Ernestine Lei Santos

54 2 1
                                    

"GO ERNESTINE!!!" naririnig ko pagchi-cheer ng mga babae kong kaklase sa gilid habang matalim kong tinitignan si Gezrael na nag-iisa na lang, dapat ay di siya makalabas ng base para manalo kami, ayan na nalagpasan niya na yung isang base napamura ako sa isip ko ng lumapit siya at ngumiti, pag nakalabas siya sa base ko matatalo ang team naming mga babae sa patintero.

"Hello Ernestine" sabi niya at sincere na ngumiti sakin ngunit masama pa rin ang tingin ko sa kanya, psh we're not close jerk.

"Ano? magtititigan na lang ba kayo? baka magkatuluyan kayo niyan ah!" sigaw ng isa naming kaklase napatingin ako sa gawi kung saan may sumigaw ngunit naramdaman kong gumilid ang paa ko kaya bumagsak ako sa field, fuck nakalagpas siya. natalo kami.

Agad akong nilapitan ng mga kaklase ko, isa na rito si Gezrael

"sorry, sorry gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" tanong nito

"hah! I don't need your help if I know sinadya mo talaga yun! Ugh dirty player!" sabi ko saka tumayo at paika-ikang lumakad palayo, sumunod naman agad ang mga kaibigan kong si Daile, Sheyn, Nico at Ivan

"alam mo ikaw talaga ang bad mo kay Gezrael mukhang di naman niya sinadya" sabi ni Nico ang bakla sa barkada ko.

"Ikaw ba yung sumigaw?" nakakunot noo kong tanong

"hehe sorry na darlin'" sabi pa nito at ngumiti, ang gwapo talaga neto pag ngumiti kung di lang siguro lalaki ang prefer neto siguro good match kami.

Nakarating kami sa cafeteria at nagra-rant pa rin dahil sa pagkatalo namin sa patintero

"Damn Lei! Patintero lang yan tsaka sportsfest lang to come on!" sigaw ni Ivan sakin pagkaupo.

"Hindi, ayokong matalo dahil lang sa Gezrael na yan I can win everything against him" at saka sinubo ang burger na binili ko

Gezrael Samaniego, the official rival of mine. Parehas kaming nasa High Jump Team ng campus sa susunod na olympics ay pipiliin na ang isa sa amin para lumaban. and that's one of my biggest dream.

"Question nga Lei" ayan na, nag-butt in na si Daile medyo kinakabahan ako sa tuwing magsasalita siya dahil alam kong malakas siya makasampal ng realidad at masyado siyang straightforward, kumbaga siya talaga ang pinaka may sense na kausap sa barkada

"Why do you hate Gezrael that much?" nakabuka na ang bibig ko ngunit alam kong wala akong maisasagot kaya isinara ko uli, Oo nga no. bakit ba ayaw ko sa kanya?

"Baka naman gusto mo siya?" dagdag pa ni Sheyn pagkatanggal ng headphones sa tenga niya, kahit di ko gusto ang sinabi niya di ko magawang mairapan si Sheyn dahil siguro sa pagkamahinhin nito

nag-iisip pa din ako kung bakit, kung bakit ayaw na ayaw ko sa kanya siguro meron lang siyang fuck face disease yun yung kapag nakikita mo siya ay mabbwisit ka, pag naamoy mo lang yung matapang na pabango niya slash pamaho niya ay urat na urat ka na at gusto mo siyang balibagin o siguro natatakot akong matalo sa kanya.

Napansin ko na tahimik ang mesa namin kaya tiningnan ko sila at nakitang nakatingin din sila sakin na para bang may hinihintay na sagot mula sa bibig ko

"Alam mo kung magagalit man ako kay Gezrael siguro ang magiging dahilan ko ay yung pag-agaw niya sakin ng atensyon ng mga chicks dito sa school" sabi ni Ivan habang nakangisi, napangiwi kaming lahat

"Seriously Ivan , seriously?" sabi ko sa pagkadismaya, ibinalik ni Sheyn ang headphones sa tenga niya, nagbasa na lang uli si Daile sa libro niya, si Nico naman ay bumalik sa pagce-cellphone.

Isusubo ko pa lang sana yung eggpie na binili ko kaso may tinawag ako ng isa sa mga kaklase ko.

"Santos tawag ka ni Miss Balubar, nasa faculty siya" pagkasabi niya nun, napa-double pakshet ako siguradong tungkol na naman 'to sa grades ko.

"pustahan tayo bagsak ka na naman sa math" bulong ni Nico bago ako tumayo, inismiran ko siya. yeah i get it.

Pagkarating ko sa faculty ay nakita ko na si Miss Balubar siya lang ang nasa loob at mukha ngang tama si Nico sa hula niya.

"Ms. Santos, Senior High ka na next sem bakit di mo pa rin makuha ang mga lesson ko? diba may mock exam tayo? lahat naman ng grades mo matataas, lahat A. except lang dito sa subject ko, so since nakukuha ko namang nahihirapan ka e i hire someone para turuan ka every after class sa room 3-A....and you'll start now"

Di pa nag-sink in ang sinabi niya sakin after 5 seconds dun lang ako nag-react, napa-what ako.

"W-what? n-now? Ma'am kakatapos lang ng sport fest medyo--"

"Patintero lang ang nilaro mo Ms. Santos, I'll give you 30 minutes break after your break room 3-A"

"pero Ma'am--"

"and i texted your brother he said yes, okay? go now, sayang ang 30 minutes"

Lumabas ako ng faculty room at pumunta na sa shower room at naligo, sumasakit pa rin ang paa ko dahil kanina, pagkatapos magbihis pumunta na ako sa Class 3-A, wala pa rin yung magtututor siguro si Daile yun math enthusiast kasi yun so baka siya, umupo na ako sa may gilid ng bintana tinitingnan ang mga estudyanteng papauwi na ugh kainis talaga kung di lang ako bumabagsak sa math na yan siguro nakauwi na ako at nanunuod ng the walking dead, narinig ko ang pagbukas ng sliding door ng room lumingon ako at nakita si Daile

"Sabi na e, ikaw magiging tutor ko uy wag mo ako pahirapan Daile ah utang na loob lang, bff mo ako" hyper na sabi ko kay Daile

"Gaga, papaalam lang ako na uuwi na kami, text mo na lang ako makinig ka Lei ha! sabay dapat tayo mag-senior, bye!" tumango na lang ako, kahit naman seryoso si daile sa buhay niya. sakin lang talaga siya sweet at nago-open up sa mga suicidal manic depressive neurotic disorder niya ewan ko halo-halo ang sakit niyan and i want her to fight her own demons. anyway I felt really sad dahil hindi siya ang magtuturo sakin yung ngiti ko kanina ay umaabot hanggang kisame ngayon ay wala na di niya pa naisasara ang pinto may pumasok na uli, oh no.

"kunin mo na lahat ng dapat mong kunin at umalis" pagtataray ko dito

"So, i need to get you then" pagkasabi niya nun tinaasan ko siya ng kilay, lumalapit siya sa akin habang nakangiti at umupo sa harapan ko

"Anong di mo nakukuha?" tanong niya sakin na nakatingin pa din sa mata ko, shet shet ang ganda ng mata calm yourself Santos wag kang malandi, ano ba he's your enemy, enemy? what? uhm basta you hate him you hate guys!!!!!

"Anong di ko nakukuha?" tanong ko rito

"sa math" he mouthed

So, siya pala yung magtu-tutor sakin, the hell bakit siya pa? Edi malalaman niya kung gaano ako kabobo sa math pagtatawanan niya lang ako, shet naman e

"Ernestine?" nagbalik ang isip ko sa mundong ibabaw ng marinig ko ang boses niya tinitingnan niya ako ng marahan at shet di ko kaya 'tong mga mata niya, napatayo ako ngunit mukhang nabigla ko ang kanang paa ko na natapilok kanina napahawak ako sa ankle ko na masakit, agad akong nilapitan ni Gezrael at inupo, agad niyang kinuha ang first aid kit ng room at nilapatan ako ng lunas busy siya sa pagiikot ng gasa sa binti ko na may sprain daw , buti na lang sprain lang kundi di na ako makakapag-high jump papasok pa ako sa international competition that's one of my super duper ever goal

"Ernestine, di talaga ako nangdaya kanina sa patintero. Promise."

Tinitignan ko lang siya, tumayo siya at naglakad sa may bintana na nasa gilid ko

"since mukhang pagod ka, gawin na lang natin 'tong oras na to na grace time, so...can i ask you?"

Di ako nagsasalita hinihintay ko ang itatanong niya

"why do you hate me?"

pagkatanong niya nun ay tumingin siya sakin, tumungo ako shet nas-speechless ako dapat pala inisip ko talaga yung sagot sa tanong na to shoot it Santos, bakit nga ba?

Why do i hate you?


Kismet [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon