Chapter 34: The Man Behind The Mask

70.1K 1.5K 190
                                    

Chapter 34: The Man Behind The Mask

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          I am speechless to see all of this. I mean, hindi ko aakalain na maghahanda ng ganito si JD para sa akin. I really did not expect this.

          "Did you like it?"

          Nakatayo pa din kami dito sa gitna ng gymnasium, just looking towards each other.

          And to tell you honestly, sa lahat ng naka-tuxedo, si JD yata yung pinakacharismatic tingnan. Isipin nyo na lang yung gangster na nagformal suit. Ganoon sya kaganda tingnan ngayon.

          "Yes." I said then smile at him. "Thank you JD. Nag-abala ka pa tuloy. Salamat talaga."

          God knows how much thankful I am sa ginawa nya. This whole place is so much para sa isang gaya ko.

          Kaya nga, kahit na masaya ako, hindi ko pa din maiwasang makaramdam ng guilt. Guilt for lying to JD.

          I wonder, naaalala pa kaya nya yung kasalanan ko sa kanya? Kung oo, siguro hindi nya gagawin ang mga bagay na 'to.

          I smile bitterly to myself. Bakit kasi ngayon ko pa napiling magreminisce ng nangyari sa nakaraan.

          "Is there something wrong?"

          Sapilitan nyang inaangat yung mukha ko sa kanya. He holds my chin and lift it up. Then he look straight into my eyes like as if he's reading the insides of me...and the lies I am hiding within.

          "Wala..." mahina kong iniling ang ulo ko para makawala din sa nakakapasong hawak nya.

          Too sad, I fall in love with the wrong man.

          Pero, hindi ko dapat ipakita ang lungkot na yun sa kanya. He prepares all of this just to make my birthday a happy day kaya dapat masuklian ko yung pagod nya sa paggawa ng magical world na 'to gaya nga ng nasabi ni Nozomi.

          "Sayaw tayo!" yaya ko sa kanya to lighten my mood saka ko kinuha yung dalawa nyang kamay at hinawakan iyon.

          Ang ganda ng music eh. Saka ang gwapo pa ng kumakanta.

          Napatingin ako sa stage, teka, kaibigan ba yun ni JD? Galing naman nya kumanta!

          "No!" nagulat ako nang biglang magsalita si JD saka inalis yung mga kamay nya sa hawak ko. "I don't dance."

          Napatingin ako sa kanya with puzzlement. Huh? Sya, hindi sumasayaw.

          Sabagay, wala sa personality nya yung sumasayaw. He's too manly for that.

          "Request for something else. Just not dancing." sabi ulit nya.

          Napangisi tuloy ako sa naisip ko.

          "Pero gusto kong sumayaw. Sayang yung boses nung singer oh!" try nating pasayawin ang isang JD Villafuerte. Try lang.

          "I paid Ronan to perform so there's no waste to that." mayabang na sabi nito.

          Lahat naman ng sinasabi nya, basta may involve na pera, mayabang.

          "Dali na!" hinila ko pa yung kamay nya.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon