(Junhong-Jessa-Jongup)

27 1 0
                                    

Junhong POV

Patuloy lang ako sa paglalakad. Ramdam ko ang hapdi nitong palad ko pero mas ramdam ko ang sakit sa puso ko.

" Jessa.. mahal na mahal kita, alam mo ba yon? " kahit mukha na kong baliw dito nagsasalita mag isa. Ayos lang. Wala akong pakealam. Kahit nakikita nila ko umiiyak. Nasasaktan din ang lalaki. At may karapatan din umiyak.

Kahit sinasabi nila na parang bata ako.. marunong din ako magmahal at masaktan.

Ganito ba pag nagmahal.. kelangan masaktan? Para saan?

Para mapatunayan na nagmamahal ka talaga? Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko? Ano pa bang kulang?

Jessa ano pa?!

Hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ko.

" Hyu-Hyung?! " si Himchan pala to. Mukhang lasing na lasing sya.

" Junhong!! " sigaw nya sakin. 

" Ok ka pa hyung?! Ano nangyari? " 

Hinawakan ko sya sa braso, inalis nya yung kamay ko at tinignan to.

" Eto.. ano nangyari dyan? " bigla ko nalang hinigit yung kamay ko. Ayoko ng malaman nya pa sitwasyon ko. 

" Ah.. wala lang to. Saan ka pupunta? " 

" Uuwi na. Ikaw? " 

" Ayoko pa, sige una ka na. " sambit ko sakanya at iniwan na sya dun.

Habang patuloy ako sa paglalakad. Napag isipan ko muna umupo dito sa bench. Hay ano ba tong nangyayari samin ngayon.

Nakarinig ako ng ambulansya sa likod ko. Napaisip ako.

Pwede bang maging ambulansya tong puso ko? Pwede bang mag ingay tong puso ko ng marinig nya na nasasaktan ako? Pwede kaya tumakbo sya ngayon sa tabi ko at sabihing magiging okay din ang lahat?

Napangisi nalang ako sa pinag iisip ko. Siguro hanggang pwede nalang yun.. dahil hanggang sa pag iisip ko, mali pa din ako.

Nagvibrate tong cellphone ko.

Junhong. Kita tayo. Sa may court. May bibigay lang ako. 

Text ni Jongup. Agad naman akong tumayo at pumunta na sa court.

Ano naman ibibigay nun?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jongup POV

Nagising ako ng wala sa oras. May narinig akong ingay sa baba.

Naabutan ko na nakaupo sa sahig si Jessa at galit na galit tong si Junhong. Ano ba nangyayari?

" Tama na Junhong. Tumigil ka na. " sambit ko sakanya. pero mukhang di nya ko narinig.

Hanggang sa lumabas na sya ng bahay. Kung ano man tong nangyayari. Di ko to gusto.

Nilapitan ko si Jessa.. medyo punit punit yung blouse nya. 

" Jessa.. "

Hinawakan nya ko sa magkabilang braso. Nanginginig sya.

" J-Jongup.. ang sakit. Ang sakit sakit! " 

" Shhh... tahan na Jessa. Halika. " inangat ko sya at inalalayan dito sa sofa. 

Good Time :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon