Second Time

37 0 1
                                    

JC POV

Nagsimula na kami mag ayos ng mga gamit. Nako po. Tinitignan ko palang tinatamad na ko. Ang dami kasi eh. Pero buti nalang sabado ngayon. Wala kami duty bukas. YES!! Okay lang magpuyat pero hindi dahil sa pagod. Hays :((

Isa isa na nilang pinasok yung mga appliances pati na din yung sofa. Pero etong Himchan na to nasa tapat lang ng pinto. -__-

" Baby, bakit nandyan ka lang? " nagtataka kong tanong sakanya. Nakakahiya naman dun sa iba na naghahakot eh samantalang sya nakatayo lang dun.

" Ano kasi.. Mainit eh. Tirik na tirik pa din yung araw oh.. " napatingin naman ako sa labas. Nasilaw ako. Oo nga mainit pa din. Pero di yun valid na excuse nya. Eh si Junhong nga ayaw sa araw nyan nandun sa labas oh.

" Baby, tumulong ka naman. Para naman di ka lalaki nyan eh. " asar kong sabi sakanya habang tinutulak sya palabas ng bahay.

" Ano sabi mo baby? di ako lalaki? " humarap sya sakin. Tumango naman ako. Yun naman talaga sinabi ko eh, bakit may sinabi pa ba kong iba? wala naman eh.

Matagal nya ko tinitigan..

" Oy kayong dalawa, wag nga kayo paharang harang dyan sa pintuan. Tsk! " saway samin ni Jessa. Oo nga nakaharang nga pala at nahimashimasan naman agad ako.

" Sige na baby.. tumulong ka na dun. " akmang tutulakin ko na sya. Hinawakan nya yung wrist ko. Light lang naman yung pagkakahawak nya. Pero yung tingin nya masyadong dark eh. Di ko mabasa. 

Nilapit nya yung bibig nya sa leeg ko. Ano ba to.. ang init ng hinga nya. ヾ(×× ) ツ May binulong sya sakin..

Aahnjsdakdjskrlefk,jsidnfdkjflds;.... *smirk

ANOOOOOOOOOOOO?!! Ano yung binulong nya? Bakit di ko naintindihan? Nagmatoki language ba sya!! 

Dumiretso na sya palabas ng bahay. Too late na para tawagin ko sya. Ghad! Ano yung binulong nya?! Di ako mapapakali pag ganito eh.

" Ate Jc, Pang limang tawag ko na sayo ah. Huy! " tulala pa din ako. Si Dang nasa harapan ko. Bakit napikit pikit sya?

" Ha? " wala pa din ako sa sarili ko. Kasi naman yung kumag na yon. Di lininawan yung sinabi eh, nag iisip tuloy ako. o(>< )o

" HAHAHA! Adik ka ba? Sabi ko ikaw maglagay ng kurtina, ako mag lalagay ng cover ng mga kama at unan. "

" HA-HA-HA! Ah.. sige sige. Akin na. " 

" Eh? Nilapag ko na kaya dun sa sofa. Adik ka talaga. Maiwan na kita dyan! HAHA! " 
lumabo ata pandinig ko ah? Bwiset kasi yan si Himchan eh. Sumasakit tuloy ulo ko. Kinuha ko na yung kurtina. Makapag kabit na nga lang. Kumuha ako ng upuan para maabot ko. Di dahil sa di ako matangkad. Masyado lang mataas yung kabitan -____-

Good Time :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon