Sa mga nagtatanong kung sino si Rue. Si Rue ay si GAHO. Oh, alam na! XDD
Chapter 12: I'll protect you Part 1
Xander's P.O.V
"Ako na kukuha ng cadaver!" presinta ko saka dali-daling tumayo at lumabas sa classroom.
"Wuuu! Kunwari ka lang! Makikipagkita ka lang sa girlfriend mo eh!" pang-aasar pa sa akin nung isang kaklase ko.
"Sira!" sabi ko saka nagpaalam sa kanila.
Well, medyo totoo naman yung inasar nila sa akin. Bago ko daanan yung cadaver, daanan ko muna si Rina. Kukumustahan ko lang sya.
Bigla akong napangiti nung maalala ko sya.
Ang tagal ko ding nanligaw sa kanya. Actually, halos abutin na yun ng isang taon. But luckily, just last Christmas, sinagot nya ko. And during that time, I am the luckiest and happiest person that ever live.
Alam nyo naman sigurong matagal ko ng gusto si Rina di ba? Simula pa nung nakita ko syang namomoblema kung paano makukuha yung bag nya na nasa gitna ng busy highway. Up to now, nagtataka pa din ako kung paano napunta sa kalsada na yun yung bag nya.
But I thinks its fate doing. Dahil kung hindi dahil sa bag na yun, baka hindi ko sya nakilala. At baka hindi ko sya naging girlfriend ngayon.
Masaya naman ako sa relasyon namin...nung una. Pero ngayon, medyo nakakaramdam na ako ng worry. Paano ba naman nandyan na ulit yung sira-ulong Jasper Dwane Villafuerte na iyon.
Three years ago, pinanuod ko si Rina na umiiyak sa pag-alis ng JD na yun. Then that is also the time when she tell me the truth.
[Flashback]
"Rina?" nagdadalawang-isip na sabi ko nang may makita akong babaeng kahawig nya na malapit sa may Entrance ng airport.
I came here to fetch Hanna. Hindi ko nga sigurado kung ano bang gagawin nya dito sa may airport. Ang paalam nya lang, may ihahatid sya na kaibigan daw nila. Ngayon kasi yung nakaschedule na check up nya eh. And knowing my princess, mas pipiliin pa nung makasama yung boyfriend nyag si Viel kaysa magpacheck up.
Dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin yung nakatungong babae. At halos madurog ang puso ko to see her sad face.
Pulang-pula yung mata nya at namamaga pa iyon. Bigla akong napaupo sa harapan nya at saka hinawakan yung magkabilang pisngi nya.
"Shhh...what's wrong?" pagpapatahan ko sa kanya.
Iyak lang sya ng iyak. Tapos noon maya-maya napatingin sya sa mata ko.
"Tell me, ano bang nangyari?"
Umiyak lang ulit sya. Kinapa ko yung panyo ko sa may bulsa ko saka iyon pinunas sa mga mata nya.
"J-JD..." hindi ko maintindihan yung sinabi nya. Medyo paos na kasi yung boses nya dahil na rin siguro sa kakaiyak nya.
'Kanina pa ba sya dito? At saka anong ginagawa nya dito sa labas ng airport?'

BINABASA MO ANG
My Jealous Stepbrother (Book 2)
Romance[MJS BOOK 2] After 3 years, JD is back...with a vengeance to make Rina's life a living hell. He wants to hurt her the same way she did to him. He'll make his stepsister regret what she have done to a warlord like him. That no one mess up with some J...