Hindi ako nakatulog kakaisip sa litratong yun, pumasok ako na lubog at maitim ang mata
Di pa ako nakakapasok ng campus lahat na ng estudyante na galing sa school ko ay pinaguusapan ako.
Pagpasok ko sa room lahat sila ay nakatingin sakin, nakita ko si Eunice na nakatingin din sa gawi ko. Ngumiti ito ng nakakaasar nakita ko ang mga kaibigan ko na walang kaide-ideya sa nangyayari.
"Good morning!" bati ko saka binuksan ang locker ko, pagkabukas ko rito nangamoy malangsa puro bulok na basura ang nasa loob neto may vandalize pa sa bawat kanto na nakalagay ay "attention whore" "ugly bitch" at kung ano pang nakakasama ng loob.
Nagtatawanan ang lahat ngunit nagulat ako ng may narinig akong tunog ng suntok sa mesa, lumingon ako at nakita si Ivan na nakayukom ang mga kamay habang nakatayo sa harapan ng nakangiting Eunice.
"What?" tanong ni Eunice habang inaayos ang kuko
"ano bang problema mo kay Ernestine? Bakit mo 'to ginagawa?" galit na tanong ni Ivan
Ngayon ko lang uli nakita si Ivan na nagalit, sinusubukang ilayo ni Nico at Daile si Ivan kay Eunice habang si Sheyn ay hawak ang braso ko
"What are you talking about? do you have the evidence?" she asked confidently and smiled
"KUNG HINDI IKAW, SINO???" sigaw neto kay Eunice
"I don't know maybe one of her bashers or worst she did it herself" ika ni Eunice at tumingin sakin
"she even tried to drown herself yesterday, just to be noticed by everyone. Ano pa bang imposible sa paglalagay ng mga basurang yan sa sarili niyang locker?" dugtong pa nito, nakakuyom na ako at nagbabadya ang mga luha hinimas na lang ni Sheyn ang likod ko, ganito. Ganito ako kahina.
Hindi ko alam ang sasabihin, blangko na ako kahit magsalita ako walang maniniwala sakin dahil naniniwala sila kay Eunice.
"Ivan...If I were you hindi ko susubukang harapin ang isang Eunice Saavedra. I can destroy you in one call, wanna try?" sabi nito at umupo sa mesa at kinuha ang cellphone
May dinial ito
"Demiro, Ivan Demiro's Dad. Thanks." Ibinaba agad nito ang tawag at makalipas ang Isang minuto ay may tumatawag kay Ivan
"Hello Pa?...Ano?" tila gulat ang itsura ni Ivan, paspas niyang kinuha ang bag at tumakbo paalis, Lumapit ako sa pintuan para sana habulin si Ivan at tanungin.
"A-anong nangyari?" Tanong ko sa sarili
"I fired his dad, that's evil right? at kaya kong gawin sa lahat ng kaibigan mo yun" sabi ni Eunice at lumapit sakin.
"Ernestine, ikaw lang ang kalaro ko dito. tayo lang ang nasa pahina ngayon" sabi nito at ngumiti
"don't worry, pinatunayan ko lang kay Ivan na kaya kong gawing miserable ang buhay niya. it's a lesson, I'll fix it" pagtapos niya at sinulyapan ang mga kaibigan ko.
I can't take these, my friends. They're one of my weaknesses hindi ko kayang madamay sila sa kung anong problema meron ako ngayon.
Tumakbo ako para habulin si Eunice nakasalubong ko rin si Shane at Mikayla na di magkandaugaga sa cellphone at nahanap ko si Eunice sa rooftop, nakaupo sa edge na parang may hinihintay.
"Just in time!" sabi niya at lumapit sakin, malapad ang mga ngiti niya
"Wag mo idadamay ang mga kaibigan ko, bakit mo ba 'to ginagawa? dahil ba kay Gezrael? Ha? Tama na Eunice, ako na ang ngayon niya at mananatili ka na lang sa nakaraan niya." matapang kong sinabi sa kanya, but she smirked
"Do you really think Gez loves you? Pathetic. Kaya ko patunayan sa'yo na hindi ka niya mahal" sabi nito na hindi matigil kakangiti
"You know Ernestine, nakakaawa ka. Di ko akalaing iniwan ka ng tatay mo because nalaman niyang anak ka sa kabit ng mom mo, your mom is a slut." nang marinig ko ang sinabi niya tungkol sa mama ko ay nagpantig ang mga tenga ko narinig ko pa ang pagtunog ng phone niya, naitulak ko siya sa sobrang galit at nauntog siya sa batong nasa ulohan niya puro dugo lang ang nakikita ko. Biglang may nagbukas ng pinto ng rooftop at nagulat ako na si Gezrael ito lumapit ako na may tumutulong luha
"Gez..." pero hindi niya ako pinansin at pinaspasan ang pagtakbo palapit kay Eunice
"Eunice! Eunice...fuck anong ginawa mo Ernestine!? anong ginawa mo kay Eunice? shit." Nagulat ako sa naging reaksyon niya.
Tumawag siya ng ambulansya at agad naman itong dumating at dinala si Eunice pababa susunod pa si Gez, pero hinablot ko ang kamay niya at winalsik nya lang ang kamay ko.
"Ayaw kitang makita, tapos na tayo." sabi niya saka umalis
he left met crying, I don't know what will happen next.
Pumasok lang ako para makipag-usap sa guidance counselor ng school, sinabi ni Eunice na tinulak ko siya dahil naiinggit ako sa kanya , Pero hindi na daw siya magsasampa ng penalty sa pagtulak sa kanya. Hindi ako na-suspend o hindi man lang ako pinaglinis ng school.
Paglabas ko ay break time na nila lahat ng naroon ay masamang nakatingin sa akin, pero nagulat ako ng marinig kong sumigaw si Nico
"Ay? makatingin teh matunaw yan, inggitera ka? gusto mo ikaw ihulog ko sa rooftop" hawi ni Nico sa mga nag-uusap tungkol sakin
Nakangiti naman na lumapit sakin si Sheyn at Daile, dala-dala ang mga bag nila
"saan kayo pupunta?" tanong ko
"sa bahay niyo!"
"ha? may klase pa kayo diba?" Instead na sagutin nila ang mga tanong ko ay tinulak lang nila ako palabas ng campus
Wala si Ivan sa barkada ngayon, hindi ko siya ma-contact simula nun kahit ang mga magulang niya.
Pagdating namin ay naghanda ng makakain si Kuya at kinamusta ang pagpunta ko sa school, hindi man lang kasi siya pinatawag sa guidance.
Nagulat kami nang may pumasok ng bara-bara sa pinto at nakita si Ivan na may hawak na dalawang plastic sa kamay
"ICE CREAM IS HERE!!!!" sigaw neto at lumapit samin
lahat nang nasa bahay ay galak na galak nang makita siya, lahat kami ay niyakap siya. Ibinalik na daw sa posisyon ang tatay niya at mukhang pinromote pa after i-fire.
Nawala lahat ng pag-aalala ko ng araw na yun, umuwi rin sila pagpatak ng 8:00pm.
Naisip ko uli si Gezrael at ang huling salitang binitawan niya sakin, di ko maiwasang maluha sa tuwing naaalala ko yun
"Ayaw kitang makita, tapos na tayo"
Kinuha ko ang phone ko at sinubukan siyang tumawag, di niya ito sinasagot ang pang-limang tawag ko ay "you're blocked to this number" na ang sinabi. Binuksan ko lahat ng social media account ko. minessage ko siya lahat dun pero wala lahat ay blocked.
Pumunta ako sa terrace ko at naupo
mahal niya pa kaya ako?
nasa tamang katinuan ba siya nang sinabi niya lahat ng masasakit na salitang yun sa akin?
or
nabulag siya sa kasinungalingan?