Chapter 1: A Time to Ease the Pain

476 10 0
                                    

~Lost Memories~

Nakalipas na ang labing-limang taon sa buhay ni Jose Marie Viceral matapos ang paglisan ng pinakamamahal niyang si Ana. Sa labing-limang taon na iyon ay pinilit niyang hanapin ang kahit anong bagay na mailalapit siya kay Ana. Ngunit ni isa sa mga ito ay nauwi lamang sa kasawian. Dumating na rin sa punto na gusto na niyang sumuko sa paghahanap pero sa tuwing naaalala niya ang pangako nila ni Ana ay nawawala ang lahat ng bahid ng pagsuko.

Habang dumarami ang oras at taon na nagdaraan ay ganun rin karami ang mga pagbabago na naganap sa buhay ni Tutoy. Mula sa ngalan na Tutoy ay nakilala na siya sa palayaw na Vice mula sa apelyido niyang Viceral. Nagbago na rin ang pangangatawan ng binata na noon ay patpatin na ngayon ay katamtaman at matangkad na. Pati na rin ang pananamit nito ay nagbago na rin kasabay na rin ang madalas na pagpapalit nito ng hair style. Ang mga pagbabagong ito ang nagbigay daan upang lalong makaakit ng mga babae at ng mga bading si Vice. Akala nga ng marami ay bading siya dahil wala pa itong ipinakikilala na babaeng naging kasintahan niya. Ang dahilan na lamang na kanyang ibinibigay ay ang pagnanasa niya na makatulong sa pamilya at mabigyan ng magandang buhay ang nanay niya.

At gaya nga ng ipinangako niya sa ina niya ay nagtapos na siya ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo at naghanap ng magagandang trabaho. Marami ang kumukuha sa kanya ngunit hindi ganun kalaki ang sweldo kaya palipat-lipat na lamang ito ng trabaho. Umunti na rin ang oras na nilalaan ni Vice upang mahanap si Ana dahil na rin sa mga sunud-sunod na trabahong kanyang pinapasok. Napansin naman ito ng matatalik niyang mga kaibigan na sina Jugs at Teddy kaya naisipan ng dalawa na panahon na upang magkaroon ng bakasyon si Tutoy. Kaya isang araw…

“Jugs, sa tingin ko dapat isama natin si Vice sa bakasyon natin sa Boracay. Tingnan mo naman siya” sabi ni Teddy na tinuro ang kaibigan nila na nakaupo sa salas ng condo ni Tutoy.

“Oh? Gwapong-gwapo pa rin naman si Vice ah” pabirong sambit ni Jugs kaya naman binatukan siya ni Teddy.

“Hindi naman iyon ang aking ibig sabihin pare. Ang sa akin lang ay tila pagod na pagod na siya sa kanyang walang humpay na pagtatrabaho. Hindi ba’t oras na para makapagpahinga naman siya?” paliwanag ni Teddy habang pinanunuod na makatulog ang kaibigan nila na si Vice.

“Hmm…may punto ka nga riyan pare. Pero pag niyaya lamang natin siya sa Boracay ay siguradong tatanggi yan! Parang hindi mo naman kilala si Vice eh. Mas gugustuhin pa niyan na makasama ang nanay niya kesa maghanap ng mga chika babes sa Bora” tugon ni Jugs habang pailing-iling sa direksyon ng kaibigan nila.

“Heh! Edi isama natin si Nanay Rosario! Libre naman mga kaibigan natin sa flight eh!” maligayang sagot ni Teddy habang tumungo na sila sa kinaroroonan ni Nanay Rosario.

~Lost Memories~

Sa panahon na lumipas ay nakapag-ipon si Vice ng pera upang bumili ng condo sa maynila kung saan naroroon ang kanyang trabaho. Pag nakakahanap siya ng oras upang makapagpahinga ay inuuwi niya ang kanyang mga kamag-anak na nasa probinsya nila at ipinapasyal sila sa maynila. Naisipan naman nila na gawing bahay-bakasyunan na lamang ang dati nilang tirahan sa lugar kung saan nakilala niya si Ana. Kaya naman sa condo ni Vice tumitira ang nanay nito.

Sa mga taon din na lumipas ay nakilala ang dalawang kaibigan ni Vice na sina Jugs at Teddy dahil sa magagaling nilang banda na Rocksteddy at Itchyworms. Dumarami ang gigs at dumarami rin ang mga kumpanyang kumukuha sa kanila upang sila’y tumugtog. Kaya naman kung saan-saang lupalot ng bansa nakakatungo ang dalawa. Minsan pag nakakasama nila si Vice sa gigs nila ay pinapakanta nila ito at marami naman ang humahanga sa kanyang nakakaakit na boses. Naisipan rin nila na makitira na lang sa condo ni Vice dahil malaki naman iyon at hati-hati na lamang sila sa pagbabayad.

Ngayon ay magkakaroon ang mga banda nila ng gig sa Boracay kung saan kinuha sila para tumugtog sa isang pelikulang ipapalabas sa sinehan. At dahil libre ang magsama ng mga kaibigan ay naisipan nina Jugs at Teddy na gawin na itong pagkakataon upang makapagpahinga si Vice.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon