Chapter 15: Confusion

90.2K 1.9K 224
                                    

Chapter 15: Confusion

Rina's P.O.V

          "I need to go home...now!" madiing sabi ko sa kanya.

          Pero anong sagot nya? DEADMA! Hindi nya ako pinansin! Nakatunganga lang sya doon sa mayabang nyang plasma TV!

          "Ano ba JD!" sabi ko saka hinawakan yung balikat nya at niyugyog nya. "Pauwiin mo na ko!"

          Nasa may likuran nya ako habang like a boss syang nakaupo doon sa sofa sa sala ng condo unit nya. Sa totoo lang, masyadong malaki yung condo nya para maging condo. Siguro buong first floor ng mansyon nila yung laki nito? Magkano kaya binabayad nya dito ano?

          "JD ano ba?!" nagdadabog na ko. Wala kasing epekto sa kanya yung ginagawa ko.

          Inaalis nya lang yung kamay ko sa balikat nya habang nanunuod pa din ng TV na puro lang namang currency yung laman. Ba yan! Di ba sya nabobore doon o sadyang inaasar nya lang talaga ako?

          "Ayaw mo talaga huh?!" inis na sabi ko saka dumerecho sa may pintuan.

          Kung ayaw nya akong paalisin dito, pwes, papalabasin ko sarili ko!

          Hinawakan ko yung door knob ng pinto at binuksan iyon...pero hindi yun bumukas! Inulit ko ulit. Ilang beses kong pinihit yung door knob pero ayaw talaga bumukas! Ano ba?! Makiayon ka naman sa akin door knob!

          "No matter how hard you try, hindi bubukas yan..." aba! Himala! Nagsalita si JD the magnificent!

          "Bakit?!" tanong ko naman.

          "Ako lang makakabukas sa pintong yan..." sabi nya saka taas ng remote contol na hawak nya.

          And I can see his annoying smirk kahit naka-side view sya sa direksyon ko.

          Bwisit! "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!" gigil na sabi ko saka lumapit sa harapan nya at pinatay yung lecheng TV.

          "Bakit mo pinatay?!" inis na sabi nya.

          "Akin na yang remote!" sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa harapan nya. Pati ba naman yung pagbukas ng pinto nya high-tech din?! Seriously?! Magkano binabayad nya dito?!

          "Why should I?" nakakunot-noong sabi nya.

          "Kinukuha ko bakit?!" nakakainis na talaga sya! Siguro iniisip na nya na ang tanga-tanga ko. Grrr!

          "No." sabi nya saka tago sa likuran nya ng remote.

          "Akin na!" malakas na sabi ko saka mas nilapit yung kamay ko sa kanya.

          Akala ko, ibibigay na nya yung remote sa akin. Pero laking gulat ko nang bigla nyang hilain yung kamay ko saka ako biglang napaupo sa may lap nya.

          Agad nyang pinulupot sa bewang ko yung dalawang braso nya nung akmang tatayo agad ako.

          "Bakit ba uwing-uwi ka na stepsis?" sabi nya. Teasing me. "Ang aga pa naman ah!"

          "Oo! Maaga pa! Maaga na talaga! 3 a.m. na Jasper Dwane Villafuerte kung di mo napapansin yung oras!"

          Mas lalo nyang hinigpitan yung hawak nya sa akin at saka nya pinatong yung baba nya sa may balikat ko.

          "Kaya nga mamaya na tayo umuwi stepsister..." sabi nya.

          Bigla akong nilamig nang bigla na lang nyang dilaan yung leeg ko.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon