Opus Thirty-Four ♪: She's Back

1.3K 35 0
                                        

♪♥- OPUS THIRTY-FOUR -♥♪

[She's Back]

{ A/N: Last month ko lang nalaman na hindi na pala si Yoo Ara (fictional image/impersonator ni Naomi) ang leader ng HELLOVENUS tapos hindi na s'ya member ng KPOP Group na 'yun dahil tapos na pala ang kontrata n'ya sa Pledis Entertainment. :( nakakalungkot 'yung update n'ya sa IG na umalis na s'ya. :'( Iniwan nalang n'ya si Hwang MinHyun my lovessss~ (fictional image/impersonator ni Julian). Nalaman ko lang kasi wala s'ya dun sa MV nila na "I'm Ill". Umalis na pala talaga s'ya. T^T Pero kahit ganun, I will always support you, Ara-unnie sa iyong bagong ballad group~ okay, share lang. xD Btw, ehehehe~ Sorry guys kung super duper uber late ang update ko. Busy kasi ako sa school and at the same time, enrollment rin kasi namin and 'yung sembreak ginawa ko nalang munang bakasyon dahil sa stress sa school. Babawi nalang ako. ^_^ I hope you'll enjoy reading this chapter. Hehe~ ^_^ Enjoy reading~

Btw, HAPPY 2ND ANNIVERSARY, ROACD!!! ^_^}

[Naomi's P.O.V.]

Nakatingin ako sa kawalan habang nakapangalumbaba sa mesa. Hindi parin kasi maalis sa pandinig ko ang boses ng lalaking 'yun. Lalo pa't dismayado rin ako dahil hindi ko nakita ang mukha n'ya. Sayang talaga. Pinaglihi ata 'yun kay Flash eh. Ang bilis nawala sa paningin ko. (¬_¬)

"O, muntanga ka na naman d'yan? Emo ang peg?" at kapag ganito ako kalalim mag-isip, sumusulpot naman 'tong si Jeanell. =,=

I sighed. "Hindi. Wala 'to. Pagod lang ako."

"Eh ikaw kasi eh. Ang sipag-sipag mo d'yan sa part-time job mo eh. Hay naku, rest rest din 'pag may time. Tutal naman scholar ka naman dito eh." pangalumbaba n'ya sa harap ko habang kumakain ng gummy bears. Akala ko ba bawal kumain dito? (¬_¬)

"Psh. Kesa wala akong gawin, mas okay na 'yun." sabi ko.

"Eh kesa naman magkasakit ka dahil d'yan noh? Sige ka, magkakasakit ka n'yan 'di ka talaga makakakanta." sabi n'ya sabay kalikot ng Galaxy Tab n'ya. "S'ya nga pala, Naomi, alam mo na ba 'yung sa performance showcase na gaganapin dito sa school?"

Napatingin naman ako agad sa kanya. "Performance Showcase? Meron ba? Kelan?"

She rolled her eyes. "Oo naman Naomi, susme ka. Taun-taon kaya 'yun kung ganapin. Pero this time, ang school natin ang sponsor. Last year, sa Achaea Academy ginanap ang showcase."

"School natin ang sponsor? So you mean may ibang school na dadayo rito?" tanong ko.

"Yep. Exactly. Pero 'yung mga kadalasang pumupuntang schools ay 'yung mga tulad satin ang curriculum. Music, arts and literature." She answered.

"Ahh... ganun? Eh kelan naman 'yan?" tanong ko habang inaayos ko ang mga gamit ko.

"Next month pa naman 'yun so... may time pa tayo para makapaghanda. And for sure, ang RoHam Princes na naman ang pambato natin. Lagi namang gano'n eh." She grinned. "Speaking of RoHam Princes, asa'n na naman 'yung mga 'yun?"

Oo nga noh? Ngayon ko lang napansin na wala sila.

I shrugged. "Kilala naman natin ang mga 'yun. 'Pag gustong pumasok, papasok. 'Pag ayaw, ayaw."

"Sows. 'Di mo namimiss boyfriend mo?" tanong naman agad ni Jeanell. Pagkarinig ko nun ay biglang naningkit ang mga mata ko.

"Boyfriend?" tanong ko.

She rolled her eyes again. "OO Boyfriend! Sino bang taken sa RoHam Princes at in a relationship s'ya kay Naomi Estacio?"

Naningkit ulit ang mga mata ko. Babatukan ko na talaga 'tong babaeng 'to eh. "Huh?"

"SUSME KA NAOMI! 'YUNG BOYFRIEND MONG SI PRINCE DERRICK!" lumaki naman agad ang mga mata ko sa lakas ng boses n'ya. Napatingin naman agad ang mga kaklase namin at naramdaman ko naman agad ang matalim na tingin ng grupo ni Amethyst. Agad ko namang tinakpan ang bibig n'ya at tumalim rin ang tingin ko sa kanya.

Romance of a Cold DoReMi [UNDER MAJOR, MAJOR CONSTRUCTION]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon