Kinuha ko yung cp ko na tumutunog...
Pagkakuha ko ay sya namang natapos, tinignan ko ang screen at ang nakalagay ay unknown caller.
Di ko na lang pinansin at nagpatuloy sa panunuod...
Tumunog muli ito at nasagot ko na.
Katahimikan...
Malakas na hagikgik...
Sabay naputol ang linya ..
Baliw ba yun, medyo kinutuban ako ng masama, dali dali kong pinatay ang tv , inayos ang pinagkainan ko at dumiretso sa kwarto.
Nakaramdam ako ng takot, siguro ay isa rin sa dahilan ay nag iisa ako sa napakalaking mansyon na to..
7 pm naisipan kong i-text ang bestfriend ko.
"Lili, good eve si Tif to. Favor naman, pwede ba ko makitulog dyan? Ngayong gabi lang...
Thanks"
Sa panahong ito kasama sa bahay ang kailangan ko...Tulog n mga maids namin. Maya maya ay tumunog ulit ang cp ko, unknown caller. Di ko na sinagot natatakot lang ako
Nakatanggap ako ng SMS mula kay Lili:
Di pwede friend, kasama ko bf ko today, namamasyal kmi.
Nakakarinig na ko ng mga kaluskos sa bubong, taena sana dalawin ako ng antok agad...
Manang sana bumalik ka na...
Isinara ko ang pinto at bintana sa kwarto ko...
May controller din ako ng mga gates ,pinto at bintana sa bahay. Isinara ko na rin, as in double locked.
Napaupo ako sa kama at nagdasal .. Pinikit ko maigi ang mata ko, mistulang may nanunuod sa akin, nararamdaman ko ang paghinga nito sa bandang batok ko...
Dyos ko tulungan nyo ko
Bulalas ko sabay umayos ang paligid nawala ang mabigat na enerhiya na nararamdaman ko...
Tinuloy ko ang pagdarasal para sa gabay sa akin ng panahon na iyon.
*******
Author's note
Haha takte habang ginagawa ko to dapat madilim para dama ang takot...
Salamat sa nagbabasa, babasa at magbabasa ng mga gawa ko...
Thanks po.
BINABASA MO ANG
The Devil Inside (Paused editing)
TerrorHinawakan ni David ang kamay nya... Natulala ito, nagmistulang blanko ang mga mata... Tinanggal ni David ang kaniyang kamay, takot ang makikita dito... S-sino sila, bakit, b-bakit ? Sabi ni David Halina at pasukin ang nakakagimbal na katotohan sa ba...
