Chapter 2: Tol, Girl Na He!

424 12 2
                                    

~Lost Memories~

Nagdaan ang tatlong buwan buhat nang ma-comatose si Vice. Nanatili lamang siyang nakahiga at tahimik na nagpapahinga sa kwarto niya sa ospital na iyon. Araw at gabi ay nakabantay sa kanya ang ina niyang hindi nawawalan ng pag-asa na magigising pa ang kanyang anak.

“Tutoy, alam kong sobra ang pagod mo kaya matulog ka lang ng mahimbing riyan,” mahinang sinabi ni Nanay Rosario habang pinupunasan ng basang tuwalya ang braso ng kanyang anak. Huminto naman ito saglit upang pawiin ang namumuong luha sa kanyang mga mata, “Basta pag nagising ka andito lang kami nina Jugs at Teddy” pinipilit ni Nanay Rosario na hindi na umiyak pa dahil inaakala niyang baka maging dahilan lamang iyon upang tuluyan na siyang mawalan ng lakas ng loob. Matapos niya punasan ang katawan ng anak ay tinitigan niya si Tutoy.

Sa mukha pa lang ay halatang-halata na ang laki ng ipinayat nito halos bumabakat na ang cheek bones at medyo nagmumukha nang bungo ang ulo ni Vice. Hindi rin ganun kaganda ang kalagayan ng pangangatawan nito dahil sobrang lambot na ng braso at binti ni Vice. Kahit ang damit na binigay ng ospital ay sobrang luwag na sa payat na payat na katawan ni Vice. Huminga ng malalim si Nanay Rosario bago hinawi ang humahabang buhok ng kanyang uniko iho. “Ipagluluto ka ng nanay ng paborito mong adobong manok, Tutoy. Pati sina Jugs at Teddy ay tutugtog pagkagising mo” patuloy na kinakausap ni Nanay Rosario ang hindi pa rin kumikibo na si Vice. Napahinto naman ito nang masulyapan ng kanyang mga mata ang kwintas na nakasabit sa leeg ng kanyang anak, “At pagkagising mo baka maibigay mo na ang kwintas na ito” hinawakan niya ang singsing na nakasabit sa kwintas, “Siguradong matutuwa si Ana… kaya…” binitiwan na ni Nanay Rosario ang singsing at ang kanyang matatamlay na mata ay lakas-loob na tumingin sa mukha ni Vice.

“Tutoy, gumising ka na…”

~Lost Memories~

Tok

Tok

Tok

Natauhan si Nanay Rosario nang makarinig siya ng katok sa pinto. Ngunit imbis na lumapit at buksan ang pinto ay hindi na siya nag-abalang tumayo pa mula sa pinagkakaupuan niya. Alam na naman niya kung sinu-sino iyon. At pumasok na nga sina Jugs at Teddy na may dalang mga pagkain at prutas. Tinulungan naman sila ni Nanay Rosario nang kinuha nito ang basket ng prutas at inilapag sa mesa. Malungkot naman na tiningnan ni Teddy si Nanay Rosario. Umiling na lang ang matanda dahil alam na niya ang itatanong ng binata. Sa mga buwan na nagdaan, ang buhay nina Teddy, Jugs at Nanay Rosario ay parang isang sirang plaka na paulit-ulit lamang ang kaganapan. Hihintayin nila na gumising si Vice.

Nilapitan naman ni Teddy ang kama ni Vice upang tingnan kung meron man kahit katiting na pagbabago sa kanilang kaibigan. Naandun na naman si Jugs upang ibigay ang hindi pa rin nagbabagong masamang  balita. Ang hindi pagkilos o pagbabago ng pagtibok ng puso ni Vice. Napangiti naman si Teddy dahil isang solusyon na lang ang kanyang naiisip upang magising ang kanilang kaibigan.

“Jugs?” tinawag ni Teddy ang kaibigan at pinatong ang kamay niya sa balikat ni Jugs.

“Ano yun pre?” agad namang tumingala si Teddy upang tingnan ito.

“Sa tingin ko ginogoyo lamang tayo ni Vice eh” walang emosyon na sinabi ni Teddy habang nakatingin lamang kay Vice.

“Huh? ba’t mo naman nasabi yan?” nagtatakang tinanong ni Jugs ang kaibigan na tila nawawala na sa katinuan. Pati si nanay Rosario ay nagulat sa sinabi ni Teddy kaya naman pati siya ay nakinig na rin sa usapan ng dalwa. Inalis ni Teddy ang kanyang kamay sa balikat ni Jugs at naglakad na tila nag-iisip ng malalim.

“Sa akin kasing palagay ay ginagamit lang itong paraan ni Vice upang tayo na ang kusang maghanap kay Ana” paliwanag ni Teddy na patuloy pa rin sa paglalakad.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon