(Himchan-JC-Bang)

24 1 0
                                    

HIMCHAN POV

Gusto ko saktan sarili ko. Ni hindi ko alam kung bakit kelangan magkaganito kami ni JC. Taena! Yung nakita kong umiyak sya, hindi ko kinaya. Nagawa ko paiyakin yung taong iningatan ko. Yung babaeng iningatan ko na di na ulit masaktan, pero taena! dahil sa selos ko nasaktan ko sya. Nasaktan ko si JC.  

Di ko alam kung saan ako papunta. Tumigil na din ang ulan at gabi na ng mapansin ko. Nasaan na ba ko? May nakita kong bar. Kahit gustong gusto ko na bumalik.. yakapin si JC at humingi ng sorry pero natatakot ako. Natatakot na hindi na nya ko mapatawad. Pumasok na ko sa bar at dumiretso sa unahan para makainom na. 

Naalala ko tuloy yung nasa beach kami, lagi kami nagtatalo pero isa lang yun sa mga way ng paglalambing ko sakanya. Bigla ko nakita yung ngiti nya. Takte di pa ko nagsisimula uminom parang may tama na ko.

" Sir? "

" Yung hard. "

Binigay nya sakin yung pinakahard na alak nila. Di na ko sanay uminom ah pero pampalipas lang naman. Kahit sandali makalimutan ko muna ang lahat. Ang lahat ng sakit.

Bigla ako gininaw.. pero sapat na yung alak na balansehin tong pakiramdam ko. Natuyo na din tong damit ko.

Maya maya pa naisipan ko na din umuwi. Kahit nasusuka na ko at hilong hilo, nakokontrol ko pa naman sarili ko.

May nakabangga ako. 

" Hyu-Hyung?! " rinig kong sambit nya.. Tiningnan ko naman ng maigi.

" Junhong!! " napalakas ata pag tawag ko sakanya.

" Ok ka pa hyung?! Ano nangyari? " 

Hinawakan nya ko sa braso, may naramdam akong kakaiba. Inalis ko yung kamay nya at nakita kong may hiwa yung palad nya.

" Eto.. ano nangyari dyan? " biglang higit nya sa kamay nya.

" Ah.. wala lang to. Saan ka pupunta? " 

" Uuwi na. Ikaw? " 

" Ayoko pa, sige una ka na. " at nilagpasan nya na ko. Nakita ko din na may dugong natulo sa daanan, malamang galing yun sa kamay ni Junhong. Mukhang malalim din kasi eh.

Play the song: Something Happened To My Heart by A&T

Habang naglalakad na ko pauwi. May nakasalubong akong ambulansya. Napansin ko yung tao sa loob, si Bang yun ah! Anong ginagawa nya sa loob ng ambulansya?!

Fcuk! No.. pls. 

Pls.. sana wala nangyari kay JC.

Tumakbo na ko at naghanap ng taxi. Shet! Kinakabahan ako. Iba pakiramdam ko. Di ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyaring masama kay JC. Pls wag naman sana maulit.

Pag sakay ko ng taxi, agad ko syang sinabihan na sundan yung ambulansya.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko sigurado pero alam kong masama to.

Bumaba agad ako ng sasakyan at tumakbo palapit sa ambulansya. Bumungad sakin ni Bang na gulat na gulat.

Sinilip ko kung sino ang nasa loob. 

Si JC.

Agad syang binaba at tinakbo sa e.r. Namumutla sya at iyak ng iyak. Tang i** Himchan! Fcuk! Anong nagawa ko kay JC?! Bakit ko sakanya nagawa to?! 

Bumalik lahat ng alaala nung una kong makita mangyari sakanya to. May hika si JC, di lang simpleng hika. Yun yung panahon na iniwan sya ni Jin. Hindi ko alam ang gagawin nun, hinawakan ko ng maigi ang kamay nya. Iyak sya ng iyak.

Good Time :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon