(Jc & Himchan)

32 1 0
                                    

JC POV

Mag aalas onse na pala. Madami na din pala napag usapan namin nitong si Jin. 

" Uuwi na kami, magpahinga na kayo. " paalam ni Jin samin. Tumango naman ako. 

Sila Himchan di naman nanggulo. Ewan ko sakanila di naman lumabas eh. 

" Si Vincent? " hanap ni JK sakanya. Oo nga pala, di na bumalik yun matapos alalayan si Dang ah.

Inayos na muna namin yung mga kalat dito. Maya-maya pa dumating na din si Vincent, nakangiti. Abnormal lang.

" Uuwi na tayo? " tanong nya.

" Malamang.. anong oras na kaya. " inakbayan na sya ni Jin at hinila na papuntang gate. Si JK sumunod na din.

" Babye~ " nag paalam na sila samin at umalis na.

Haaay.. Bakit ba ang bilis ng oras? >.<

" Em, ipasok na natin to sa loob. Si Dang di na lumabas ah? " sabi ko kay Em habang bitbit tong tray na may mga baso at platito. 

" Baka may nangyari nanaman.. tsk! " sagot sakin ni Em. 

Pagpasok namin sa bahay. Naabutan namin si Himchan dito sa sala. Nakaupo lang sya.

Alam kong nakatingin sya sakin.. pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakakad papuntang kusina. Napansin ko wala na yung iba malamang nasa taas na. Si Dang din ata umakyat na.

" Ate, aakyat na ko ha? Inaantok na ko eh. " sabi sakin ni Em at umakyat na din sya. 

SO? Kami nalang nandito ni Himchan. AWKWARD~

" Aakyat na ko. Dyan ka matulog. " sabi ko sakanya.. paakyat na ko ng bigla sya nagsalita.

" Ex mo yun diba? " sabi nya. Tiningnan ko naman sya na nakataas yung kanang kilay ko.

" Oo. Ano naman? " 

" Pinagsabay mo kami? " 

" Anong pinagsasabi mo dyan?! Himchan ewan ko sayo, aakyat na ko. "

" Tss. Dapat sinabi mo ng maaga. Ikaw pa tong may gana magalit. Tsk tsk! "

Parang mismo paa ko ayaw gumalaw sa paghakbang dito hagdanan. Hello? Ang tagal na nun ah! 8 years na. Tapos ganyan lang sasabihin nya sakin? Ako pa manloloko ngayon ha?! Puta lang!

" Himchan, baka nakakalimutan mo ikaw ang nanloko satin dalawa. "

" Nanloko? Bakit ano bang ginawa ko sayo?! "

" Ayan ang mahirap sayo eh, di mo alam pinaggagawa mo. Nawala lang ako, ano di mo na ko inintindi?! nag enjoy ka kasi masyado sa friendly talk mo na yan. "

" Mas trip ko sila kausapin, may sense. "

" Anong pinapalabas mo wala ko sense kausap ha?! "

" Wala. Katulad nyan. "

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko alam na nakalapit na pala ko sakanya.

*Pak!

" Tandaan mo yang sinabi mo, HIMCHAN. " at tumakbo na ko paakyat.

Shet! Shet! Pagpasok ko dito sa kwarto di ko na mapigilian sarili ko. Taena lang! Wala pala ko sense kausap? Gago ba sya. Bwiset na lalaki yan. Binato ko lahat ng unan. Bwiset ka Himchan. Bwiset!

Good Time :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon