Chapter 14: Under his spell

89.3K 2.1K 299
                                    

Dedicated ang chapter na 'to kay lacusclynemarian. I think masasabi kong sya ang manager ng MJSB series. Why? Kasi, napansin ko, sa last chapter nung First Half, sya yung nag-announce sa mga tao doon na released na yung 2nd Half. At saka nakakatuwa yung mga private message nya sa akin at yung mga comments nya sa chapters ng MJSB. O, special mention ka girl! I appreciate all you effort girl at dahil dyan, pasok ka na sa mga favorite tao ko dito sa Wattpad. :) Hope you like this! Ciao!

 

Chapter 14: Under his spell

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          "Aray! Dahan-dahan naman Jasper!"

          Mas lalo nyang diniin sa mukha ko yung yelo. "Oo na! Oo na! JD nga sabi ko di ba?!"

          "Tch!"

          Bwisit 'to! Hindi ko alam kung ginagamot nya ba talaga ako nito o papatayin nya ko sa pagagamot nya eh!

          "Masakit pa ba?" sabi nya maya-maya.

          Titig na titig sya sa mata ko nung sinabi nya yun kaya hindi ko maiwasan pamulahan ng mukha doon sa sinabi nya. Hindi kasi ako sanay na mabait si Jasper...I mean JD pala.

          Usually kasi, ganito yung in-expect kong reaksyon mula sa kanya.

          "Ano ba?! Ang tanga-tanga mong babae ka! Bakit ka nagpahuli sa kanila?!"

 

 

          "Ang hina mo! Di sana nag-isip ka ng paraan paano tumakas!"

 

 

          "Wag mo nga akong dinadamay dyan sa gulong pinapasok mo! Naiistorbo mo kami ng mga chikababes ko!"

 

 

          Okay. I-disregard natin yung huli kong naisip. Imposibleng magsabi ng ganoon si JD.

          Ah basta! Hindi ako sanay na ganito sya kabait!

          "What do you want? Nagugutom ka ba? Gusto mo bang balikan yung mga nanakit sa'yo? Ano pa yung ginawa nila sa'yo? May—"

          "Waaa! Stop that!"

          Nagulat si JD sa biglang pagsigaw ko. Kahit ako din eh! Pero hindi ko na kasi kaya yung ganitong treatment! Mababaliw na ako kapag nagpatuloy sya sa pagiging mabait nya!

          "Tumigil ka nga! Hindi ka ba kinikilabutan dyan sa mga pinaggagagawa mo?" sabi ko sabay tayo sa ibabaw ng kama.

          Sya nga pala, nandito kami ulit sa condo nya. Yung una nyang pinagdalhan sa akin nung nalasing ako. Hindi kasi kami pwedeng umuwi sa bahay ng ganito itsura ko.

          Anong itsura ko? Well, sa kakasampal sa akin ng panget na yun, namaga lang naman yung mukha ko. At yung kamay ko? Bakat yung handcuffs na nilagay nila. Ang higpit kasi nung pagkakalagay nila eh! Idagdag pa natin yung pasa sa braso ko dahil sa pagkaladkad nila sa akin at yung pagsakit ng ulo ko dahil sa pagsabu-sabunot nila sa akin. Hindi naman malala yung itsura ko di ba? Insert sarcasm here.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon