Wolf Boy

21 1 9
                                    

Isang linggo ang puyat namin dahil sa paggawa ng mga booth sa foundation day, na-assign ako sa pagbebenta ng takoyaki, tahimik naman ang buhay ko walang mala-kutsilyong mata ang tumititig sakin siguro at malamang dahil busy lahat, tuwing foundation day may iba't-ibang school na pumupunta samin para maki-celebrate at syempre mapuntahan ang mga unique booths.

Habang kumukuha ako ng ingredients sa coolman ay minamadali naman ako ni Maica na asikasuhin ang ibang customer, agad kong nilagay sa ilalim yung mga ingredients at nagsimulang gumawa ng takoyaki, isang grupo ng lalaki ang mga customer lima sila, galing sa isang exclusive school sa south.

Halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sa kanila, di naman ako nagdududa kung titingnan mo naman ay may mga itsura ito at bukod dun minsan lang may pumuntang taga south school sa amin.

"Ilan na lang ang natitirang takoyaki?" malamig na boses na tanong ng nasa harapan ko, naka-undercut ito, bilugan ang mga mata at naka-braces, buff ang katawan

"300 pieces" sagot ko na busy-ng gumagawa ng takoyaki

"I'll take everything" sabi nito na ikinagulat namin ni Maica

Inabot niya sakin ang bayad niya nakita ko ang tattoo sa pointy fingers niya na wolf, binalewala ko ito at tinapos ang takoyaki, tumingin ako sa lalaking nagbayad at nahuli ko ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"okay na" sabi ko at inabot ang tray ng takoyaki, kinuha ito ng kalbong kasama niya at sumigaw ang isa pang kasama neto

"FREE TAKOYAKI FOR LADIES!!!" sigaw ng isang kasama niya saka nagsilapitan ang mga school mates ko na babae at kilig na kilig, kumuha si wolf boy ng dalawang lalagyan at inilagay sa harapan namin ni Maica at naglakad palayo

"Ernestine. Ako lang ba o nahahanginan ka sa lalaking yun?" nakasimangot na sabi ni Maica, pero kinain ko na rin ang binigay ng lalaki kasi kanina pa ako gutom di ko na kaya.

Marahan akong tumawa at nagsimula nang magligpit ng booth, nang matapos ay umupo ako sa bench sa labas ng building namin nakita ko sa di kalayuan ang pagbubukas ng ilaw ng mga rides, maraming tao dun at nagulat ako nang may humawak sa kamay ko, nakita ko na si Gezrael ito kaya ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

Nawala lahat ng pagod na nararamdaman ko at tila antok lang ang natitira.

"Gez" bulong ko

"Baby..." dugtong ko pa

Naramdaman ko ang pag-ngiti niya.

"I love you" sabi ko, di niya ito tinugon pero hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko

"may pupuntahan tayo bukas, di tayo papasok susunduin kita sa inyo" sabi nito, kahit labag sa kalooban ko ang lumiban hinayaan ko na gusto ko lang naman din siyang makasama.

Kinabukasan, narinig ko ang pagkatok ni kuya sa pinto.

"Lei, nandiyan na si Gezrael sa labas" sabi nito sa likod ng pintuan, agad akong bumangon at nag-ayos, paglabas ko ay nakia ko si Gezrael na nakangiti.

"Good morning!" bati niya sakin, ngiti lang ang isinukli ko dahil siguro ay sa pagod na dulot kahapon.

"Saan tayo pupunta?" pagkatanong ko nito ay hinawakan niya ang kamay ko

"sa future natin" ngumiti ako

Sumakay kami sa tren papuntang South, nasa 45 minutes ang biyahe kaya natulog ako, ginising na lang ako ni Gezrael nang nasa South Station na kami, Nasa harapan kami ng isang apartment umakyat kami sa may Room 204 maganda ang pinto dahil binubuksan ito ng password, birthday ko ang nakalagay rito, 112397.

Nang makapasok ako ay malaki ang ngiti na ibinigay ko, ang lawak ng apartment na ito glass ang bintana sa salas at may bathtub ang banyo, sobrang ganda.

"Dito tayo magse-stay kapag nasa South State University na tayo nag-aaral" sabi nito, sabay kasi kaming nagpasa ng entrance exam form

Yumakap ako sa kanya, ngunit segundo pa lang ay naputol ito dahil may tumawag sa kanya, lumayo siya sakin para sagutin ito makalipas ang 3 minuto ay bumalik sya sakin na labis ang kasiyahan sa mukha niya

"Sino yun?" tanong ko

"Wala" sabi niya at lumabas na sa apartment, nang nakalabas na kami

"Ernestine, kaya mo naman umuwi mag-isa diba? may importante kasi akong pupuntahan"

Di pa ako nakakasagot ay pumara na siya ng taxi at umalis, pumunta na lang ako sa South State University at inikot ito, three blocks away lang naman ang layo nito sa apartment maganda talaga ang apartment na nakita ni Gez, wala gaanong tao sa university kaya pumunta ako sa malaking pool nito, tinitingnan ko ang kagandahan ng buong unibersidad.

Naramdaman ko na may papalapit nang bigla akong humarap ay nasanggi ko ang isang babae at natapunan ko ng iced tea na hawak niya.

"FUCKING IDIOT!" sigaw neto sakin na ikinatakot ko itinulak tulak nya ako

"Don't you know me??? Ha?"

malapit na ako sa pool, alam kong isa pang tulak niya ay babagsak na ako sa pool, hinanda ko na lang ang sarili ko sa pagbagsak at pag-uwi ng basa.

Ngunit nang itinulak niya ako ay may bisig na sumalo sakin

"subukan mo kayang kumalma" sabi ng lalaking sumalo sakin, tumayo ako ng maayos at nakayuko.

"Sorry miss, nagulat kasi ako" sabi ko ng nakayuko, matangkad ang babae at itim na itim ang buhok, singkit ang mga mata.

"BWISIT!" sabi nito

"Natalie, tama na. Iced tea lang yan" usal naman ng lalaking katabi ko tiningnan ko siya at nagkamot ng noo, nakita ko uli ang wolf na tattoo siya yung lalaki sa foundation day

"you know what Zeke? You're stupid, bagay kayo" tinapon niya ang hawak niyang iced tea at nag-walk out ito.

Magpapasalamat pa sana ako kaso bumugtong hininga ang katabi ko at tiningnan ako, nakakunot ito at umalis na.

Snobbish Wolf Boy

Kismet [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon