Naririnig ko ang alarm clock ko, may pasok pala. bumangon ako at gumawa ng kape at nag-umagahan, pumunta ako sa salas at nakita ko ang buong siyudad ng south, medyo foggy pero nakikita ko na ang pagsikat ng araw. So nakatira ako sa apartment kung saan ako dinala dati ni Gezrael. I want the place and i'm paying for it, hindi naman siguro masama iyon. Siguradong di ko siya madadatnan dahil ang balita ko kina Daile ay sa America na ito nag-aaral at kung ano pa ang nangyari sa buhay niya ay di ko na alam, at wala akong balak alamin.
Nasa building na ako ng classroom ko kaso biglang may tumawag sakin, di naka-register sa cellphone ko ang tumatawag sinagot ko ito.
"Hello? sino 'to?" tanong ko
bumugtong hininga ito bago sumagot
"This is Sur, punta ka dito sa building ko"
"A--an---" di ko pa natatanong ang floor ng building niya ay binaba niya na ang telepono, mapakunot ako at nagdadalawang isip kung pupuntahan siya sa building niya pero mukhang may problema si Sur kaya pumunta ako. tatlong mahahabang building pa naman ang dadaanan ko bago ako makarating sa building niya kapos na ako sa hininga kahit naglakad lang ako nasa tapat na ako ng building niya, pero di ako nahirapan sa paghanap sa kanya unang tao pa lang ang tinanungan ko ay alam na kung sino ito kahit Sur pa lang ang sinasabi ko, umakyat ako sa 4th floor. Pambihira di pa nagsisimula ang klase ko ay amoy pinagtulungan na ako.
Nakita ko si Sur na nakaupo sa room, anim lang sila sa loob
"Sur!" sigaw ko
Tumingin lang siya at pinalapit ako.
"Umupo ka sa harapan ko" sabi niya, sinunod ko naman ito, ngumiti ito ng napakalapad
"Lei, sabay tayo kumain ng lunch mamaya ah?" sabi nito at biglang umiyak kaya nagulat ako, umiiyak ba siya dahil gusto niya ako kasama mag-lunch, bat di niya na lang tinext?
May dumating siyang bagong kaklase at tinawag siya
"Uy Sur!" tawag ng kaklase niya
Nawala ang paghikbi niya at nagtaas ng kilay.
Tumingin muli sya sakin
"I hate it when they call me Sur, unless they belong to my clique and you belong to my group so don't worry, just so you know Sur is for surreal cause I am" explain niya about sa pangalan niya, panatag na ang loob ko na tanggap ako ni Sur.
"Tsaka sorry kung pinapunta pa kita dito ah, eh kasi naman si Blaze e di daw siya papasok ngayon ayoko naman kasama si Achi kasi ang daldal niya, si Art naman mamaya pa papasok sa labas daw siya kakain, and Zeke being Zeke can't even talk to him same goes kay Nathalie. Ikaw na lang ang kasama ko. Sorry talaga kung tinawagan pa kita hindi kasi ako maka-text kasi kaka-manicure ko lang" pinakita niya ang mga kuko niyang may kulay.
"Okay lang, tawagan mo na lang ako kung gusto mo pero pwede sabihin mo agad kung ano yung gusto mo nakakapagod kasi maglakad eh" sabi ko at nagkamot ng ulo
"Oh my god, naglakad ka? may shuttle naman ah? binabayaran yun ng tuition mo" sabi nito na gulat at mukhang nakokonsensya
Walanghiya nagpakapagod ako.
Wala akong nagawang kaibigan sa mga kaklase ko kahit one week na kami magkakasama dahil pinupuntahan ako nila Sur at Achi medyo intimidated ang mga kaklase ko kina Sur dahil si Sur ay na-report dati dahil may nalumpo ito noong highschool dahil sa nilalandi raw ang boyfriend niyang si Blaze at si Achi naman ay may connection sa may-ari ng school. sila Nathalie at ang iba naman ay mukhang busy, at dahil dun nagmumukmok si Sur dahil di niya nakakasama si Blaze simula nang magpasukan.
Lalo naman lumalamig ang panahon ngayon, kailangan mo talaga ng jacket araw-araw.
Puro sulat lang ang ginagawa namin, sa harapan ako nakaupo.
"YANAI!" tawag ng prof namin, tumingin ako kung may kaklase akong Yanai pero walang nagrerespond at nakita ko ang teacher ko na nakatingin sa pinto, na-curious kasi ako kung sino kaya tumingin din ako nakita ko si Zeke dun at biglang nagkamot ng ulo at sinambit ang pangalan ni Art na pagalit
"Pumasok ka dito, Mr. Yanai. magca-cutting ka na naman ba at nagtatatakbo ka?" tanong ng prof ko sa kanya
"Hindi po, babawiin ko lang ang bag ko na kinuha ni Art" sabi nito
"Dito ka mananatili sa classroom ko, mag-sit in ka. maghintay ka ng uwian" sabi ng prof ko at nagpatuloy sa pagsusulat, tiningnan ko si Zeke at mukhang inis na inis ito at umupo sa dulo ng row ng inuupuan ko
5pm natapos ang klase at madilim na sa labas at kung malamig na, mas lalo pang lalamig mamayang gabi sabi sa balita, awa ng diyos wala na sina Achi at Sur, nakauwi na siguro.
Nang makarating ako sa apartment nasa kabilang pinto si Zeke katabi ng pinto ko, at mukhang badtrip ito.
"Dito ka nakatira?" tanong ko nang makalapit sa pinto ko, tumango lang siya at pumasok na ako sa apartment ko.
Tinapos ko lahat ng homeworks ko 8:30 na sa orasan ko, pagkatapos ko magluto ay nabalakan kong itapon na ang mga basura, pagbukas ko ng pinto nakita ko ang likod ni Zeke, nagtataka ako kung bakit di pa siya nakakapagpalit ng damit at nakaka-amaze kasi sobrang lamig sa labas pero di siya nakasuot ng jacket.
Bumalik ako at nakaupo na siya sa sahig, Pumasok ako at hinanda ang mga pagkain pero naisip ko si Zeke baka naman naiwan niya ang susi niya, Lumabas ako
"Zeke gusto mo ba pumasok sa loob?" nag-aalangan kong tanong
Tumingin naman ito, sigurado akong nangangatog ito sa lamig dahil halata ang pangangatog nito
"O-okay lang?" dinig mo ang panginginig ng boses sa tanong niya
"Oo naman" pagkasagot ko ay tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay ko, buti na lang nakapaglinis ako.
Binuksan ko ang heater para naman matigil ang pagsheshake niya, pinaupo ko siya sa mesa para kumain di ko maintindihan ang mukha niya kung gusto nya bang kainin ang nasa harapan niya o hindi
"Bakit di ka makapasok sa loob ng bahay mo?" tanong ko
"Tinakbo ni Art ang bag ko, nalaman ko pa kina Nathalie na pupunta sa Bohol si Art lahat ng importanteng gamit ko ay nandun" nakunot niyang sabi
"Okay lang na dito ka muna mag-stay, may damit naman panglalaki diyan" sabi ko
Nagsimula na kaming kumain, tinitingnan ko ang mukha niya sa bawat pagsubo niya mukha naman siyang nasa-satisfy sa ginawa kong mainit na ramen, buttered veggies at marinated meat
"Ikaw ang nagtimpla at nagluto nito?" tanong niya, tumango ako
"masarap, ngayon lang uli ako nakatikim ng lutong bahay" sabi niya habang nginunguya ang karne, ang sarap rin pala makarinig ng compliments galing sa ibang tao kahit simpleng luto lang ang nagawa ko
"bakit ngayon lang? sorry pero okay lang kung ayaw mo sabihin"
"Matagal nang wala ang mama ko" plain niyang sabi at kumuha ng gulay
"Ipagluluto kita minsan, kung gusto mo" ngiti ko sa kanya.
Natulog siya sa sofa, kinabukasan ng hapon naman ay ibinalik ni Art ang bag ni Zeke sa kanya inis na inis na hinablot ni Zeke ang bag niya. Kakauwi lang ni Art galing Bohol pumunta raw siya dun para daw sa project niya kumaway lang ito sakin at ngumiti.
Naisip ko si Zeke, tiningnan ko siya habang kinakalkal ang loob ng bag niya kung may kulang ba o wala. Di naman siya ganong nakakatakot. ngayon ko lang napansin ang tattoo niya sa pointy finger niya, nanlaki ang mga mata ko. hala! siya si wolf boy siya yung nasa foundation day at yung nagligtas sakin noong muntik na ako mahulog sa pool, di ko lang siguro siya nakilala dahil naka-undercut siya two years ago at ngayon ay mahahaba na ang buhok niya, small world.
"Thank you" nagulat akong sinabi niya at ngumiti, umalis naman agad ito at umakyat na sa building
Nagulat ako, gulat na gulat ako. na-estatwa ako sa kinatatayuan ko, ngumiti siya.
It was nice to see someone smile, ngumiti ako at bumalik na sa katawang lupa ko at pumunta sa room ko.
