Chapter 6: Moment of Truth

459 15 6
                                    

A/N: Dear readers, I just wanna let you know that this story is fan-made and is very fictional. Oo, mahirap ma-hopia pero sa paraan na ito ay naipapakita at naipaparamdam ko ang mga bagay na aking nais mangyari sa ViceRylle. Anyways, I hope you like this chapter and the other chapters. You may leave a comment, suggestion or rant whenever you feel like doing so. Medyo kailangan ko kasi ng ideas at inspiration. Sorry na. Broken-hearted si author eh… pero sana maka-feel kayo ng good vibes when you read this. Yun lang and thank you. J

~ Lost Memories ~

Dumaan ang mahabang tatlong oras sa buhay ng isang Jugs Jugueta at Teddy Corpus. Mahabang tatlong oras kung saan ang tanging ginawa lamang nila ay ang maghintay na matapos ang ASAP. Nawala na sa kanilang mga isipan ang kumain ng pananghalian. Hindi na rin nila inisip ang iisipin ng iba habang sila ay nakaupo sa floor at naghihintay sa labas ng dressing room ni Karylle.

“Pre, nung oras na?” medyo wala ng lakas si Teddy.

“Kalahating oras na lang pre… kalahating oras na lang….” tugon ni Jugs na medyo nauubusan na rin ng lakas. Hindi niya alam kung ano pero may bumabagabag sa kanya. Parang may nakalimutan siyang gawin na dapat ay ginawa na niya kanina pang umaga.

“Kalahating oras…” bulong ni Teddy habang tinutungo ang ulo dahil sa pagkainip.

“Pre, mukha ka ng zombie. Oh, eto tulog ka muna” inalok ni Jugs ang lap niya para maipatong ni Teddy ang ulo nito. Napangiti naman si Teddy sa offer ng bespren niya.

“Thanks, pre. Gisingin mo ko pag dumating na si Karylle ha” huling sambit ni Teddy dahil nung mga panahon na naipatong na niya ang ulo niya sa malalambot na hita ni Jugs ay siyang sara at tulog ng kanyang mga mata.

Si Jugs naman ay napailing pero napangiti sa gawaing iyon ni Teddy. Alam niya na pagod ang kaibigan dahil nagplano ito at nagsaliksik kung kelan nila makakausap si Karylle. At habang iniisip niya ito ay unti-unti na rin siyang dinadalaw ng antok…zzzzZZZZZZZZZZZZZ……

~ Lost Memories ~

Jugs’ POV

Ang lambot at ang bango naman ng kapaligiran. Ang liwanag at ang sarap sa pakiramdam.

“Nggg…Nggg…” bakit parang may umuuga sa akin?

“Hey? Hey?” huh? sino naman ‘tong istorbong ‘to? Sarap ng panaginip ko eh.

“Nggg…” teka nga! Sira na tulog ko eh! Makagising na nga lang!

“Nasa langit na ba ako? Ba’t may anghel?” wow…namatay ba ako kanina at talagang napunta sa heaven? Bakit may anghel sa harapan ko?

“Hey, you’re finally awake :D *insert Kurba’s killer smile here*” wow! Nakakasilaw naman ngiti ng mga anghel! Pero teka lang…bakit parang kamukha ng girlfriend ni Vice itong anghel na ito?

“Nasa heaven na ba ako?”

*BOG!*

End of Jugs’ POV

*BOG!*

Napatalon si Jugs sa sakit ng ulo niya dahil may humampas dito. Paglingon niya ay nakita niya si Teddy na may hawak na papel sa kanang kamay. Napakamot naman siya ng ulo at napangiti sa kahihiyan ng mapansin niyang naandun pala si Karylle.

“Sarap ng tulog natin ah, pre. Sabi ko gisingin mo ko hindi yung magpapagising tayo! Nakakahiya tuloy sa girl- este kay Karylle! You disappoint me!” medyo madramang sinabi ni Teddy para magmukhang joke.

“Ahehe…sorry na. Sorry rin Ms. Karylle. Nakakahiya nemen” napakamot ng batok si Jugs at tumingin na lamang sa floor.

“Oh, it’s fine. Maybe you two were just really tired. Pero why are you two sleeping in front of my dressing room?” nagtatakang tanong ni Karylle habang inaayos ang shoulder bag niya.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon