Dang POV
Nagising ako sa tunog ng bumukas na pinto. Si Dae.
" Babe.. " sambit ko habang nagkukusot ng mata.
Lumapit sya sakin at tinabihan ako.
" Babe.. goodmorning. " nakangiti sya sakin.. yung ngiting nagpapakilig sakin.
Hinaplos nya yung mahaba kong buhok.. habang tinitignan ko sya lalo ako naiinlove. Ang peaceful kasi ng mukha nya.
Hahaplosin ko na yung mukha nya ng biglang unti unti nawala yung ngiti nya, yung masayang ngiti nya napalitan ng malungkot na ngiti..
" Babe.. Baki-- " pagkahawak ko sa mukha nya bigla sya nabasag.
Nagulat ako.
At nagising ako. Panaginip. Isang masamang panaginip.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tiningnan ko ang buong paligid.. walang bakas ng kahit ano. Napatingin ako sa pinto sarado ito pero bakit ganun parang totoo?
Naiiyak nanaman ako potek! Ramdam ko sikip ng dibdib ko.
Bumangon na ko.. at paglabas ko ng kwarto nila Ate Jc, sinilip ko yung ibang kwarto kung nandun pa ba sila.. pero nakaalis na ata. Napatingin ako sa kwarto namin ni Dae. Nagdalawang isip ako kung sisilipin ko ba o hindi.. pero wala eh, di ko matiis.
Walang tao. Nauna na siya siguro.
Pagbaba ko sa sala natanaw ko sa bintana si Junhong palabas na ng gate. Kakausapin ko pa sana kaso tinamad na ko. Nakaramdam na ko ng gutom hay.. ang sakit pa ng ulo ko. Ang haba ata ng tulog ko. -____-"
Ang lungkot naman kumain mag isa. Hays! Kainis. Ayoko pa naman kumakain ng walang kasabay. :(
Nagsimula na ko maligo at pagkatapos nag ayos na ko ng sarili. Buti nalang halfday ako ngayon.
Pagdating ko sa skul, nagtanungan tong mga katrabaho ko bakit ganito itsura ko. Mga chismosa talaga eh. Bahala nga sila dyan.. magtatrabaho nalang ako. (_ _*)?
After ng work ko. Nag stay muna ko sa room. Aayusin ko muna tong program para sa event next month. Hays.. hirap mag teacher madaming gawain pero keri ko to. Ako pa! =__=
Nang matapos na ko. Di ko namalayan maggagabi na pala at sa kasamaang palad umuulan. Buti nalang may payong ako pero ang hirap humanap ng masasakyan pag ganito kalakas yung ulan.
Habang pauwi ako.. naglakad na muna ko wala kasi dumadaan na jeep o taxi man lang. Napahinto ako dito sa isang coffee shop. Hmm.. mukhang nakikiayon sikmura ko ah. Gusto ko ng kape. Naalala ko tuloy yung Coffee Couple (Ate Jc&Himchan).
" Goodevening Ma'am.. " sabi nung babae sa counter.. nginitian ko naman sya at umorder na.
Umupo na ko malapit dito sa entrance ng shop. Grabe yung lakas ng ulan sa labas.. geez* ang lamig.
Maya maya dumating na din yung Mocha coffee at dalawang slice ng bread. Hindi naman ako mahilig sa coffee.. natyempuhan lang siguro na masarap magkape ngayon.
Pag inom ko ng kape.. nabigla ako sobrang init! Takte napaso ako. Sino ba kasi nagsabi na inumin na parang juice to.. nako ka naman Dang!
May bigla tumawa at pinunasan tong labi ko.
" Ganyan ka ba talaga? Everytime na magkikita tayo may problema ka sa pag inom. Haha! "
Si Vincent.
Nagulat ako nung una.. pero sa sinabi nya napanguso ako. Di ko naman sinasadya eh.. masyado lang ako nadala >3<
" Bakit nandito ka? " tanong ko sakanya.