Chapter 33: Birthday Celebration Part 2
Rina's P.O.V
"Saan ba kasi tayo pupunta Nozomi?"
"Di ba sabi ko sa mall nga?"
"Mall?! Nang ganitong oras?!"
Napatingin ako orasan na nasa bed side table ko. It says 9:00 PM. It's already 9 in the evening! Nababaliw na ba sya? Pasara na yung mga mall ngayon ah!
"Bukas na lang!" sabi ko saka bumalik sa pagkakahiga ko sa kama at itinuloy ang naudlot kong tulog.
Kaya lang, people nowadays don't know the word "mercy".
"Bukas pa yun! Kaya halika na!" sabi ni Nozomi sabay hila sa kamay ko at pwersahan akong hinila patayo mula sa kama.
Kainis naman eh! Istorbo ng tulog 'tong si Nozomi! Napagod na nga ako sa party na inihanda ni Papa kanina. Kahit na ang tindi ng pag-ayaw ko sa party na yun, nagpaparty pa rin sya. Nakakahiya tuloy. Mamaya isipin nila na opurtunista kami o ano.
Babalik na sana ako ulit sa paghiga nang itutok ni Nozomi sa tapat ng mukha ko ang isang gunting na hindi ko alam kung saan nya nakuha.
"Tatayo na nga ako di ba?" sabi ko sabay layo sa kama.
Mahirap na. Iba na takbo ng utak ng mga tao ngayon. Baka totohanin nya yung pagtusok sa akin gamit yung gunting na hawak nya.
"Akala ko hindi ka pa tatayo eh!" nakangising sabi nya. "O sya, bihis na!" parang nanay na utos nya sa akin.
"Oo na!" sabi ko na lang saka dumerecho sa banyo.
"Sya nga pala..." muli akong napalingon sa kanya. "Magpaganda ka huh? Manlalaki tayo mamaya!" natatawa pang sabi nya.
Manlalaki? Di ba may boyfriend na sya?
Napailing na lang ako. "Oo na lang." sabi ko saka pumasok sa loob ng banyo.
"Tandaan mo, magpaganda ka!" sabi nya mula sa labas.
Ano bang meron at kailangan pang magpaganda para lang pumunta sa mall?
At bakit ba ang weweird ng mga tao ngayon? Kanina lang, hindi ko nakita yung presensya ni JD sa party, pati si Nozomi hindi man lang nya ako nagawang batiin.
'Hindi kaya nakalimutan nila na birthday ko?' sa isip ko.
Napailing na lang ako sa naisip ko saka nagsimulang mag-ayos.
"Bahala na."
Nozomi's P.O.V
Huh! Hindi ko akalain na may alam din pala ang JD Villafuerte na yun sa salitang romance. In fairness, natuwa ako sa plano nya kaya ako napasama sa kalokohan na 'to.
Sya nga pala, nandito na kami ng kaibigan kong si Rina sa isang shopping mall na hindi ko alam kung paano nila napanatiling bukas kahit na halos magti-10 na. Mga mayayaman nga naman, ang daming koneksyon.
BINABASA MO ANG
My Jealous Stepbrother (Book 2)
Romance[MJS BOOK 2] After 3 years, JD is back...with a vengeance to make Rina's life a living hell. He wants to hurt her the same way she did to him. He'll make his stepsister regret what she have done to a warlord like him. That no one mess up with some J...