"Clouds come floating into my life, no longer to carry rain or usher storm, but to add color to my sunset sky"
-----------
ANGEL GRACE P.O.V
"Alis nako!" Paalam ko, as usual di ko na hinintay pang sumagot sila..
"Ingaat ka anak!" Rinig ko pang sigaw ni mama habang nasa labas na ako.
Tsk..
"Angel!!"
Si Chaki..
Kumaway pa ito.. sa loob ng sasakyan niya habang nakababa ang tinted na bintana ng kotse niya..
Buti nalang talaga dinadaanan ako ni Chaki araw-araw dito..
"Hi Chaki!" Bati ko sakanya habang binubuksan ang frontseat..
Magpinsan kami, pero marami akong hindi alam sa kanya, ganun din siya sakin.. maging ang pagkukunyari ko sa paaralan ay di niya alam.
"Gel, gusto na talaga kitang ipakilala sa mga kaibigan ko, lalo na kina Tafuzaki at Erza na kasama ko sa condo, I'm sure magkakasundo kayo nun.. lalo na si Erza," kwento niya..
Tiningnan ko siya..
Ibang Erza naman siguro ang tinutukoy niya diba?
"Oo, tama! Magkakasundo nga kayo nun, dahil kagaya mo ay nasa feild ng medicine din ang course niya.. " dagdag pa niya
"Let see!" Tanging tugon ko.
"Nga pala, kumusta sina tita Fe at tito Flor?" Tanong niya
Umikot ang mata ko sa tanong niya. Di ko pinakita sa kanya syempre..
"okay lang naman!" Sagot ko.
"Ang swerte mo sa kanila Gel!" Saad nito. Sa loob ko'y tumaas ang sulok ng kilay ko..
'Paano ako magiging maswerte sa kanila kung di nila kayang ibigay ang mga pangangailangan ko?'
Nginitian ko nalang si Chaki.
"Sana ganun din ang parents ko, kagaya ng parents mo Gel, na nasa tabi mo lang, inaalagaan ka't sinusuportahan." Malungkot na saad niya..
"Pero naiintindihan ko din naman sila!" Saad pa nito na nakangiti..
"Siguro'y namimiss mo ang buhay mo dati!" Huminto kami dahil sa traffic light..
"Pero kung tutuusin Gel, mas mayaman ka ngayon.. dahil nandiyan lagi ang pamilya mo! "
Ang daldal mo Chakiku..
Hindi ko na gusto yang tabas ng dila mo, ayaw kong magdrama ngayon.. tsk..
"Salamat!" Saad ko at mabilis na bumaba sa kotse niya ng makapark na siya..
Sinabi kong malalate na ako sa klase ko kaya di ko na siya mahihintay.
Totoo naman talaga na malalate na ako dapat, kaso absent ang prof namin..
Wala din si Bezilia, kaya mag isa akong nag lalakad patungong food court. Si Xia kasi may lakad na naman. Tsk. Saan kaya nagpupunta ang babaeng yan. Lagi nalang nagmamadaling umalis kada walang pasok.tsk. kaya di namin siya nakakasama lagi ni Bezilia. Pero mabuti narin dahil masyado siyang matanong tungkol sakin.
"Si Zeus ba yun? Hindi pa naman exam week diba?" nabaling ang atensyon ko sa dalawang babaeng kasabay ko sa paglalakad.
"Kasama-- oy si Angel pala to oh, hi Angel!!" Saad ng isa nang mapansin ako. Nginitian ko naman sila kahit pa di ko sila kilala.
BINABASA MO ANG
the MIRACLEs in you
Teen Fiction"Everything happens for a good reason." a story that would touch your heart and make you realize and think twice about life. what does MIRACLEs means??