Chapter 20: The Show
Rina's P.O.V
Everything is set. Yung mga damit namin, yung mga accessories, yung hairstyles at syempre ang main model namin na si Xander.
Nung una, nahirapan kaming kumbinsihin yung Professor namin na si Xander na lang ang ipalit naming model dahil against daw yun sa rule. Pero dahil sa wala na talaga kaming choice at wala ng pag-asang makita si JD ay napapayag na din namin sya. Pero daan-daang sermon pa yung nakuha ko sa kanya bago nya kami payagan. Grabeng sunget talaga!
Pero all ends well naman kaya wala ng magiging problema.
"Rina sunod ka na lang huh?" sabi sa akin Nozomi.
"Sige!" at kumaway pa ako sa kanila bago sila tuluyang lumabas.
Hinahanap ko pa kasi yung number ko kaya nagpaiwan pa ako. Nawawala kasi. Kailangan pa naman yun para magrade-an kami ng maayos ng mga judge.
"Nasaan na ba yun?" tanong ko sa sarili.
Nasa may working room ako ngayon at nag-iisa na lang. May mga kwento-kwento pa naman dito na may nagpaparamdam daw dito. Yes, nakakatakot pero hindi ako natatakot. Mas takot pa din ako sa buhay na tao kaysa patay.
"Ano ba yan! Magpakita ka na—"
"Looking for something?"
Bigla akong napatayo ng maayos nang makita ko ang pares ng paa na nasa harapan ko. At nang mag-angat ako ng tingin para alamin kung kanino yun, nagulat ako to see JD.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.
Gusto ko sanang mainis sa kanya. He's supposed to be our model. Tapos mawawala sya bigla then ngayon nasa harapan ko na sya. Seriously? Nang-aasar ba sya? Kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya tapos ngayon lang sya nagpakita?
"You answer my question."
Napakunot-noo ako sa paraan ng tanong nya.
"Anong problema mo?"
"Nothing..." he said saka sinara yung pinto na nasa likod nya lang gamit yung isang paa nya. "Ikaw, do you have a problem?"
Napabuntong-hininga ako. "You know what? I don't have time for this. Saka mo na lang akong pagtripan kapag wala akong ginagawa." sabi ko saka nagpatuloy sa paghahanap sa number ko.
Nasaan na ba kasi yun?!
"You always don't have time for me..."
Muli kong nilingon si JD nang magsalita sya. Ano bang problema nito?! "What do you want?"
Wala akong panahon dito! Ilang sandali na lang at magsisimula na ang show.
"You..." he said then walks towards me.
Napaatras naman ako ng wala sa oras. Okay. What's going on?
"You know what? I feel like sometimes I want to crush you using my hands..." he said while still walking. "But luckily, the fool inside me always ruined the plan. I wonder why."
BINABASA MO ANG
My Jealous Stepbrother (Book 2)
Romance[MJS BOOK 2] After 3 years, JD is back...with a vengeance to make Rina's life a living hell. He wants to hurt her the same way she did to him. He'll make his stepsister regret what she have done to a warlord like him. That no one mess up with some J...