JESSA POV
" Oh.. eto lang nabili namin eh. Wala ng matinong ulam dun. " sabi ni Ate JC habang nilalapag yung dalawang plastik dito sa lamesa.
" Bakit kasi di nalang kayo nagluto diba? Tapos mag rereklamo kayo na yan nabili nyo =__= " ako habang nag lalagay ng mga plato dito sa lamesa.
" Pagod kaya kami.. kung gusto mo ikaw magluto. " sabi sakin ni Ate Jc na nakasimangot. Wow ha?! Sila lang ba pagod? Pagod din kami noh. Tong mga to kala mo sila lang kumilos eh. Inaantok na ko (_ _)
" Susunod nalang daw sila.. " napatingin akop kay Jongup habang pababa ng hagdanan. Malamang nagsolo nanaman yung dalawang malandi dun sa taas. Hilig maglampungan. Nakakaumay na >.>
Pumunta ko sa kusina para kumuha ng mga kutsara at tinidor. Nakita ko si Junhong.. nakasandal sya dun sa ref. habang tinitignan ako. Ano nanaman kaya nasa isip nitong lalaki na to?
" Hon.. sorry. " sabi nya sakin. Tiningnan ko lang sya. Yung tipong naghihintay ako ng sunod nyang sasabihin.. nahalata naman nya.
" Kasi dun sa nasabi ko kanina pati na din yung tanong ko.. " tuloy nyang sabi sakin bigla naman nya sinabunutan yung sarili nyang buhok. Napangiti naman ako. Di ko maiwasan mapangiti pag nakikita kong syang ganyan dahil sakin. Alam ko nahihiya sya kaya sya nagkakaganyan.
" Hon wala na yun. Kalimutan mo na. Okay? " hinawakan ko pisngi nya.. napangiti sya... pero mas nakakatuwa yung itsura nyang gulat na gulat. Kasi naman.. sinundan ko ng halik sa pisngi nya sabay kurot dun sa dimple nya. Ano ba tong lalaki na to? Kelan ba yo papanget? HAHAHA!
" Hay.. tara na nga. Kain na tayo ^__^ " hinawakan ko sya sa braso at hinila na papuntang dinning area.
Napatingin naman samin sila Yongguk at Youngjae. Si Jongup ayun nakangiti lang. Cutie haha! Si Ate Jc at Himchan magkausap.. pero yung dalawang maharot wala pa din. Kanina pa yun ah?
" Grabe naman kumuha ng kutsara at tinidor.. inabot ng 5mins " asar ni Yongguk samin. Eto masasaksak ko ng wala sa oras eh. Paki nya ba sa moment namin yun ni Junhong noh! Psh!
Padabog na nilapag ko sa tapat nya yung kutsara at tinidor. Kaasar talaga to lagi eh.
" Nasaan na yung dalawa? " si Ate Jc.. habang nilalagyan nya ng kanin yung plato ni Himchan. Asus. Para naman bata HAHA! Baka naman magpasubo pa yan ah. With matching airplane pa ng kutsara. HAHA! Natawa na lang ako sa pinag iisip ko.
" Eto na.. WOW! Sarap naman nyan! " si Dang na nagmamadaling bumaba sa hagdanan. Sinigang na baboy at 4 na pritong tilapia yung ulam namin.
Agad naman sya umupo at tumabi sakanya si Daehyun.
" Ano ba ginawa nyo at ngayon lang kayo bumaba? " tanong ko sakanila ng may kasamang paghihinala.. Hmmm... (¬、¬)
" Ano pa ba gagawin naman tol? " natural lang sagot sakin ni Dang habang naglalagay ng ketchup dun sa isda.
Aba malay ko sa inyong dalawa. Ako pa tinanong mo tol -__- wala ako ideya sa mga ganyang bagay.
" Ano pa ba? Edi naglampungan nanaman. " si Himchan na nakangisi habang nakatingin dun sa dalawa. Patay malisya naman yung dalawa.. as if naman yun talaga ang ginawa nila sa taas. Di ba sila nauumay? >.<
Tinuon ko nalang atensyon ko dito sa pagkain at katabi kong prinsipe.
Naghimay ako ng isda.. sabay nilagay ko sa plato nya. Napangiti naman sya. Ganun din ako. Feeling ko kami lang nakain dito eh. HAHA! I mean kami lang nag eenjoy.