"Ah yeah, sasama ako.. Am can we just make our project at your home Angel?" Xia.
Tss. Bwisit ka Xia..
"Duh Xia.. you know her parents wont allow us. And besides, I'm comfortable doing my projects at my place." Bez
"ok lang naman kung sa amin tayo kung yan talaga ang gusto mo Xia!" Saad ko. Kunyari'y wala akong tinatago. Tss.. alam ko naman kasing di papayag si Bez, I know her..
"Naah, just in my condo unit.. !" saad niya na tila tapos na ang usapan.. napasmirk nalang ako sa isipan habang nakangiting nakatingin kay Xia.. tss. Xia you cant let me down..
"psh.. k fine! " pagsuko nito..
Binaling ko nalang sa discussion ng prof ang atensyon ko hanggang sa magdismissal na.
Mamaya pang 3 pm ang susunod na klase ko.
At 11 am palang ngayon. Papaunta kami sa food court ni Bez, si Xia kasi ewan may lakad daw.
BINABASA MO ANG
the MIRACLEs in you
Teen Fiction"Everything happens for a good reason." a story that would touch your heart and make you realize and think twice about life. what does MIRACLEs means??