Marami siguro dito ang makakaintindi ng sitwasyon ko...
Yung tipong magdamag kang gising...
Akala nila kakagising mo lang pero sa totoo lang hindi ka pa natutulog...
Insomnia...
Yan yung tawag nila sa sakit na iyon.
Nakakamatay pag di nasolusyonan...
Nagtataka ka kung paano ito nakakamatay?
Simple lang, sa oras kasi na kinukulang sa tulog ang tao, hindi makakapag generate ng maayos ang katawan...
Science konti ≥﹏≤
Anyways...
Nasabi ko na sa inyo ang kalagayan ko.
Overall yun lang ang tanging sakit ko; sa ngayon...
Well, kakauwi ko lang galing sa university, kaka first year college ko lang.
Unica hija ako, di na ako nasundan. Sabi ni papa masyado silang busy noon ,di na namalayan ang edad nila at kung magkakaanak man sila ay malaki na ang panganib sa kalusugan ni mama.
Hindi ko pa pala nasasabi pangalan ko, Tiffany Ann T. Rodriguez. Hindi sa pagyayabang pero may kaya kami sa buhay. Sunod ang layaw ko sa buhay.
Subsob kasi sa kaniya- kaniyang business ang mga magulang ko, kaya bihira ko sila nakakasama. Pag bibisita o uuwi sila dito mula abroad ay business pa rin ang iniisip nila. I almost killed myself. Pero I fought those struggles. Hindi naman ako pinapabayaan, but sometimes parang hindi naman ako nag e-exist sa kanila.
Tanging ako lang at si manang Suzanne ang nakatira sa mansion. Oo, masyon hindi bahay.
Minsan umuuwi s'ya for vacation, leaving me all alone. Buti pa nga si manang nag-aalala sa 'kin eh...
Well enough with that intro.
Diretso ko sa kwarto. Pag umuuwi ako lock agad ang pinto ng kwarto ko. Pabagsak akong humihiga sa kama ko, and I remove all my clothes except my undergarments.
Naghire nga pala sina mama ulit ng ilan pang maids so, meaning personal maid ko na si manang. Habang nagpapahinga ako ay nag mumuni muni rin ako then, chinecheck ko rin ang gamit ko kung kumpleto pa ba (trust issues sort of) tapos naliligo ako. That was always my routine.
Then pupunta na ako sa dining area, iche-check ko kung may lutong pagkain.
Hindi mawawala ang napakaraming cookies na personally baked by no other than me (ok na, mayabang na.)Nagkataon na naka-leave si manang.
Tinuruan nya ako sa pagluluto, I don't like the other foods they make. Mas bet ko luto ni manang.Naglakad ako papunta sa kusina, binukas ang freezer, may hotdog, ham, salmon, turkey, at iba pang isda.
Kinuha ko na lang ang pack ng hotdogs. Kinuha ko ang chopping board na pang processed food gaya nito , tinanggal ko na ang balat ng hotdogs, hiniwa sa tatlo at niluto ko ito.
Habang nagluluto ako hawak ko naman ang takip ng kawali na mistulang shield ko.Naimagine mo?
Nang malapit ng maluto ang mga ito, kumuha ako ng towel tissue, nilagay sa porcelain plate kung saan ko ilalagay ang mga hotdogs.
Tangan tangan ko ang lalagyanan ng lutong hotdogs. Naglakad papuntang sala at sumalampak ako sa sofa, nanuod ng tv. Nilipat ko ang channel sa movies.Sobrang intense ng movies.
Tanging ingay ng tv ang naririnig sa bahay...Maya maya tumunog cp ko...
Putek, kakagulat yon.
BINABASA MO ANG
The Devil Inside (Paused editing)
TerrorHinawakan ni David ang kamay nya... Natulala ito, nagmistulang blanko ang mga mata... Tinanggal ni David ang kaniyang kamay, takot ang makikita dito... S-sino sila, bakit, b-bakit ? Sabi ni David Halina at pasukin ang nakakagimbal na katotohan sa ba...