JC POV
Nagulantang kami lahat dito sa narinig namin sa magkaharap ngayon na magkamukhang magkamukha. May kapatid pala tong si Daehyun, ni isa ata samin walang nakakaalam miski rin kasi sila Bang mukhang nagulat din.
" Naalala mo pa pala ko kambal. " sabi nitong Vincent na nagpakunot ng noo ni Daehyun. Bago pa mag salita si Dae.. Nagsalita tong si Dang.
" Tara na.. umalis na tayo. " malamig nyang sambit. Hindi sya nakatingin kundi nakayuko lang.
Agad lumapit sakanya si Vincent. At pinapasok sya sa sasakyan. Umurong ata dila ni Dae, ni isang salita wala syang nasabi.
Papasok na din sana ko ng biglang may humawak sa wrist ko, si Himchan. Bwiset!
" Baby, saan ka pupunta?! " ganun din sya, kunot ang noo.
" Bitawan mo nga ko. Uuwi na ko. " pinilit ko tanggalin tong pagkakahawak nya sakin. Potek! Ang higpit ah!
" Ano ba?! Bitawan mo ko sabi! " nainis na talaga ko. Nagulat naman sya at binitawan na ko.
Tinalikuran nya ko. Ha! Sya pa talaga may ganang mag gaganyan. Ge! Bahala sya sa buhay nya. Di ko sya hahabulin. Sumakay na lang ako sa sasakyan at hinila tong si Jessa.
Nagulat naman ako ng may dalawang lalaki dito sa loob ng sasakyan. Nakasandal yung ulo nila sa upuan, may takip na panyo sa mukha. Nacurious naman ako pero mas inintindi ko tong lalaki katok ng katok dito sa bintana, si Himchan.
Parang tanga eh. Tatalikuran nya ko tapos maggaganyan sya. Sige! basagin mo na yang bintana. Bwiset na lalaki to.
" Em (Jessa) isara mo na nga yang pintuan. " sabi ko sakanya. Naiirita na talaga ko!
Em na tawag ko sakanya, ang haba pa kasi kung Jessa. Nickname naman nya yun eh.
" Baka masara ko, tignan mo. " sinilip ko naman. Si Junhong, pinipigilan yung pintuan.
" Zelo! Alisin mo na nga kamay mo kung ayaw mong ipitin ko pa yan! " sigaw ko.
" Hon! Bumaba ka na dyan pls. Hon! " pigil pa din ni Junhong. Tinutulak sya ni Em. Aish!
" Ewan ko sayo! Isa ka pa! Dun ka na nga.. " sabi ni Em habang inaalis nya yung pagkakahawak ni Junhong.
Nagulat naman kami na may tumulak ng malakas kay Junhong at agad nitong naisara ang pinto ng sasakyan. Muntik na nga maipit si Em pero may humawak sa kamay nya, yung lalaking nagsara ng pinto. Napatingin naman kami.
Shet! Ang gwapo.
Halatang bagong gising pa sya. Kinusot nya mata nya gamit ang kaliwang kamay.
" Ang ingay nyo naman. " sabi nya at umupo na ulit sa likod. Si Em ewan ko. Di na nagsalita. Nagulat ata sa paghawak sakanya.
Etong lalaki na to nandito pa din sa may bintana. Masama na tingin nya. Mas sinamaan ko sya ng tingin. Kala nya sya lang pwede mag inarte ah! I mean sya lang ang nag iinarte dahil ako irita na talaga ko.
Nakakainis to eh. Ilang oras ang lumipas ha?! Ilan! Apat na oras! Tapos ano? Miski text o tawag wala. Ha! magaling na boyfriend. Wala nga palang girlfriend yan. Puro friends kasi ang nasa utak nyan. Hinayupak sya. Dun sya sa mga ka-friendly talk nya diba!
Tignan mo naman nakatingin lang sila Bang oh. Hawak hawak nya braso ni Dae. Si Junhong halatang badtrip na.. tss! Nakaupo na sa kalsada habang sinasabunutan yung buhok nya. Kasalanan nyo yan!