Prologue1: Pogi and Kurba

980 18 2
                                    

"Tutoy!" sigaw ng isang inang nagluluto sa kusina habang hinahalo sabaw ng sinigang na kanilang ulam panghapunan. Maya-maya ay may pumasok na ng kitchen. Isang batabf lalaki na ang edad ay nasa eighteen pababa. Nakasuot siya ng itim na sleeveless shirt at white shorts. And buhok niya ay naka-spike.

"Ma, bakit po?" sabi ng batang lalaki na nakatayo sa likod ng ina niyang naghahalo pa rin ng sabaw. Tumalikod ang ina at dumukot ng barya sa bulsa ng suot nitong duster.

"Eto ang pera, bumili ka nga ng Maggi magic sarap kay na aling Nena. Pati na rin isang sulit pack ng Datu Puti vinegar ha. Para may sawsawan ang tocino natin mamaya. Sa iyo na ang sukli, Tutoy" sabay abot ng sabdaang buo sa anak niya na si tutoy. Tumango naman si Tutoy na puno ng galak ang mukha. 

Palabas na si Tutoy ng kusina nang humarap ulit ang ina niya sa kanya.

"Ma?" tanong ni Tutoy na naghihintay ng maaari pang ipautos ng mahal niyang ina.

"Mag-iingat ka sa kalsada, anak ha" sabay ngiti na buo ng pagmamahal.

"Ma naman eh, hindi na po ako bata. Eighteen years old na ako. Kaya ko na po iyon. Sige po, aalis na ako" sabay lakad paaalis ni niya na may ngiti sa labi dahil kahit ayaw niyang aminin ay napakasaya niya dahil mahal na mahal siya ng kanyang ina.

~Lost Memories~

"Wow, sandaan binigay ni Mama. Hehe, tapos suka at maggi magic sarap lang ang bibilhin! Astig! Haha. Hmm, andito na pala ako" banggit ni Tutoy sa sarili habang papasok a maliit na sari-sari store ni Aling Nena. Binati siya agad ng isang chubby at medyo may edad na babae.

"Oh, Tutoy! Ngayon lang ulit kita nakita dito ah. Anung biilhin mo?" 

"Ah, isang Maggi magic sarap at Datu Puti sulit pack po, Aling Nena" napahinto si Tutoy sa pagsasalita ng makita niyang kinukuha na ng matanda ang bibilhin niya. Inabot ito sa kanya at siyang abot rin niya naman ng bayad.

"Kakauwi ko lang po kasi galing sa kolehiyo kaya ngayon lang ulit ako nakadaloy dito, hehe" sabi ni Tutoy na nagkakamot ng ulo. Lumapit si Aling Nena at inabot sa kanya ang sukli.

"Ahh, kaya pala malungkot ang mga kababaihan dito" pabirong sabi ni Aling Nena.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" nalilito namang tanong ni Tutoy na nakataas ang isang kilay.

"Ahaha! Tutoy, hindi mo ba alam kung gaano ka kasikat dito sa atin? Aba eh simula nung nag-dorm ka na sa kolehiyo eh umunti na lang ang mga dalagita na tumatambay dito sa tindahan ko" ngingiti-ngiting sabi ni Aling Nena. Si Tutoy naman ay tila napahiya sa sinabi ng matanda at medyo namula ang kanyang mga pisngi.

"Ahehe, baka naman po busy lang din sila sa pag-aaral. Tsaka wala pa po ang isip ko sa mga ganyang bagay. Hehe" sabi ni Tutoy na papaalis na ng tindahan.

"Ahaha! Tama yan, iho. Bata ka pa naman. Mahahanap mo rin ang tamang babae para sa'yo" ang huling sambit ni Aling Nena habang patuloy na naglalakad palayo ang binata.

~Lost Memories~

Patuloy sa paglalakad si tutoy pabalik ng kanilang tahanan nang may makita siyang aso na may kakatuwang itsura. At dahil mahilig sa aso si Tutoy ay sinundan niya ito ng hindi niya namamalayan. Nakapasok na siya sa maliit na playground na malapit lamang sa tahanan niya.

Ngunit huminto sa pagsunod sa aso si Tutoy nang may marinig siyang boses.

"A-Ano yun?" tanong niya sa hangin na tila natatakot. Sa totoo lang ay takot sa multo si Tutoy dahil sa mga ghost stories na nairinig niya sa dorm mates niya. Pero kinalimutan niya ang kaduwagan ng marinig niya ng malinaw ang boses....

Na tila umiiyak.

"Hello? Is someone there?" tanung niya in a conyo way, nakasanayan niya na kasi sa kolehiyo eh.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon