Chapter 4: I Got a Plan

364 9 0
                                    

~Lost Memories~

Habang nag-ddrive si Vice ay tila ginugulo siya ng kanyang konsensya ukol sa desisyon niya na tuluyan ng kalimutan ang babae sa kanyang mga panaginip. Sa kanyang palagay ay tama rin nga naman ang ipinayo sa kanya ni Dra. Connie. Wala namang mawawala sa kanya kung hindi niya na maaalala ang babaeng iyon. Hindi nga niya alam kung gaano kahalaga ang parte nito sa buhay niya pero sa palagay niya ay hindi naman ganun kahalaga. Pero…

“Pogi!”

Biglang tinigil ni Vice ang kanyang sasakyan dahil sa boses na iyon.

Pamilyar ngunit tila bago sa kanyang pandinig.

Bahagyang umiling si Vice upang alisin ang boses na iyon sa kanyang isipan. Marahil isa lamang iyong guni-guni. Bubuhayin na sana niya ang kanyang sasakyan nang…

“Ahaha! Pogi!”

Ayun na naman ang boses ng isang dalaga. Ngunit sa pagkakataong iyon ay may isang senaryo na naglalaro sa kanyang isipan.

Isang alaala na hindi niya alam kung kelan nangyari.

Pangyayari kung saan madilim ang kapaligiran at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang makikinang na ilaw ng mga gusali sa siyudad. At habang pinagmamasdan niya ang kagandahan ng siyudad ay yakap-yakap niya sa kanyang mga bisig ang isang nilalang. Hindi niya makita ng malinaw ang itsura nito ngunit alam niya na isa itong babae. Isang dalaga na may magandang ngiti.

Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng kasiyahan habang nakatingin sa matatamis na ngiti ng dalaga. Itataas niya pa sana ang kanyang paningin upang tuluyang makita ng malinaw ang mga mata nito-

“BEEP!”

“BEEP!”

“BEEP!”

“BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!”

Biglang natauhan si Vice sa kalagayan niyang iyon. Tumingin siya sa likuran ng kanyang sasakyan at nakita niya na may nagagambala pala siya kung kaya’t inusod niya muna ang kotse. Nang ayos na ang lahat ay bumitaw siya sa manebela at dahan-dahang hinawakan ng kanyang nanginginig na mga kamay ang kanyang nananakit na ulo.

Tulala.

Balisa.

Naguguluhan.

Iyan ang nararamdaman niya ngayon. Ang buong akala niya ay ayos na ang lahat dahil wala naming ganiyong nangyayari sa kanya. Pero ngayon…bakit tila ginagambala na siya ng mga alaala na kanyang nakalimutan.

“I love you, Pogi. Mahal na mahal….”

Ayun na naman ang boses na tila inaakit siya papalayo sa realidad ng buhay.

Tumingala si Vice at pinunasan ang pawis na nasa kanyang noo.

“Sino ka ba talaga?....” napabuntong hininga at binuhay muli ang sasakyan.

~Lost Memories~

Agad dumiretso si Vice sa buiiding ng ABS-CBN, ang tv station na kumuha sa kanya upang magtrabaho bilang isang komedyante. Pagkalabas niya ng sasakyan ay sinigurado niya na ayos na ang kanyang kasuotan. A skin-tight maroon-colored jeans, a pair of maroon and black top-sider, a black polo shirt top by a gray formal jacket with matching bow tie. Mukha siyang lalaki sa kasuotan na iyon at iyon talaga ang nais niya. Gusto niyang magmukhang pormal at kaaya-aya sa harapan ng BIG BOSSES ng ABS-CBN. Gaya nga ng sabi ng kanyang bespren na sina Jugs at Teddy, “We dress to impress”.

Tiningnan niya muna ang kanyang sarili sa salamin ng kanyang kotse upang tiyakin na walang gusot. Habang nananalamin ay napansin ni Vice ang necklace na may singsing na nakasabit sa kanyang leeg. Hindi ganun kaimportante ang necklace pero ang singsing ang pinaka-importante dahil iyon ay pamana sa kanya ng kanyang yumaong ama. Pumikit si Vice ng bahagya.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon