Nilabas ko si Justine at lalo itong kumahol, napatakbo si manang sa kwarto ko.
Nak anong nangyayari dito? Bakit galit na galit si Justine?
Napakibit balikat na lang ako, kinarga si Justine.
Tinignan ako ni manang at hinawakan ang balikat ko, saka nag wika, Bukas pabasbasan natin ang bahay.
Manang pwede po bang makitulog sa kwarto nyo?
Pwede naman hija, kaso hindi kalakihan iyon
Ayos lang manang
Kinuha ko ang isang unan ko at sabay na kami ni manang pumunta sa kwarto nya.
Habang nakahiga at nakatulala ako sa kisame, tulog na sila.
Inaatake nanaman ako ng insomnia ko...
Maya maya ay narinig ko ang mahihinang katok , napaupo ako sa higaan. Tinapangan ko ang sarili ko at tumayo.
Hinanap ang pinanggagalingan ng katok na iyon, dinidikit ko ang aking tainga sa bawat dingding.
Ngunit sa oras na ilalapat ko ang aking tainga ko dun ay nawawala ang ingay ng katok...
Bumalik ako sa higaan, nakaupo, tinitignan ang himbing na himbing na natutulog na sina manang..
Bakit hindi naririnig ni Justine yun?
Hanggang lumipas ang isang oras at nagsimula na ang mga nakakakilabot na tunog...
Mukhang ako lang ang nakakarinig at nakakadama nun...
May humahagulgol, may nagmamakaawa, may sumisigaw at may nagdarasal... Tinakpan ko ang tainga ko at ipinikit ang mata.
Tiffany tulungan mo kami!
Mas nananaig ang mga pagsusumamong tinig kaysa sa mapaghiganting hiyaw...
Kahit sarado ang mga bintana ay humangin ng malakas sa kwarto, nakita ko sa may bintana ng kwarto ang isang batang babae na nakatingin sa akin...
May hawak itong bulaklak, nakapigtails, maamo ang mukha na animo'y abay sa kasal...
Maya maya ay ngumiti ito...lumapit sa akin at biglang naglaho.
BINABASA MO ANG
The Devil Inside (Paused editing)
HorrorHinawakan ni David ang kamay nya... Natulala ito, nagmistulang blanko ang mga mata... Tinanggal ni David ang kaniyang kamay, takot ang makikita dito... S-sino sila, bakit, b-bakit ? Sabi ni David Halina at pasukin ang nakakagimbal na katotohan sa ba...
