JESSA POV
Hay nako. Ayan nanaman yung dalawa.. naghahabulan sila dito sa playground haha! Kala mo mga highschool pa eh kung umasta -___-
Pero ano kaya feeling ng ganun? Yung mahalikan. Aisssh! Mali mali! Ano ba tong pinag iisip ko nahahawa na ko dito sa dalawa. {{|└(>o< )┘|}}
Bigla tumunog yung cellphone..
Calling.. Hon naekkeoya! :')
" Oh hon.. baki-- ? " sinagot ko yung tawag nya at di man lang ako pinatapos sa pagsasalita >.>
" Hon!! Nasan ka ba? Tsk! Nag aalala na ko oh. 9pm na! Nasaan ka ba?!! HUHUHUHU!! " siya yan sa kabilang linya.. Sumakit tenga ko sa pag sigaw nya. Ang OA talaga mag react nito eh. -__-
" Nandito lang kami sa pla-- "
" Oy, kasama mo ba si Baby?! Sumagot ka! " paano ako makakasagot eh pinuputol nyo sinasabi ko. Katakot naman tong si Himchan, eh sya naman may kasalanan kung bakit lumabas si Ate JC =_=
" Oo.. kasama ko sya. Nakalimutan mo ata ikaw may kasalana-- "
" Jessabaa! Kasama mo si Babe? Pakisabi mag tutuos kami mamaya!!!! " teng ene yan. Ang lakas ng boses nitong si Dae eh, parang nakaloudspeaker yung cp kahit hindi naman.
" Okaay.. kelangan talaga sigawan ako? " di ko na nga natapos yung sinasabi ko sinisigawan pa ko. Ang gulo nanaman nila =_=
" Sorr-- Akin na nga yang phone ko! " nilayo ko yung cp dito sa tenga ko. Ang sakit na eh. >,<
" HON! Saan ka ba? Punta ko dyan.. Miss na kita! " hala naman to. miss agad ako? eh magkikita naman kami mamaya noh. Hon ko talaga, di makatiis pag wala ako sa tabi nya eh >///<
" Nandito kami sa playground hon. Sige na. Ibababa ko na to ha." binaba ko na. Yung mga yun talaga, minsan na nga lang kami lumabas ng kaming tatlo lang eh, lagi kasi nakadikit samin eh (_ _) lalo na yung baby boy nila >//>
Tinignan ko naman yung dalawa.. ayun nandun nalang sila sa seesaw. Mukhang kumalma naman na sila.
" Huy.. di pa ba tayo uuwi? gabi na ah. " sabi ko sakanila.
" Mamaya na.. tinatamad pa ko. " si Dang.. Pag talaga to nasa labas, ayaw umuwi eh. Kala mo matagal kinulong sa bahay (;¬_¬)
" Edi maiwan ka dyan, Ano ate tara na? " tumayo na ko sa duyan. Niyaya ko na si Ate Jc.. etong si Dang ayaw talaga umuwi. Bahala sya dyan mag isa.
" Sige.. Sino kausap mo kanina sa phone? " palapit sya sakin nung nagtanong sya.
" Sino pa ba? Edi yung bata dun sa bahay (¬_¬) " sagot ko sakanya.
" Asus, dapat kasi tinatali mo yun sa binti mo. Malamang kikukulit nanaman nya sila Himchan. HAHAHA! " si Ate. Oo nga siguro next time itatali ko na para di magngangawa dun sa bahay.
" HAHAHAHA! Tama, baka lamutakin na yun nila Youngjae sa sobrang kulit. " sabi ko sakanya. Naalala ko pa naman dati yung bumili lang ako ng pagkain sa canteen nung college pa kami, pagbalik ko sa room nagkakagulo na dahil tong si Junhong nag wawala. HAHAHA! Ang cute lang :>
" Oy Dang, ano dyan ka lang? " tanong ni Ate Jc sakanya. Nakaupo pa din sya dun sa seesaw. Tigas talaga ng ulo nito.
" Sige na nga.. sasama na ko. " (︶ω︶)