Lalo akong kinilabutan dahil sa bata. Napapaisip ako bakit ganun ang mga kilos nya.
Ala una na ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Samantalang sina manang ay mahimbing ang tulog.Nakabukas naman ang aircon pero pawis ako. Umupo na lang ako ulit, at kinuha ang cellphone ko. Naghanap na lang muna ako ng mga videos, mga pambatang videos.
Ilang minuto ay nawaglit sa isipan ko ang nangyari kanina.
Nilingon ko si Justine na naghihilik, akalain mo yun naghihilik pala ang aso. Hinimas ko ang kanyang katawan habang patuloy sa panunuod.
Sinandal ko na ang katawan ko sa headboard. Hanggang alas dos ay may mga boses nanaman akong naririnig. 3:30am nawala ang mga boses.
Hindi ako pinatulog ng mga boses na tanging ako ang nakaramdam. Alas 5 ng umaga ay lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa altar na malapit sa sala ng bahay. Naiilawan ang buong altar, kaagad ay napaluhod ako at nagdasal ng taimtim.
Tiningala ko ang imahe ng Banal na Pamilya at pumunta na sa kusina ng bahay...
Nagsaing ako at nagprito na rin nang nakaramdam ako na parang may kasama ako... Sa takot ko ay hindi ko ito nilingon..
Narinig ko bigla ang pag iyak ni Justine. Sya pala ang kasama ko
Hija, bakit ikaw ang gumagawa nyan? Napaaga ka yata ng gising....
Wala lang po gusto ko lang kayo masorpresa
Bumalik sya sa kwarto, siguro ay maglilinis.
Malapit na ko matapos sa pagluluto ng narinig ko umungol ng pagalit si Justine. Nakatingin ito sa may sala, ang pwesto na lagi kong inuupuan.
Nahagip ng aking paningin si manangManang bawal dyan diba?
Dirediretso itong umakyat.
Hija, bakit ka nakadungaw dyan?
Napatingin ako bigla sa aking likuran at paturo kong sinabi na umakyat sya kanina doon.
Umiling ito, kalalabas nya pa lang daw sa kwarto.
Umungol nanaman si Justine, maya maya ay umiyak ito na mistulang may humampas sa kanya.
Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon sa bahay na ito.
♧♧♧
Matapos kumain ay nag asikaso na sila, dali dali silang umalis kasama si Justine, upang isangguni ito sa simbahan.
May mangilan ngilang tao ang nasa simbahan. Pagkarating ay unang pumunta si manang sa opisina ng simbahan habang ang dalaga ay nakatingin sa nakapakong si Hesus.
Binalikan ni manang si Tiffany na hawak hawak pa rin si Justine.
Hija, ayos ka lang ba?
Opo, manang. Ngumiti ang dalaga at tumingin muli sa altar
Lumuhod silang dalawa para ipagdasal ang mga kababalaghan na naganap sa bahay.
Pinagdasal rin ni Tiffany ang mga kaluluwang gumagambala sa kanya.
Maya maya napansin ni manang na tila kakaiba ang kinikilos ni Tiffany, umiikot at dumidilim ang paligid hanggang sa...
Dyusko Tiffany!!
Nawalan ng malay si Tiffany, bumagsak ang katawan nya at nabitawan si Justine.
Tinulungan naman ng ilan ang matanda sa pagbuhat sa dalaga, inupo nila ang walang malay na dalaga,ang ilan ay pinaypayan sya.Dinig sa loob ng simbahan ang pagpapanic ng matanda.
Tiffany, hija! Anong nangyari sa'yo
BINABASA MO ANG
The Devil Inside (Paused editing)
HororHinawakan ni David ang kamay nya... Natulala ito, nagmistulang blanko ang mga mata... Tinanggal ni David ang kaniyang kamay, takot ang makikita dito... S-sino sila, bakit, b-bakit ? Sabi ni David Halina at pasukin ang nakakagimbal na katotohan sa ba...