Jessa POV
Gumising ako na katabi si Dang dito sa kwarto nila Ate Jc. Ayoko muna kausapin si Junhong. Masama pa din kasi loob ko sakanya. Nakakawala talaga ng mood -___-
Tinatamad ako pumasok ngayon kaya nanatili nalang ako sa pagkakahiga at kinalikot nalang tong cellphone ko.
" Daehyun..." napatingin naman ako dito kay Dang. Nagsasalita kasi to pag tulog eh. Ano ba naman yan si Daehyun pa din hanggang pagtulog nya -__-
Kapag ako kaya natutulog sinasabi ko din yung pangalan ni Junhong? Sana naman hindi. Tss! Napansin ko wala na gamit ni Ate Jc, siguro maaga yun umalis. Parehas nga pala kami pang umaga nun.
Maya maya pa ay naisipan ko na din bumangon at bumaba, nakaramdam kasi ako ng gutom.
Pag baba ko naabutan ko sila Daehyun, Youngjae at Jongup na kumakain na. Napansin naman nila agad ako.
" Kain ka na Jessa. " alok sakin ni Jongup ng pandesal na pinalamanan ng nutella.
" Si Bang? Umalis na sya? " tanong ko sakanila at umupo na ko sa tabi ni Jongup
" Ah.. nauna na siya. Marami pa ata aasikasuhin eh, pero maaga naman daw siya uuwi. " sabi ni Youngjae habang nainom ng milo. Siguro magkakasabay sila nila Ate Jc at Himchan.
Tahimik lang kami kumain. Bakit parang gutom na gutom ako? Nakailang pandesal na din ako ah.
Napatingin naman ako dito sa katapat ko, si Daehyun. Himala tahimik sya ngayon ah, eh samantalang napaingay din nya katulad nun ni Dang. Napakunot ako ng noo ng may napansin ako pasa sa gilid ng labi nya.
" Dae, anu nangyari dyan? " hahawakan ko dapat pero hinawi nya agad ang kamay ko.
" Wala to.. " sagot nya sakin ng hindi tumitingin sakin.
Pinabayaan ko na lang siya at nagpatuloy nalang dito sa pagkain.
Maya maya pa ay isa isa na silang tumayo at nagpaalam sakin na aalis na sila. Yung dalawa lumabas na ng bahay. Si Daehyun umakyat pa. Nakasalubong nya si Junhong, nung nakita ko siya bigla ako kinabahan. Di ko alam kung bakit. Siguro iba kasi yung aura nya ngayon.
Sinundan ko lang sya ng tingin. Pumunta sya sa kusina para kumuha ng tasa at umupo sa tapat ko. Namamaga mata niya. Tss! Panigurado ng puyat nanaman to o di natulog. Sanay kasi sya matulog kasama ako.
" Hon.. " tawag ko sakanya kaso di ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla nag ring yung phone ko.
Unknown no. Sino kaya to?
" Hello? "
". . . . . . . "
" Hello, sino to? " nagulat ako ng inagaw sakin ni Junhong yung phone.