"HOME is where you are free to do everything that you desire! "
-------
ERZA SOFIA P.O.V
"Mam, are you all okay? We are really sorry for the inconvenence" salubong sa amin ng maintenance staff ng mall!
Tiningnan ko sila nang masama, at di na umimik dahil agad na napako ang paningin ko sa ina ko.
"Follow me!" Saad niya.
Kahit ayaw ko ay wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya.. dahil kung hindi ay makakagawa na naman kami ng eksina dito.
May mga dinaanan pa siyang botique, nakabuntot lang ako sa kanya ng walang imik.. kahit hindi siya nagsasalita'y ramdam ko ang mas matinding galit niya.
Alam kong hindi ito dahil sa paglalayas ko dahil wala naman siyang pakialam sakin.. mukhang yun pa nga ang gusto niyang mangyari eh.
Lumabas na kami sa Visions Mall at nandoon na ang driver nito..
Sh.t i dont want to go home..
"No!" Ako.
"I wont go home!" Saad ko
"You're going home!" Maawtoridad na saad nito.
Wala akong nagawa kundi ang sumakay.
Pagkarating namin sa bahay.. sampal agad ang natanggap ko nang makababa kami.
"F*ck Erza!! Pinalayas ba kita sa pamamahay ko? I never told that! Ikaw tong lumayas layas tapos magrereklamo ka? Gumagawa ka nanaman ng storya para ipahiya ako?" Galit na saad niya.
Hindi ko siya maintindihan.
"I dont know what you're talking about!" Sagot ko.
"Wag ka ngang nagsisinungaling.!"
Saad nito.
"Kung sa bagay, kailan nga na ako hindi nagsinungaling? Tss. Lahat naman kasi ng lumalabas sa bibig ko kasinungalingan ang tingin niyo. Mas pinaniniwalaan mo pa ang ibang tao kaysa sa anak mo diba!"
"Dahil di kita kayang paniwalaan.." saad niya
"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Why are you treating me like I'm a sht!"
Matagal bago siya sumagot..
"Simula nang lumabas ka, isa ka nang malaking kasalanan.." sagot nito,
..Kahit sanay na akong ipamukha sa akin kung gaano niya ako kinamuhian, kung ilang beses niya akong sinubukang ipalaglag.. masakit pa rin lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig niya..
Am I really her daughter? Bakit niya nagagawa sakin to? Akala ko ba lahat ng ina mahal ang anak nila?
"Zania!" Napunta ang paningin ko sa lalaking iyon.
My step dad...
"Erza, umakyat ka na sa kwarto mo, ako nang bahala sa mommy mo!"
Saad nito nang makalapit saakin.
"Please, just forgive your mother! Wag mo nang isipin kung ano man ang sinabi niya" dugtong niya tsaka tinapik ang balikat ko.
He's not my real dad, pero siya pa tong nagpapakamagulang sakin..
Isa pang hindi ko maintindihan, naawa sila sakin ngunit tanging sinasabi lang nila ay patawarin ko si mommy at baliwalain nalang ang mga sinabi niya.
They understand her,....pero pano ko ba maiintindihan ang isang magulang na walang ibang pinakita sa anak kundi pagkamuhi....
maybe because of my real father??
I dont know him.
Ilang sandali akong nagkulong sa kwarto nang may kumatok.
" Erza Sofia! Dinalhan kita nang hapunan." Saad ng taong nasa labas ng kwarto. Si manang Yuri.
Pinagbuksan ko siya ng pinto.
Pumasok siya nang walang imik.
Bumalik ako sa kama at binagsak ang sarili dito.
"Erza, pwede ba akong tumabi!", mahinahong tanong niya. Tumango lang ako.
"Erza, anak!" Napatingin ako sa kanya.
"Kailan ko kaya maririnig sakanya ang mga katagang iyan?" Wala sa sariling saad ko.
"Erza! Mahal ka nang mommy mo! "
Gusto kong matawa sa sinabi niya.
"Tss."
"Kapag alam mo na ang lahat, sana ay mapatawad mo ang mommy mo... " makahulugang usal niya.
"At matanggap ang sarili mo "
Tumayo ito at akmang lalabas na.
"Manang what do you mean?"
Yumuko lang ito at tuluyan nang lumabas .
This is bllshit.. ano ba talaga ang nangyari noon at bakit si mommy ang iniintindi nila?
"At matanggap ang sarili mo "
Anong ibig sabihin ni manang dun?
Gusto kong malaman.. .. gusto kong malaman ang katotohanan tungkol sakin..
Pinakit ko ang mga mata ko..
Ang gulo.
Bigla ko namang naalala sina Zak nang makita ko ang wallclock. It's already 7 pm.
Kagabi ay nagkasagutan kami ni Zak dahil sa pagtatangka niyang magpakamatay..
Hanggang kaninang umaga ay hindi parin kami nagpapansinan.. samantalang si Chaki ay tila wala lang nangyari inaya pa kaming kumain sa labas kasama ang pinsan niya. Tss.
Siguradong si Chaki lang ang maghahanap sa kin dun..
Ngunit di rin niya mapapansin dahil alas 11 ang uwi niya ngayon.. maaring matulog na ito agad kapag nakauwi na.
Bigla akong tumayo.
Uuwi nalang pala ako....
Sa condo.
I dont feel that this is my home..
I need to be home. Kahit papaano ay nararamdaman kong may tahanan ako sa condo na iyon.kahit pa di kami ayos ni Zak. Mas mainam dun kesa dito.
Nang makalabas ako sa kwarto..
"Erza!". Pagtawag sakin ng isang lalaki..ang step dad ko.
Napahinto ako sa paglalakad.
"San ka pupunta? " mahinahong saad nito
"Uuwi."
"Nakauwi ka na "
"Hindi ito ang bahay na gusto kong uwian!" Ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa hagdan.
"Siguro ay panahon na rin para malaman mo ang lahat!" Saad niya na nagpahinto sa akin..
Sasabihin na niya sakin ang lahat? Ang nakaraan at pinagmulan ko na nagpaparusa sa akin?
BINABASA MO ANG
the MIRACLEs in you
Teen Fiction"Everything happens for a good reason." a story that would touch your heart and make you realize and think twice about life. what does MIRACLEs means??