Nangamba ang lahat, dumulog agad ang mga nasa simbahan.
Pari, sakristan at mga madreng nandoon..
Maya maya'y dumilat ang kahabag-habag na kalagayan ng dalaga...
Napansin ng mga sakristan ang kakaibang ikinikilos nito at sinabi sa pari...
Nanlilisik na mata, kakaibang lakas at boses na animo'y galing sa lupa.
Napaatras si Manag Suzanne.. Napaiyak habang minamasdan ang batang tinuring na nyang anak.
Hinawakan ng mga kalalakihan doon ang dalaga , iniharap sa altar, dinadasalan ng isang pari na may kakayahan sa exorcism...
Kitang kita na nagpupumiglas ang dalaga...
Lalo pa syang lumakas...
Pumalag ito ng pumalag, ramdam ang galit nito habang binabasbasan at dinadasalan ng pari...
Akin lang sya!!!
Sumigaw ito, at ayaw umalis sa katawan ni Tiffany.
Tanong ng pari, Ano ang iyong pangalan?
Ano ba mayroon ang batang ito?Wala kang pakielam! Anak ko sya!!!
Ngunit maya maya ay may sumigaw mula sa pinto malapit sa altar.
Lumayas ka demonyo!
May isinaboy ito dito na ikinagulat ng lahat..Kumalma ang bata, nawalan ng malay at kitang pagod na pagod ito.
Pagdilat ng bata ay niyakap sya ni manang. Umiiyak...
Kahit nanghihina ay pinilit ni Tiffany magtanong, Anong nangyari manang??
Niyakap sya ni manang ng mahigpit...******
Xenxa na po sa late UD..
Thanks po sa mga readers...
BINABASA MO ANG
The Devil Inside (Paused editing)
HorrorHinawakan ni David ang kamay nya... Natulala ito, nagmistulang blanko ang mga mata... Tinanggal ni David ang kaniyang kamay, takot ang makikita dito... S-sino sila, bakit, b-bakit ? Sabi ni David Halina at pasukin ang nakakagimbal na katotohan sa ba...