PILYO 16

10.5K 132 9
                                    

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon dahil hindi ko makalimutan ang imahe ni Andeng habang nagpapahid ito ng luha sa pisngi. Ganun na ba ako kasama? Mabigat man ang aking pangangatawan ay bumangon na ako sa pagkakahiga at agad ko namang nasilayan sa salamin ang mamula-mula kong mata dahil sa pagkapuyat. Lumabas na ako ng kuwarto at nadatnan ko namang kasalukuyang kumakain na sa hapag kainan ang mga kasambahay ko. Umupo na ako at aakamang sasandok na sana ng kanin nang parang napansin ko na hindi pa luto ang hotdog at longganisang nasa plato ko. Tinignan ko ang sinusubo ni Rina at ng dalawa ko pang pinsan. Luto na ang kinakain nila pero bakit hindi yung nasa plato ko?

"Ba-bakit hindi pa luto yung almusal ko?" nauutal na tanong ko. Nginuso naman ni Rina ang Lola ko na malapit sa may pintuan na pasipol-sipol pa. "La!" sigaw ko at lumingon naman siya.

"Lutuin mo sarili mong pagkain!" bulyaw niya, naalala ko naman ang banta niya kagabi. Seryoso? My Lola is in strike?

"Talagang hindi niyo ako ipagluluto?"

"Isang linggo" nakangising sagot ni Lola.

"Aishhh!" tumayo na ako tsakapadabog na binuhat ang plato at nagsimula ng mag-prito. Buti na lang at alam kong magluto kundi siguradong sasabog ang kusina namin. Nang kakain na ako ay nagsimula ng maghanda ang mga kasambahay ko para magsimba.

"Mauna na kami, sumunod ka na lang" seryosong paalam ni Lola at umalis na nga sila.

"Sige iwanan niyo ako. Sige lang" reklamo ko habang nag-iisa na lang sa bahay. Di na rin ako nagpatumpik-tumpik pa at naghanda na rin para sa pagsimba, syempre good boy kasi ako.

*****

Hindi pa naman ako late ng makarating sa simbahan, nakita kong may bakanteng upuan sa bandang likuran kaya dahan-dahan kong linapitan ito. Uupo na sana ako ng mapansin ko na pamilyar ang likuran ng nasa harap ko. Sinilip ko, si Andeng at kumulo naman agad ang dugo ko ng mapansin ko na katabi nito si lumpiang hito.

"Ano namang ginagawa ng asungot na yan dito? eh baka demonyo pa yan" bulong ko ngunit sadya atang malakas ang pandinig ni Andeng at napalingon siya. Parang nagawa ko namang mahiya at napayuko. Makalipas ang ilang segundo ay sinilip ko kung nakatingin pa rin siya sa akin ngunit nakikipagbulungan na pala siya sa hilaw na unggoy na may lahing tilapia. Napakagat na lang ako sa labi sa sobrang asar.

Di ko na nga nagawang makinig pa kay pastor dahil nakatuon lang sa kanilang dalawa ang aking tingin hanggang matapos na ang service. Nagsitayuan na lahat at napansin ko agad na lumapit sila Tita Analyn kay Andeng kaya lumapit din ako sa kanila ng palihim.

"Mama lalabas muna kami ni Timothy" sabi ni Andeng sa nanay niya. Napataas naman yung kilay ko. Lalabas sila? Saan? Tita! tanungin mo kung saan!

"Sige mag-ingat kayo" nakangiting sagot ni Tita. "Oh Rhino nandiyan ka pala" sambit ni Tita nang napansin niya ako sa gilid

"Ah-eh opo" nahihiya kong sagot

"Sabay ka ng uwi sa amin?" yaya ni Tita

"Pasensya na po Tita at may pupuntahan pa po kasi ako" palusot ko dahil may balak nga akong gawin.

"Oh siya, nakita mo ba sila Lola mo?"

"Nauna po sila sa akin kanina, nandiyan lang po sila sa tabi-tabi" sagot ko

"Mama mauna na kami" paalam na ni Andeng at lumabas na ang dalawa sa simbahan. Nagsasalita pa si Tita pagkatapos ngunit di ko na maintindihan yung pinagsasabi niya dahil hindi na ako mapakali. Susundan ko sila!

"Tita pasensya na po! Mauuna na ako" nagmamadali kong paalam at tumakbo na akong palabas. Eksakto namang kapapaandar lang nung hito yung kotse niya kaya naman dali-dali akong pumara ng tricycle.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon