Chapter 5: Taken

392 9 0
                                    

A/N: Readers, this is a fictional story. Gawa gawa lang ng malikot na imahinasyon ng author.

~Lost Memories~

Lumipas ang mga araw at nagsimula na nga ang busy schedule ng tatlong magkakaibigan. Panay ang gigs ng mga banda nina Jugs at Teddy. Mas lalo pang nadagdagan ang mga kumpanya na nagnanais kumuha sa kanila. At kasabay ng pagdami ng kanilang trabaho ay ang pagdami rin ng kanilang mga kaibigan. Nagkaroon sila ng pagkakataon na ma-meet ang ilang sikat na banda ng OPM gaya na lang ng Kamikazee, Parokya ni Edgar, Hale, 6cyclemind, Spongecola at marami pang iba. Sobrang saya ng bawat isa dahil habang nakakapagtrabaho sila ay nalawak rin ang kanilang circle of friends. Pero hindi pa rin maalis sa isipan nina Jugs at Teddy ang pagdating ni Karylle sa mga buhay nila. Lalo na sa buhay ng isang Vice Ganda.

Ngayong gabing ito ay may gig sila kasama ang Spongecola. Sila ay nasa back stage upang maghanda na sa performance ng kani-kanilang banda ng mabuksan ni Teddy ang topic tungkol sa anak ni Ms. Zsazsa Padilla. Medyo nagulat naman si Jugs sa balak pag-usapan ni Teddy ngunit hinayaan niya na lamang ang kaibigan. Marahil ay kasama ito sa plano ni Teddy.

“Ui, pre. Nabalitaan niyo na ba yung kakauwi lang na anak ni Zsazsa Padilla?” panimula ni Teddy. Dun pa lang ay napansin na ni Jugs na medyo nakuha nito ang atensyon ng bokalista ng bandang Spongecola.

“Oh, you mean Karylle? Actually, our band saw her last week when we were having our gig in MOA” sinabi ni Yael na medyo cool lang.

“Talaga pre? Kamusta naman? Chix ba? O puchu puchu lang?” agad naman na tanong ng kabanda ni Yael na medyo may ngiting hindi maipaliwanag sa mukha nito.

“Hmm…well, on my opinion, maganda siya kaso simple lang” sabi ni Yael habang nagtithinking pose.

“Simple? Nu ibig mong sabihin pre?” tanong ni Teddy na medyo nagulat sa description na simple. Dahil tandang tanda pa ni Teddy nung dalaga pa si Karylle ay lubhang napakaganda at stylish nito.

“Eh kasi simple lang siya manamit at simple lang rin mag-make up. And! Take note mga pre, she’s curly but curvy! Simple but Hot” sambit ni Yael na medyo nag-iba ang tono ng boses ng binitiwan niya ang mga salitang iyon. Kinutuban naman sina Jugs at Teddy kaya binalak ni Teddy na tapusin na ang usapan. Pero bago yun…

“Sa tingin niyo ba makikita pa natin yung Simple but Hot na anak ni Zsazsa?” tanong ni Teddy na kunwari ay mukha siyang bigo. Tinapik naman siya ni Yael sa balikat bilang suporta.

“Don’t worry, bro. Makikita mo pa sya. Besides, I heard she’s been invited to join the ABS-CBN family. Oh, narinig ko nga pala na baka mag-ASAP siya this sunday” Yael said at nagpunta na sa stage dahil magsisimula na ang kanilang performance.

Nagkatinginan naman sina Jugs at Teddy.

“Pano ba yan pre. Mukhang magsisimula na ang plano ko” huling sambit ni Teddy kay Jugs bago magsimula ang concert. Pumasok sa center stage si Teddy na may kuntentong ngiti sa labi.

~Lost Memories~

Habang sina Jugs at Teddy ay busy sa kanilang mga banda, si Vice naman ay busy na rin sa isang noontime show kung saan siya ay isang hurado. Pilot episode pa lamang ay agad na nagpasabog si Vice gamit ang kanyang nakakatawang mga banat. Madalas niyang okrayin ang mga kapwa niyang hurado. Minsan ay nagkukunwari siyang nagkakagusto sa mga pogi at machong hurado para mapasaya ang madla. Marami ang natuwa kay Vice Ganda dahil sa banat nito na may double meaning. Lalo pang sumikat ang komedyante ng magustuhan ng madlang people ang mga sample niya.

Gaya rin nina Jugs at Teddy, lumalawak din ang circle of friends ni Vice. Naging malapit siya sa co-host niya na sina Anne Curtis at Vhong Navarro. Lalo na kay Anne dahil natuklasan ni Vice na kahit ganun kaganda at kaakit si Anne Curtis ay isa pala talaga itong baliw. Tama. Baliw. Malakas ang saltik ng dalaga lalo na pag magbibiruan sila. Napalapit rin si Vice kay Kuya Kim dahil medyo nakikita niya ang imahe ng isang ama sa matandang lalake.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon