(Daehyun-Dang-Youngjae)

24 1 0
                                    

Daehyun POV

Ilang oras na ba ko nakatayo dito sa eskinita? Di pa din natigil tong ulan. Nilalamig na ko parang puso ko lang. Parang di na tumitibok. Tumingala ako at hinayaan dumaloy ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng ulan sa mukha ko.

Marami ako pagkukulang sakanya. Di ko naman maitatanggi yun eh, masyado akong duwag. Duwag na malaman nya ang totoo, ang totoong mahina ako

Hindi ko din maintindihan sarili ko. Pilit ako nagtatago sa maskara na matagal ko ng suot suot simula ng maging kami ni Dang. Natatakot ako na baka hindi nya na ko mahalin sa kung sino talaga ko. Natatakot na iwan nya din ako katulad ng ex ko. 

Ngayon hindi ko na alam ang gagawin. Akala ko hindi dadating tong araw na to na maghihiwalay kami. Kasalanan ko to. Ako ang dapat magdusa sa kagaguhan ko. Tang ina naman kasi ni Vincent eh. Bakit ba nangengealam sya? Hindi pa ba sapat yung ginawa nila sakin ni Dianne?

Gusto ko sya habulin at sabihin na mali ako, na mahal na mahal ko sya pero wala eh. Ako pa mismo ang gumawa ng dahilan para layuan nya na ko.

Ang sakit masaktan. Ang sakit masaktan si Dang. Mas marami pa ata ako binigay na sakit sakanya kesa sa pagmamahal.

Takteng luha to, ayaw paawat! 

Paano ako papakasalan ni Dang kung ngayon pa lang hindi na ko karapatdapat para sakanya?

Masisiraan na ko ng ulo! Tinext ko si Youngjae na puntahan ako ngayon dito.

Ayaw ko mawala sakin si Dang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Youngjae POV

Hayy.. Salamat. Tapos na din ang trabaho. Medyo marami din akong nilinisan at binunutan ng ngipin. Sakit ng batok ko. Sobrang ngalay na ata. Umupo muna ko dito sa sofa ng clinic ko, makapagpahinga muna saglit.

Bigla nagvibrate tong phone ko sa bulsa. Medyo istorbo to sa pagpapahinga ko.

" Pre, puntahan mo ko dito sa 7th Street. Malapit sa may jewelry shop. "  - Jung Daehyun

" Bakit? Gutom ka nanaman?! Maya na. " reply ko sakanya. Ano nanaman problema nitong kumag na to. -___-

" Hindi. Bilisan mo na nga lang. Nilalamig na ko. "  nilalamig? Bakit naman sya nilalamig? Ay ewan ko sakanya. Basta maya maya na, pagod pa ko -____-

After 15mins. inaayos ko na yung gamit ko. Pupuntahan ko na yung kumag na yun. Paglabas ko umuulan pero hindi naman gaano kalakas. Mukhang kanina pa umuulan ah. Dumiretso na ko sa sasakyan. Aiish! Asar na ulan to oh.

Saan nga ba ulit yung 7th street? Inon ko yung gps ng phone ko. Agad ko naman nakita kung saan mas mabibilisan ako dumaan. Habang papunta ako bigla ako nakaramdam ng kaba. Ewan ko kung bakit. Para kasing di ako mapakali. Sobrang pagod lang siguro to. 

Habang papunta na ko. May naaninagan akong tao dun sa ilog. Takte yan kung ano ano na nakikita ko ah. Sa sobrang curiosity ko, hininto ko tong sasakyan at bumaba. Pumunta ako sa ilog. 

Habang papalapit ako lalo lumakas tong kaba ng dibdib ko. Di ko din maintindihan, di naman ako matatakutin eh. Unti unti ko ng natatanaw tong tao dito sa gitna ng ilog. Nang may dumaan na sasakyan.. nailawan yung tao. Sandali, parang kilala ko to ah.

Panget?

Panget?! O.O

" Panget! "

Good Time :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon