Nakauwi ako ng bahay nang walang text o tawag na natatanggap mula kay Gezrael, di rin siya pumasok ngayong araw at di ko alam kung bakit, kaya siguro medyo matamlay ako at nakasilip lang sa may bintana ng room.
"Nawalan ka ba ng daliri? bat di ka nag-text sakin kagabi kung ano na nangyari sa qualification audition niyo sa high jump?" pambungad ni Daile sakin pagpasok niya sa room.
Teka...
"Kahapon?" tanong ko na nag-iisip ng napakalalim, Oh Jusko!!! kahapon pala ang audition ng high jump isang araw lang nagaganap ang audition nun nasapo ko ang ulo ko sa pagka-frustrate lumapit ako kay Daile at humawak sa braso niya
"Di ako nakapag-audition Daile" sabi ko na medyo naiiyak
"E diba kasabay mo dapat si Gezrael sa pago-audition?" Tumigil ako sa pagkakapraning at nag-isip, kung di ako nakapag-audition ibig sabihin di rin siya nakapag-audition. Gusto pa naman namin lumaban sa Japan sa Olympics. Malaki kasi ang advantage pag nasama ka dito.
"Baka pwede ko pa mahabol ngayon, pupuntahan ko si Sir Clarete" tumakbo ako ng napaka bilis para makarating sa Gymnasium, di naman ako nabigo dahil nandoon si Sir at nagtetrain ng varsity players ng school, tinawag ko sya na medyo kinakapos pa ang hininga.
"SIR! pwede pa kaya makahabol sa audition ng High Jump di kasi ako nakapag-audition kahapon e" pagdadahilan ko.
Lumapit siya sakin na hawak ang puti niyang pamypay.
"Meron pa, nasa Southridge High School ang mga mentors ngayon pwede ka pa makahabol."
Agad akong tumakbo sa locker ko at kinuha ang sport bag ko kung nasaan ang mga damit ko pang-training at nagmadali pumunta sa train station, nakarating ako doon after 45 minutes.
Pagkapasok ko ay di ko akalaing napakalaki ng school na 'to sabagay kasi nababasa at nakikita ko lang ito sa internet pero eto ang karugtong ng South State University maaring sasakay ka ng jeep o mag-tricycle sa sobrang layo, pumunta ako sa unang building kung saan maraming taong nakapila, may nakita akong babaeng kulot na naka-jumper at white shirt and to tell you ang ganda niya at ang amo ng mukha, siya lang ang nasa harapan na hindi nakapila kaya lumapit ako para magtanong.
"Hello Miss, dito po ba ang may audition ng high jump?" ngiti kong tanong, medyo nanlaki ang mata niya ng makita ako, ngunit ngumiti rin ito pabalik.
"Nako, hindi bilihan ng college books 'to, pero alam ko sa may Quasha Building pa ang audition ng high jump e. Sakay ka lang ng jeep" ngiti niya.
"Ah ganon ba? maraming salamat ah" sabi ko at inayos ang dala kong bag.
Siguro ay 30 minutes pa ako bago nakarating sa building, ngunit laking gulat ko na puro kainan ang nandito, nagtanong tanong ako sa guard kung may audition bang magaganap ay napa-kunot ito
"Hala miss, pagpasok mo pa lang yung unang building yun na yun." sabi ni Manong Guard, di na ako nag-isip pa at sumakay na ng jeep pabalik sa gate, ngunit pagbalik ko dun ay wala nang tao tapos na raw ang audition.
Bumalik na lang ako sa school nang nakasimangot tanghali na nang makarating ako, papasok na ako ng gate at tinatawagan si Daile habang may tumutulong luha sakin. Mahalaga kasi ito sakin kasi ito ang isa sa mga key para makapasok ako sa kolehiyo.
Sumagot naman ito agad, maingay ang background niya
"SAN KA?" sigaw ko
"sa gym" sigaw niya rin pabalik, agad akong nagpunta dun at ang daming nagkukumpulang tao, papalapit na ako ng humarang sa daan si Shane habang nasa likod naman niya si Mikayla.
"Are you well prepared? She's here" sabi nito na blangko ang mukha, umalis rin naman ito agad
Buti na lang ay nakita ako ni Daile at sinalubong
"Anong meron?" tanong ko
"Ah, may sikat na transferee may hinihintay ata" sabi niya
Dumating si Sir Clarete at pinaalis ang nagkakagulong tao, doon ko na nakita ang pinagkakaguluhan nilang lahat pamilyar na mukha ang nakita ko unti unti akong lumapit at kumpirmado ko ngang siya yung babae kanina sa Southridge.
Napadpad ang tingin niya sakin, at ngumiti. Tumayo siya at lumapit sakin.
"Hi, Ernestine? sorry kanina ah akala ko kasi bilihan ng books yun" malambing na sabi niya.
"Ah, o-okay lang, paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"of course i knew!"
Tumawa siya ng mahina
"I'm Eunice Saavedra" sabi niya't inaayos ang buhok, nakipag-handshake siya sakin at lumakad na siya palayo
"Pero di ko gets, ano yung isino-sorry nun sayo? at umiyak ka ba?" tanong nito
At ayun kinwento ko na nga yung nangyari kanina, alam kong nagkamali lang siya.
"Anong di sinasadya kung di siya sigurado saan talaga ang venue ng audition edi sana humindi kaagad siya" galit na sabi nito habang hinahampas ang straw sa braso ko.
"Kakakilala lang namin, ano naman ang dahilan niya para gawin niya yun?" tanong ko at pinunasan ang braso ko.
"Malay ko, for bitching purposes?"
