Pag-uwi ko sa bahay, syempre di maitago ang laki ng ngiti sa mukha ko.
"Dito na ako!" bati ko sa Lola ko. Napalingon naman silang lahat kasama na si Andeng na nakaupo sa hapag-kainan. Andeng pa rin gusto kong itawag sa kanya eh.
"Kain na apo!" kinumpas ni Lola ang kamay kaya umupo na rin ako sa tabi ni Andeng. Tinignan ko ang ulam. Ayos! ang daming ulam, iba talaga pag may bisita lumalabas lahat ng pera.
Kumuha na ako ng plato "Kaninong plato ito?" napakunot-noo ako habang pinagmamasdan ang magarang plato.
"Sa atin!" nakangiting sagot ni Lola
"Kelan pa kayo bumili ng bagong gamit sa kusina?"
"matagal na yan, nakatago lang." humagikgik si Lola. Umandar na naman kasi ang isa sa nakakaasar na ugali ni Lola ang magtago ng mga magagandang gamit sa bahay. Ano pa ang rason na bumibili ng mga mamahaling gamit kung di naman gagamitin?
Nagsimula na kaming kumain. Sarap talaga nang may biglaang nagsigawan sa may labas.
"Itay! Itay tumigil ka na!" sigaw ng isa naming kapitbahay habang pinipigilan na tumakbo ang tatay nito na may hawak-hawak na malaking itak.
Nakita kong nagtinginan sila Lola at tatlo kong pinsan at maya-maya nawala na sila na parang bula. hayun nanood na naman ng free action show.
"Anong nangyayari?" tanong ni Keandra na halatadong kinakabahan
"Wala lang yun" sagot ko naman
"Anong wala eh may itak na yung isang lalake?!"
"Sus maniwala ka diyan. hindi yan magpapatayan hanggang banta lang mga yan" sagot ko sabay subo.
"Nagbibiro ka ba?" inirapan ako ni Keandra. Napatigil nga ako sa pagsubo. Ayaw na ayaw ko yung iniirapan ako lalo na kapag kumakain ako.
"Alam mo ilang taon ka din nawala dito sa neighborhood kumpara sa akin na sanay na sa ugali ng mga kapit-bahay. Wala pa namang namamatay sa away dito sa kalyeng ito."
"Eh paano kung may namatay?" matatakutin talaga ang mga babae oo.
"Dun sa kabilang kanto!"
"Huh? anong meron sa kabilang kanto?" naguluhan pa ata sa sagot ko si Andeng. Eh tamad din akong mag-explain.
"Ganito yan, dito sa kalye natin hanggang pagbabanta lang ang kaya ng mga tao." tumango si Keandra "Pag sa kabilang kanto naman hindi na sila nagbabanta, nagsasaksakan na lang sila. Gets?" linakihan ko ang mata ko
Nakita kong bumuka ang bibig ni Keandra may sasabihin pa ata kaya inunahan ko na "Pag pumunta ka naman sa kabilang-kabila pang kanto doon mo naman makikita ang mga pugad ng mga tsismosa!" seryoso kong sagot "Ano okay na?"
"Ah-eh" tsaka naman nagsibalikan ang mga mag-aapo sa hapag-kainan.
"Oh anong balita bulilit?" tanong ko sa nag-iisang babae kong pinsan na si Rina.
"dahil lang sa pulutan kuya. Hindi daw nagkabati sa luto nung baboy" nguso naman ni Rhina. Binato ko nga ng kutsara
"Diyan diyan ka magaling! Sabi ng huwag kang tumambay sa kabilang-kabilang kanto eh!" sigaw ko dito. Narinig kong tumawa si Andeng.
"Hindi ka pa rin nagbabago" hagikgik pa nito.
*****
Pagkatapos nun ay inutusan ako ni Lola na ihatid si Andeng sa bahay nila kahit 20 steps lang ang layo nito sa bahay namin. Kumaway ito ng papasok na sa gate nila.
"Rhino sino yun?" maarteng tanong ng kapit-bahay naming bading
"Si Andeng Bansot" sabay turo sa naglalakad papasok
"Pinagpalit mo na ba ako?" pinout niya ang lips niya at ang kapal din ng bibig ng baklang ito sabi ko sa isip ko. Mabilis nga itong pumulupot sa braso ko at inihiga pa nito ang ulo niya sa balikat ko.
"Why oh why?" naiiyak pa daw oh
"Tumigil ka nga Apolinario! Gusto mo dalhin kita sa may bagong tinatayong tulay?!"
"Ay! Bet ko yan! Is that a date?" na-excite naman ang bading
"HIndi! Ipapagiling kita para yung dugo mo ang gawing pampatibay dun sa tulay!" lumaki mga mata nitong malaki na nga. Natawa na lang ako sabay hawi sa kamay niya at patakbong umuwi na sa bahay. Panigurado lang baka halayin kasi ako nito.
BINABASA MO ANG
PILYO (COMPLETED)
Teen FictionLove Story ng Pilyo, guwapo at mayabang na si Rhino na daig pa si Manang kung sa prinsipyo lang sa lovelife ang usapan. (NOW EDITING!)