Manang Suzanne

57 1 0
                                    

Bata pa lamang sina mama ay kasama na nila si manang...

Anim na taong gulang pa lamang ako noong iniwan na ako kay manang...

Sya na ang naging pangalawang ina ko, katuwang sa mga naging problema: first crush, first love kahit na sa first bf..

Ang mga magulang ko ay bibihira umuwi, pero hindi ako gaya ng ugali ng ilang mga bata na lumaki sa mga nanny..

Wala akong sama ng loob kahit galit sa mga magulang ko, sila ang nagbigay ng marangyang buhay sa akin. Sa loob ng isang taon ay 2 beses lang sila nakauwi...

Residente na kasi sila doon sa Australia at sabi nila na inaayos nila ang papeles ko para manirahan na rin doon.

Si manang ay iniwan at inabandona na ng sariling pamilya dahil walang gustong mag alaga sa kanya. Ilan din ang kanyang anak, gaya ng sabi kayang alagaan ng ina ang isang dosenang anak, pero hindi kayang mag alaga ng isang dosenang anak ang isang nanay. Kami ang naging bagong pamilya nya. Masaya sya sa amin dahil hindi lahat ng trabaho ay kanya. Tanging pag aalaga sa akin at sa hardin ang pokus nya.

Tinutulungan ko sya, ang tanging trabaho nya ay magluto at mag asikaso sa akin, minsan ay magdilig ng mga halaman. Malinis naman lagi ang bahay at ang mga labahin ay diretso sa automatic washing machine.

In short, wala masyadong gawain dito sa amin, hindi rin pinapasahod si manang dahil tinuring na syang ina ng aking mga magulang. Minsan ay pinapapasyal sya nina mama abroad at bibilhan ng regalo.

Nung nakaraan, 1 week holiday ang ginawa nina mama. Pumasyal kami sa Rome, tuwang tuwang si Manang dahil nakita nya ang Papa at ang ilang gusali at artifacts sa Roma.

Simple at masaya si manang kahit kami na ang pamilya nya.

Sabi ng mga kaibigan nina manang, kaya sya inabandona ay naging pabigat ito at itinuring na malas ng kaniyang mga anak.. Kainis noh?

Lahat daw ng anak nya ay nag migrate at di na bumalik, ibinenta lahat ng ari arian nila, byuda na rin si manang. Sundalo ang asawa ni manang.

Masaya pa rin si manang para sa kaniyang mga anak kahit ganun ang naging trato sa kaniya. ..

The Devil Inside (Paused editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon