SEVEN::

31 3 2
                                    

" Life's a dream to the wise,
A comedy to the rich,
A game to the fool , and
A tragedy to the poor"

----------

ERZA SOFIA P.O.V

"tss, Sofia will you stop your drama! Wag na tayong magpakialaman sa isat isa, dahil, lahat ay nagbago na, ang nasa nakaraan ay nakaraan na, past has pass. Kung ano man ang meron sa ating tatlo noon, lumipas na ang lahat ng iyon! Matagal na akong nakalimot, kaya sana, ganun ka rin! Kayo."

"....lahat ay nagbago na, ang nasa nakaraan ay nakaraan na, past has pass...... lumipas na ang lahat ng iyon!...."

Tila sirang plakang nagpa-ulit ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Zianne..

Tsk. Bwisit... ba't ba parang apektado ako? Ano namang pakialam ko sa mga sinabi niya?

"Mahirap kalimutan ang mga taong mahal mo pa rin hanggang ngayon.."

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa pagsulpot ni Chaki sa tabi ko na nakatingin sa cellphone niya.

"Hindi naman totoo tong GM ni Susan eh, diba Erza?"  Baling niya sa akin.

"Anong pinagsasabi mo jan?" Inis na tanong ko.

"Diba kasi kapag mahal mo di mo talaga makakalimutan." Usal niya.

Tss. Ewan ko sayo.. ang weirdo mo..

"Zak!!" Napatingin ako kay Zak na kakarating lang..

"Si Angel!!. Wala na si Angel Chaki!" Usal niya.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya..

What does she mean ?

" Yung kapatid ni Jay.. Si Angel, nasagasaan siya...." saad nito na lumuluha.

I dont know why, pero i feel relief nang malamang ibang Angel pala ang tinutukoy niya.

But still nakakalungkot parin.. lalo na't bata pala ito..

Bakit? Malulungkot rin ba ako kapag nawala si Angel Grace? Ano namang pakialam ko dun?

--------------------------

"Nakikiramay ako Jay!" Saad ni Zak.

Wala sa sariling tinanguan naan siya nung sinasabi niyang Jay... nasa lamay kami ng kapatid ng katrabaho niya..

Matapos niyang lapitan si Jay umupo kaming tatlo sa upuang halos sira na..

Di ko mapigilang pagmasdan ang paligid.. ibang iba ang lamay na to sa mga lamay na dinadaluhan ko..  hindi katulad sa mga mayayaman, pormal ang mg taong dumadalo. Kahit pagpapakitang tao lang ang iba.. hindi parin kagaya dito.

Ang mga batang walang muwang ay naglalaro pa sa tabi.. samantalang ang mga matatanda nama'y tila nasa pasugalan. Nagtatawanan pa habang libang na libang sa pagsusugal samantalang may nagdadalamhati dito..

Idagdag mo pa ang ingay ng kalsada..Malapit lang kasi sa highway ang lugar na to..

"Ang yayaman ng mga kaibigan ni Jay no? " rinig kong usal ng isang ginang.

"Syempre sa mamahaling paaralan ba naman mag aral." Dagdag pa ng isa.

"Marami na sigurong nahuthot si Jay" bigla naman silang bumuhikhik..

The heck with these people? Nakuha pa talaga nilang magtsismis dito sa lamay..

Dahil sa inis ay di ko mapigilang tingnan sila ng masama.. nag iinit ang dugo ko sa mga katulad nila..

"Naawa ako kay Jay! Sunod sunod na problema ang kinakaharap niya ngayon!" saad ni Erza kaya nabaling ang atensyon ko sakanya..

"Wag kang mag alala Zaki, malalampasan din to ng kaibigan mo, ni Jay. May magandang rason kung bakit nangyayari ang isang bagay!" Chaki.

"Ano naman ang magandang rason sa pagkamatay ng isang batang walang kamuwang muwang sa mundo?" Napatingin silang dalawa sa sinabi ko..

"Erza!" Suway ni Zak.. samantalang nagtataka parin ang mga tingin ni Chaki

"Totoo naman! Hindi lahat ay nangyayari sa magandang dahilan, minsan talaga nakakalimot at napapabayaan tayo ng Diyos!" Dagdag ko

"Hindi totoo yan!" malumanay na saad ni Chaki.

" everything happens for a good reason. Dahil kahit kelan, hindi nakakalimot ang Diyos. maaring, hindi natin nakikita ang rason ngayon, pero lahat ay nangyayari ng may magandang kinahihinatnan. Maaring hindi mo nakikita ngayon, pero balang araw mahihinuha mo rin ang magandang epekto nito. " aniya.

" May mga bagay na tanging Diyos lang ang nakakakita, at nakakaalam!" Dagdag pa niya

"Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa nararanasan ang totoong mundo!" Saad ko.

"At nasasabi mo lang din yan dahil dinadala ka ng emosyon mo!" Chaki. Na siyang ikinatikom ng bibig ko.

" tara na, mag aalas-onse na, may pasok pa tayo bukas!" Yaya ni Zak.

" hindi ka ba magpapalam?"

" bawal daw magpaalam kapag sa lamay."

Nakibitbalikat nalamang ako sa sinabi niya

Habang naglalakad kami'y parang nag echo parin sa utak ko ang sinabi ni Chaki..

"At nasasabi mo lang din yan dahil dinadala ka ng emosyon mo!"

Hindi ako nagpapadala sa emosyon ko...

Totoo ang sinasabi ko...Minsa'y nakakalimot ang Diyos.. dahil kung hindi.. hindi niya hahayaang maging ganito ang buhay ko....

Makalipas ng ilang araw, dinala na sa huling hantungan si Angel Mae.

Hindi magkaugaga sa pag iyak ang mga kapatid ni Jay. Patunay na malapit talaga sila sa isat isa.

Si Jay, naman ay nakatulala lang sa kabaong ng kapatid na unti unting natatabunan ng lupa.

"Jay!" Tinapik ni Zak ang balikat ni Jay

Tumingin siya kay Zak tsaka ngumiti... ngiti ng kalungkutan..

Nang umalis na kami ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki na lumapit kay Jay na nakatayo parin sa libingan ng kapatid niya..

'Izeus?'

the MIRACLEs in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon