Prologue 2: Kurba Meets Mama

601 14 0
                                    

"Ma, nandito na po yung pinabili ninyong suka at magic sarap" pambungad na sabi ni Tutoy habang pumapasok ng kusina nila. Agad namang tumayo ang nanay niya na medyo galit na dahil pinaghintay niya ito ng matagal. Nagulat naman si Tutoy at medyo natakot dahil ang isa sa pinakaayaw ng ina niya ay ang pagiging mabagal. Humarap sa kanya ang nanay niya ng nakapamewang.

"Hoy Tutoy! San ka ba nanggaling at inabot ka na ng mahigit isang oras sa pagbili kay na Aling Nena? Alam mo ba na muntik na masunog ang iuulam natin mamaya. Jusmiyo!" sambit ng ina niyang pinipilit na pigilan ang sarili sa pagsigaw. Napansin ni Tutoy na nanginginig na ang nanay niya sa galit at lalong bumigat ang konsensya niya dahil pinag-alala niya na naman ang kanyang ina. Dahan-dahang lumapit si Tutoy sa kanyang ina at niyakap niya ito. Sabay ng kanyang pagyakap ay ang pagkalma ng katawan ng kanyang ina.

"Sorry na po Ma. On my way po kasi pauwi may nakita akong batang babaeng naiyak. Eh medyo gabi na po kaya tinulungan ko siya. It seems na nasugatan siya kaya hirap siya maglakad kaya binuhat ko muna siya pauwi. Sorry po ulit, Ma" bulong ni Tutoy sa kanyang ina na niyakap din siya. Lumayo ang kanyang ina sa kanya upang ihanda na ang kanyang lulutuin na naudlot.

"Naiuwi mo ba ng ligtas yung bata?" tanong ng kanyang ina habang nilalagay yung magic sarap.

"Ah, opo. Naiuwi ko na po siya dito sa atin. Balak ko po kasi munang gamutin yung sugat niya bago ko siya iuwi sa kanila. At yun dinpo yung gusto kong ipagpaalam sa inyo, Ma. Ihahatid ko lang po muna yung bata, ok lang po ba?" tanung ni Tutoy habang pinapanuod na magluto ang kanyang mahal na ina.

"Hmm...mamaya mo na muna siya iuwi, Tutoy. Pakainin mo na muna iyong bata at siguradong gutom iyon. Osya, tawagin mo na siya at malapit na ito maluto" sambit ng nanay ni Tutoy na tinitikman ang sabaw. Ngumiti na lamang si Tutoy sa kabaitan ng kanyang ina. Alam niya kung gaano kasaya ang kanyang ina dahil tatlo sila ngayong kakain sa hapag-kainan.

"Gaano na nga ba katagal nung huli kaming kumain ni Mama na may ibang kasabay? HIndi ko na rin alam..." napailing na lamang ng ulo si Tutoy habang lumabas ng kusina upang tawagin si Ana.

~Lost Memories~

Pumasok si Tutoy sa kanilang salas, also known as living room according to Ana, upang tawagin ang batang babae. 

"Pero hindi na nga siya bata. Limang taon lang naman ang agwat naming dalawa at siguradong siya yung tipo ng nagmamature pa lamang. Heh, siguro nga dapat ko na tigilan ang pagatawag sa kanya ng bata" nakangiting inisip ni Tutoy at napahinto siya ng nakita niyang pinipilit ni Ana na tumayo sa kanyang kinauupuan. 

"Kur-!" hindi na natapos ni Tutoy ang kanyang sasabihin dahil dali-dali itong tumakbo papunta kay Ana nang makita niyang matutumba si Ana dahil hindi pa ganun kahilom ang sugat nito. Inalalayan niya ang dalaga(?) sa pagtayo sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa bewang nito. Patuloy pa rin ang pagyakap ni Tutoy kay Ana habang ang dalaga ay tahimik lang na nakasandal kay Tutoy. "Anung nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya..." alalang-alalang inisip ni Tutoy at dali-dali niyang siniyasat si Ana.

"Kurba, okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Ui, bakit ka namumula?" tanong ni Tutoy na naghihintay ng sagot mula sa dalaga. At nung wala siyang nakuhang kasagutan ay pinangunahan ng pag-aalala si Tutoy at siya na ang nagkusang loob na alamin ang kasagutan,

Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ni Ana at mahinahon na nilapat ang noo niya sa noo nito upang malaman kung may sakit ba ang dalaga. At napangiti siya dahil wala namang lagnat si Ana.

Nung mga oras na iyon ay nakatingin lamang si Ana sa agresibong binatang nasa harapan niya at masyadong malapit sa kanya. Ngunit hindi niya nagawang lumayo dahil sa nakakaakit na tingin at ngiti ni Tutoy sa kanya. Hindi niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya pero alam niya na may kaunting paghanga siyang nararamdaman para sa binata, women's instincts kung baga.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon