ELEVEN::

10 0 0
                                    

"The good times of today are the sad thoughts of tomorrow"

---------

ANGEL P.O.V

Sabado ngayon, at nagyaya si Chaki ng lunch sa labas kasama ang mga magulang ko.

Syempre di ako pumayag dahil baka may makakita pa saakin kasama ang mga pulubi kong magulang. Tss.

Pero sa huli ay pumayag na rin ako dahil sa pangungulit ni Chaki.

well, maari namang gumawa uli ng kwento diba? Magaling naman ako dun.

Sinundo kami ni Chaki sa bahay at dinala sa Meg's Restaurant. Ang restaurant na lagi naming pinupunthan noon.

Kasama niya ang kaibigan niyang ayon sa kanya ay si Tafuzaki. Batid kong wala ito sa sarili.

Medyo pamilyar sakin ang kaibigan niya.

"Sa The Updates Magazine siya nagtratrabaho. Siya ang News Editor dun" saad ni Chaki na siyang kinagulat ko.

Siya nga yung nag interview saakin noong nakaraan taon. Binibida kasi sa Magazine nila ang Ms. Campus Personality ng Stonehearts kada taon. Pati na ang ibang importanteng bagay sa unibersidad ay tampok sa Magazine nila.

Bila akong nakaramdam ng matinding kaba. Sana ay hindi niya ako naalala, dahil paniguradong magtataka siya. Ang sabi ko kasi sa interview niya ay mga negosyante ang aking mga magulang. Hindi akma sa mga taong nasa harap niya.

Ngunit, para naman siyang wala sa sarili, kaya medyo napanatag ang loob ko.

Panay kwento lang si Chaki. lagi niyang sinasali si Tafuzaki sa usapan ngunit hindi man lang ito sumasabat at panay ngiti lamang.

"Maraming salamat talaga Chaki sobrang nag enjoy kami. Ngayon lang ata kami nakakain sa ganitong klaseng restaurant ng tito Flor mo." Saad ni mama

" Maski tubig ay ang mahal! Haha! Isang baso nga lang 40 na? Anong klaseng tubig ba yun? Hahaha" nagtawanan naman sila.

Tss. Mga ignoy tong magulang ko eh. Tsk.

" wala ho yun, nag enjoy rin ho ako!" Chaki.

"Salamat din saiyo Tafuzaki, masaya kaming nakilala ka na rin namin sa wakas, matagal ka na kasing kinukwento ni Chaki saamin." Mama

"Ako rin ho. Masayang nakilala kayo!" Sincere na saad niya.

Nagrepresenta pa sila na ihatid kami sa bahay

"Wag na, mag t-tricycle nalang kami, maraming salamat!" mama

"Sigurado ho kayo tita? Okay lang naman ho talaga saamin eh!" Chaki

"Hindi na talaga, maraming salamat!" Papa

"Sige ho kung yun ang gusto niyo. kung ganoon po ay mauuna na kami sa inyo!" Paalam niya

"Sige Chaki, Zak, mag iingat kayo."

Umalis na nga ng tuluyan ang dalawa.

"Ahm, mauna na muna kayo, may pupuntahan pa ho ako!" Saad ko.

"Ah, sige anak. Mag,iingat ka ah, wag kang magpapagabi. Eto baka kailangan mo nang pera. Pasensya na yan lang ang maibibigay ko" papa

Nilahad niya saakin ang isang daan.

Lumingon lingon pa muna ako, dahil baka may makakilala sakin dito at makita ako.

"Wag na ho! Sige" saad ko at mabilis silang iniwan.

Maya maya lang ay tumawag si Bez

"Where are you?" maarteng saad nito sa kabilang linya

"I'm on my way, kumain lang kami ng pinsan ko sa Meg's Restaurant!" Saad ko

the MIRACLEs in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon