Tinakpan ni Tiffany ang kaniyang tainga...
Pinikit nya maigi ang mata, TAMA NA! TAMA NA!
Hinawakan ni David ang kamay ng dalaga...
Natulala ito, nagmistulang blanko ang mga mata...
Tinanggal ni David ang kaniyang kamay, takot ang makikita sa kaniya...
S-sino sila, bakit, b-bakit ? Sabi ni David
Nagtataka ang pari at nagtanong na rin, Ano ang iyong nakita David?
Mga demonyo, namamahay sa kaniya, nagawa nilang pamahayan ang batang ito...May batang babae rin.
Batang babae??
Sumabat na si Manang Suzanne, Lagi nyang nakikita ang batang iyon... Hindi ko man lang naitanong sa kaniya ang pangalan nito..
Tinignan nila muli si Tiffany...
Nag iba nanaman ang itsura nya, napatayo ang matanda.
Itim na ang kulay nito, kita ang kulay ubeng ugat sa mukha, nanlilisik ang mga mata, ang itim nitong mata ay naging puti. Isang pulgada ang taas ni Tiffany mula sa sahig...
Napa-krus na lang ang pari at natulala ang dalawa habang nakatingin kay Tiffany.
Sumigaw ito ng sobrang lakas, tinakpan nila ang tainga nila... Naglaho ang dalaga...
Pagmulat nila ng kanilang mata ay may batang babae sa kanilang harap...
May hawak na bulaklak, umiiyak...
Tulong... Kailangan namin ng tulong...Ikaw... Ikaw yung batang nakita ko sa kanya...
Kailangan mo syang tulungan...
Paano?
Ikaw ang nakakaalam pano sya tutulungan, David...
Naglaho bigla ang bata na mistulang anghel de la guardia ni Tiffany...
Tumakbo papalabas si David habang kasunod si manang at hinanap si Tiffany...
BINABASA MO ANG
The Devil Inside (Paused editing)
HorrorHinawakan ni David ang kamay nya... Natulala ito, nagmistulang blanko ang mga mata... Tinanggal ni David ang kaniyang kamay, takot ang makikita dito... S-sino sila, bakit, b-bakit ? Sabi ni David Halina at pasukin ang nakakagimbal na katotohan sa ba...