Chapter 13: I'll protect you Part 2

86.7K 2K 384
                                    

Chapter 13: I'll protect you Part 2

 

 

Xander's P.O.V

 

 

          I don't know where the hell is this place. This warehouse looking establishments gives me the creeps and I know that Rina feels the same too.

          "Wait a little more Rina..."

          Nandito lang ako sa labas habang naghihintay ng pagdating nung mga pulis.

          Hindi naman sa hindi ko kayang ipagtanggol si Rina ng ako lang. Ang hirap kasi kumilos ng hindi nagpaplano. Ano na lang ang mangyayari kung magpapadalos ako? Wala ring mangyayari. Maaring mahuli lang din ako ng mga kumuha kay Rina and in the end, parehas pa kaming walang magagawa sa sitwasyon.

          Kaya kahit na gustong-gusto ko ng pasukin yung mga tao sa loob, I patiently wait outside, praying na sana walang mangyaring masama sa kanya sa loob.

          "Wait for me Rina..." mahinang sabi ko. "I swear, I'll protect you no matter what."

Rina's P.O.V

 

 

          "Ano sya ngayon? Tataob din pala sya eh!" natatawang sabi nung lalaking may tinawagan kanina. "Tapos ang yabang-yabang pa nya kanina?! Huh! Basag ang mukha nya pagpunta nya dito!"

          "Sira! Wag muna! Pahirapan muna natin!" sabi naman nung malaking Mama sa may tabi. "Hindi enjoy kung bubugbugin agad natin sya."

          "Oo nga pala!" sabi nung kanina. "Teka matawagan nga ulit!"

          "Anong balak nyong gawin kay JD?" sabi ko bigla.

          May hula na ako kung sino ang mga 'to. Siguro mga nakaaway 'to ni JD noon. Pero kung sino man sila, tiyak na lagot sila kay JD! Kayang-kaya nyang pabagsakin ang mga 'to.

          Pero ang problema, hawak nila ako. At malamang sa malamang, gagamitin nila ako laban kay JD.

          Ngumisi muna yung lalaking may hawak ng telepono sa akin saka nya binuga sa mukha ko yung hinithit yang sigarilyo. Napaubo tuloy ako ng wala sa oras.

          "Hahaha!" tawa pa nya sa naging reaksyon ko saka nya ako biglang sinabunutan.

          Hindi ako aaray. Ayokong ipakita sa mga tao na 'to na natatakot ako sa kanila. Kailangan kong maging matapang para na rin sa sarili ko.

          "Ang kapatid mo lang naman ang bumasag sa mukha ko!" inis na sabi nya sabay dura sa isang gilid. "At ipaparamdam ko sa kanya kung paano mabasag ang mukha!"

          "Huh!" Sige Rina! Labanan mo sila! Kaya mo yan! "At sa tingin mo talaga kakayanin nyo si JD? Hahaha! Nagpapatawa ka ba?"

          "Anong sinabi mo?" gigil na sabi nung lalaki saka hinawakan yung mukha ko gamit yung isang kamay nya lang. "Siniwerte lang ang Villafuerte na yun kanina!"

          "Talaga?" sabi ko saka iniling yung mukha ko para maalis mula dun sa pagkakahawak nya. "Parang hindi naman! Mukha ngang—"

          Nahinto ako sa sasabihin ko nang muli na naman nya akong sampalin. Oo, sya din yung lalaking sumampal sa akin kanina at nagdala sa akin sa lugar na 'to.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon