Kagaya ng dating ritwal ko ay diretso ko sa kwarto, nagpahinga at naligo.
Pumunta sa kusina at gaya ng dati ay wala pa ring makakain.
Lumabas ako saglit at pumunta ng restaurant. Doon na ako kumain.
Habang kumakain ay nangangamba ko sa napanaginipan ko...
Matagal din ako bago nakauwi, namasyal ako sa mall mag isa.
Nang napagod ako ay saka ko lamang naisipang umuwi.
Aba bukas ang mga ilaw
Dali dali ay pinuntahan ko ang pintuan at binukas iyon...
Pagbukas ko ay ni isang ilaw ay walang bukas...
Manang Suzanne?? sigaw ko pero wala namang sumagot.
Nilibot ko ang aking mata ngunit walang tao sa ibabang bahagi ng bahay, binukas ko na ang ilaw.
Medyo nagtaka ako dahil sa mga nangyayari sa bahay...
Tiffany? Tiffany?
Si Manang Suzanne! Dali dali ay binuksan ko ang pinto, hinagkan ko sya dahil sa wakas ay makakasama ko sya...
Aw aw!!
May dala sya...
Tiff, ito yung pinabibigay ng mama mo sa'yo
Nilabas nya ang isang jack russell na aso...
Natuwa ako at pumasok kami sa bahay...
Nagkwentuhan kami sa kusina kasama si Justine yung niregalo sa akin nina mama.
Justine na ang ipinangalan ko sa kanya.
Tinawagan ko sila saglit at nagpasalamat.
Kinagabihan ay kasama ko si manang sa kwarto nito at kinuwento ko ang mga naging kababalaghan sa bahay.
Pinayo na pupunta kami bukas sa simbahan upang magdasal , at ipagdasal ang bahay namin...
Pagkabalik ko sa kwarto ay nagdasal ako, naramdaman ko na may nasa likuran ko at nakatingin ito..
Kinilabutan pa ako dahil sumasabay ito sa pagdarasal ko, at napansin ko na kahol ng kahol si Justine sa labas ng pintuan ko..
BINABASA MO ANG
The Devil Inside (Paused editing)
TerrorHinawakan ni David ang kamay nya... Natulala ito, nagmistulang blanko ang mga mata... Tinanggal ni David ang kaniyang kamay, takot ang makikita dito... S-sino sila, bakit, b-bakit ? Sabi ni David Halina at pasukin ang nakakagimbal na katotohan sa ba...
