Chapter 3: Through the Years

418 12 0
                                    

Nang araw na magising si Jose Marie Viceral mula sa kanyang mahabang pagkakahimbing ay ang araw rin na tila bumaliktad ang mundo ni nanay Rosario. Ang uniko iho niya noon ay isang unika iha na ngayon. Kahit ganun ay alam ni nanay Rosario na matatanggap niya ang bagong kasarian ng kanyang anak ngunit hindi niya ata kakayanin na tanggapin na ang anak niya na si Tutoy ay magkakagusto sa mga kapwa niya lalaki.

“Paano na si Karylle?” tanong ni nanay Rosario habang nakaupo sa labas ng opisina ng doctor ng kanyang anak. Sa mga oras na iyon ay may check-up si Vice upang malaman ang mga bagay na kanyang nakalimutan at ang mga pangyayaring tila umikot ng 180 degrees. Silang tatlo nina Jugs at Teddy ay taimtim na naghihintay sa resulta ng check-up na iyon.

“Ahh…Nay, sa tingin niyo po ba pati ang pagtingin niya para kay Karylle ay nawala na?” tanong ni Teddy na may malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. Napatingin naman sa kanya si nanay Rosario at tila napaisip bago sumagot.

“Diyos ko, wag niyo po pababayaan ang aking anak” iyon na lamang ang nasabi ng matanda dahil hindi niya talaga alam ang mga maaaring mangyari sa pag gising na iyon ni Vice.

“Pre, wag mo munang i-pressure si nanay Rosario baka himatayin na naman yan” paalala ni Jugs na nakatitig lamang sa pintuan ng opisina ng doctor ng kanilang kaibigan.

~Lost Memories~

Samantalang sa loob ng opisina…

“Ahh, Vice right?” unang tanong ni Dr. Marco habang kinukuha ang papers na naglalaman ng information about his patient. Tumango naman ng bahagya si Vice upang sumagot sa tanong ng kanyang gwapong doctor.

“So tell me, may masakit ba sa’yo ngayon?” umiling naman ng ulo si Vice at tila magsasalita ngunit naunahan siya ni Dr. Marco. “Kung walang masakit ibig sabihin nun ay ok na ang sugat mo sa ulo. Eh may masakit pa ba sa’yo o sa katawan mo?” sambit ni Dr. Marco habang tila sinisiyasat ang katawan ng kanyang pasyente.

“Wala po doc. Pero medyo masakit lang po ang mga paa at kamay ko” sagot ni Vice habang hinang-hina na iginagalaw ang kanyang braso at kamay.

“Sanhi iyan ng mahaba mong pagkakatulog or comatose. All you need to do is to eat a lot of meat and vegetables at huwag ka muna masyadong magpagod dahil baka ma-strain ang body muscles mo. So, besides sa body mo, may iba pa bang masakit? Or anything that is happening to you?” patuloy ni Dr. Marco dahil gusto niya malaman kung ano na ang naging epekto ng amnesia kay Vice.

Tumingala si Vice at tila nag-iisip ng maisasagot sa kanyang doctor. Mga tatlong araw na rin ang nakakalipas buhat ng siya ay magising at sa tatlong araw at dalawang gabi na iyon ay may isang natatanging panaginip ang palaging gumagambala sa kanya.

“Ahh, doc, possible po ba na may amnesia ako?” naghihinalang tanong ni Vice. Hindi muna sumagot si Dr. Marco pero halatang nagulat siya. Naisip nila kasi na huwag muna sabihin kay Vice na may amnesia siya dahil baka nga mali ang kanilang hinala.

“Hmm…bakit mo naman naitanong ‘yan?”

“Eh kasi po nitong mga nakaraang gabi ay pare-parehas lamang po ang aking napapanaginipan”

“At kung hindi mo masasamain, maaari ko bang malaman ang panaginip na iyan”

“Sa panaginip ko po kasi ay nakita ko ang batang ako at may kayakap na isang batang babae rin. Hindi ko po siya kilala. Hindi ko po alam kung dati ko po ba siyang girlfriend. Sigurado naman po ako na wala akong girlfriend ngayon dahil bakla po ako. Yun lang po doc. Sa tingin ko po ay may amnesia po ako dahil hindi ko po talaga maalala itong girl na ito”

“I see… teka, kapag iniisip mo ba itong girl na ito may nararamdaman ka ba or something?”

“Ahh…meron po pero hindi ko po matukoy kung galit, tuwa o pag…mamahal?”

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon