"Di ako makakapasok nasa Europe ako para sa business ni Daddy, but I'll be back next month ng September for Prom, iniwan ko na sa locker ko yung math notebook ko. self-study baby. I love you" - Gezrael
Kinagabihan din naman ay may na-receive na akong text galing sa kanya kaya medyo humupa na ang lungkot at frustration sa sistema ko.
May swimming class kami ngayon, kaya nagpunta na ako sa locker at nagpalit ng swimsuit ako lang ang mag-isa sa shower room dahil si Sheyn ay nasa publishing room dahil kailangan na i-finalize ang diyaryo na ilalabas next month, si Nico at Daile naman ay nilakad ang college form hanggang ngayon di nila sinasabi saan sila papasok tanging si Ivan lang ang natira dito.
Lumabas na ako agad at nakita ko siyang naka-speedo na itim, naka-speedo rin ako pero kulay blue, lumapit ako sa kanya.
"bakit lahat kayo naka-speedo???" tanong neto na nakapangalumbaba.
"kasi nalaman naming may manyakis sa school" sabi ko at tinaliman ang tingin
"Grabe ka!" bulalas nito at pumunta na sa mga lalaki niyang kaibigan.
Pinalapit na kami sa edge ng pool, pumunta ako sa 4ft dahil yun lang kaya ko di ako marunong lumangoy takot ako sa malalim, pero pinalapit ako ng teacher ko at sa 6ft daw kami lalangoy ngayon.
Napakamot ako ng ulo at lumapit sa teacher ko at bumulong
"Ma'am di po ako marunong lumangoy sa malalim" bulong ko rito at tinitingnan ang paligid kung may nakakarinig nakita ko si Eunice sa likod ni Ma'am, ngumiti lang ito sakin.
"Kaya ka nga nasa swimming class Ms. Santos para matutong lumangoy sa mababaw man o malalim" sabi nito na nakataas ang kilay ngunit limang segundo ang nakalipas binawi niya rin ito agad
"Okay, maupo ka diyan sa bench at panuorin mo na lang kami" sabi nito at nagsimula na lumangoy ang lahat
Isang oras ang nakalipas lumabas na ang mga kaklase ko at nakita kong pumasok ang pangalawang section na gagamit ng pool, section ito nila Shane at Mikayla kung saan halos lahat ng yayamanin at high class ay nandun nagulat ako ng may humawak sa siko ko nilingon ko ito at nakita ko si Eunice, siguro ay matalino ito kaya napunta sa section namin.
"Ernestine di ko makuha yung swim board ko sa pool, pakikuha naman oh" pakiusap niya
Kaya lumapit ako't lumuhod sa edge at inaabot ang swim board niya mahahawakan ko na sana yung board kaso naramdaman ko na may sumipa sakin kaya nalaglag ako sa pool nang makaahon ako wala akong maapakan nakita ko sa sahig nasa 6ft ako kaya hindi rin ako nakatagal sa pag-ahon ay parang hinila ako nito sa baba tawanan lang ang naririnig ko.
Gising na gising ako mabilis ang pangyayari naramdaman ko ang mahigpit na hawak sakin sa bewang, di ko kinilala kung sino man ang nagligtas pagka-ahon namin ay nag-aabang ang teacher namin, di ko na rin naririnig ang tawanan binigyan nila ako ng tuwalya
"Anong nangyari?" galit na tanong ng teacher ko
"M-may sumipa po sakin ma'am, inaabot ko lang po yung swim board ni Eunice" sabi ko na nanginginig
"Walang sumipa sayo, tumalon ka with your own will di ko nga maintindihan kung bakit ka tumalon e nasa gilid lang naman yung pinapakuha ko" sabi ni Eunice na ikinagulat ko
"Hindi totoo yun, tanungin niyo pa sila" turo ko sa section nila Mikayla na mukhang naawa sakin at nakita kong umirap si Shane
"Class? ano ang nangyari?" Tanong ni ma'am sa mga estudyanteng nasa loob.
"She just jumped" sabi ng isa
"Eunice asked her to get the board for her, pero tumalon siya drowned herself"
sumang-ayon naman ang lahat, naiiyak akong tiningnan si Eunice pero sumimangot ito at tila nangaasar
"Ms Santos, di ko akalaing ganito ka kagutom sa atensyon" sabi ng teacher na dismayado
"Class dismissed" umalis na ang lahat sinundan ko si Eunice sa shower room
"Eunice, ano yung sinabi mo kanina? Hindi totoo yun" sabi ko pagka-apak sa shower room kinukuha niya ang tuwalya niya sa locker, tinanggal niya ang swim cap niya kaya lumugay ang straight at shiny na buhok niya, naglakad siya sa may shower.
"EUNICE!" umiiyak na sigaw ko sa kanya sinarado niya ang shower at tumingin sakin, masama ang tingin niya di ko akalaing ang mala-anghel na mukha niya ay may itinatago na kasamaan.
Lumapit siya sakin
"Uhm yes, di ka tumalon sa pool and i kicked you, I asked those kids to lie na nakita kang tumalon by yourself now you are entitled as the attention whore" she smirked at umupo sa likod ko
"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko
"You'll find out soon"
"--and I'll make sure you'll suffer from pain you really deserve. Dudurugin ko ang puso at buong pagkatao mo. Like what you did to me. " dugtong pa nito saka bumalik sa shower
"Anong ginawa ko sa'yo?" mahinang tanong ko ngunit mukhang hindi niya ito narinig
Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko, nang lingunin niya ako ay dun lang ako nagsimulang kumilos palabas
Nakita kong nag-aabang si Ivan sa room
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito, kaming dalawa lang ang nasa silid, umupo ako at umiyak sinabi ko lahat ng nangyari, kahit siya ay di rin makapaniwala.
Nakaupo lang kami at hinihintay na humupa ang luha ko, minsan lang mag-seryoso itong kaibigan ko kaya napaka thankful ko at naging kaibigan ko to si Ivan.
Nabalakan na rin namin umuwi pero kinuha ko na muna yung notebook ni Gez sa locker niya, magrereview na lang ako pag-uwi para naman di ko maisip ang nangyari ngayong araw.
Nagpahinga muna ako saglit bago ako nagsimula mag-review, nang binuklat ko ito Physics ang nakalagay nagkamali ako ng kinuhang notebook, tiningnan ko ang likod ng notebook dahil madalas ay nagsusulat siya rito at nagdudoodle pero kesa matuwa, parang binagsakan ako ng langit at lupa nang makita ko ang isang picture na nakaipit rito kamukha ni Eunice yung babaeng kasama niya tiningnan ko ang likod ng litrato, at nakunpirma 'My forever love Eunice Saavedra, I love you (2012)"
Gulat pa rin ang sistema ko, binuksan ko ang facebook ko ngayon lang uli ako nag-facebook bago pa man naging kami ni Gezrael ay hindi na ako nagkaka-oras sa social media, agad ko siyang minessage kung ano niya si Eunice, online siya nakakati ako sa isasagot niya kaso bigla siyang nag-offline.
Tinitigan ko lang ng mabuti ang litrato.
"Eunice..."
![](https://img.wattpad.com/cover/53752946-288-k164585.jpg)