Chapter 7: Meeting for the Plan

352 13 11
                                    

~ Lost Memories ~

A/N: Readers, pinapaalala ko lang sa inyo na ang previous chapter at ang chapter na ito ay naganap sa loob ng isang araw. I will indicate when the date of the events have changed. Thanks for still supporting and reading this story. To all ViceRylle babies thank you talaga. I find your parents, Pogi and Kurba, a match made in heaven. Bagay siguro sa kanila yung kanta ng Itchyworms na Love Team. Hehe.

~ Lost Memories ~

Matapos kumain at magbayad nina Jugs, Teddy at Karylle ay napagdesisyonan nila na makipagkita kay nanay Rosario. Magandang pagkakataon na rin iyon upang mapag-usapan ang plano ni Teddy dahil saktong wala si Vice. Natuwa naman si K sa kanyang narinig dahil ngayon lang niya ulit makikita at makakausap ang nanay ni Pogi. Kaso habang nagddrive si Karylle ay hininto niya ang kotse. Tiningnan naman nina Teddy ang dahilan ng paghinto ng sasakyan ni K. Napansin nila na nakatitig si K sa isang super market.

“Guys, may bibilhin lang ako sa super market gusto niyo bang sumama sa loob?” tanong ni Karylle habang inaalis ang seat belt niya.

“Hindi na, k. Hihintayin ka na lang namin dito. Tutal busog na busog si Jugs eh mahihirapan ‘to gumala dyan sa super market. Eh teka nga. Pupunta lang naman tayo sa condo naming nina Vice so bakit ka pa mamimili sa super market?” nagtatakang tanong ni Teddy habang si Jugs ay nag-uunat na ng katawan dahil inaantok na ito.

“Hmm…” napatingala si k sa taas at tila nag-iisip, “Actually I’m planning to cook something for us. Maybe when Pogi returned home he could taste it for himself” sabi ni k at iniwan na sina Teddy sa kotse niya.

Pinagmasdan lamang nina Jugs ang papalayo na si Karylle at medyo kinakabahan sila dahil naalala nila yung kwento ni Vice tungkol sa pagluluto ng Kurba niya.

“Pre, gusto mo magpa-take out na tayo?” sambit ni Jugs habang ipinapakita kay Teddy ang cellphone niya.

“Ahehe…hindi naman siguro ganun kasama ang luto niya” medyo natatawa na sagot ni Teddy.

“Pre, nilagnat si Vice ng dalwang araw dahil dun. Bahala ka kung ayaw mo basta ako magre-ready na in case na ganun pa rin siya magluto” at tinawagan na nga ni Jugs ang isang fast food chain.

~ Lost Memories ~

Nang makarating na ang tatlo sa condo nina Teddy ay agad silang binati ni nanay Rosario. Nagyakapan ng mahigpit sina k at nanay Rosario. Iniwan muna sila nina Jugs upang makapag-usap sila ng masinsinan at nang makapag-chikahan na rin. Nasa loob na sina K at nanay Rosario ng kwarto ng matanda. Doon pinakita ni nanay Rosario ang mga litrato ni Pogi mula nung maka-graduate ito sa kolehiyo at hanggang makuha na ito ng ABS-CBN. Napansin naman ni Karylle na sa lahat ng litrato ay may suot si Vice na necklace na may singsing. Curiosity got her and so tinanong niya si nanay Rosario.

“Nay, ano po yung nakasabit sa leeg ni Pogi?” sabay turo ni K sa litrato ni Vice. Siniyasat ni nanay Rosario kung ano iyong tinutukoy ni K. Medyo Malabo na ang paningin ng matanda kaya nahirapan siyang hanapin ang tinuturo ng dalaga.

“Ahh…’yan ang pamana ng asawa ko kay Tutoy” sabi ni nanay Rosario matapos maanigan ang kwintas sa leeg.

“Kwintas po? Ano po ang meron sa kwintas na iyon? Tila lagging suot ni Pogi” nagtataka naman si Karylle. Narinig naman ni nanay Rosario ito kaya minabuti na niyang sabihin kay Karylle. Pinatong ng matanda ang palad niya sa kanang kamay ni Karylle.

“Alam mo, hija. Siguro kung naalala ka pa ni Tutoy paniguradong sa’yo mapupunta ang kwintas na iyan” medyo natatawa na sinabi ni nanay Rosario. Tiningnan lang ni Karylle ang matanda dahil hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon