Naisipan kong dalawin si Eunice at humingi ng tawad sa pagtulak sa kanya ngunit pilit akong pinipigilan nila Sheyn
"Seryoso lang Ernestine ang masokista mo" si Sheyn, habang ipinupukpok ang makapal na libro sa braso ko
"Bakla ka! bat ka hihingi ng sorry sa buong pinsan ni Lucifer??? nawalan na ba ng kulot ang utak mo kaya di ka makapag-isip ng ayos?" sabi naman ni Nico na pabalik balik na naglalakad sa loob ng kwarto ko
"Alam mo bahala ka, feel ko pagsisisihan mo yan" sabi naman ni Daile at sumang-ayon lang si Ivan na hindi tumigil kakakain
Kahit ano pa ang sinabi nila ay nasa lobby na ako ng isa sa pinaka sikat at mahal na ospital sa lungsod.
Nasa tapat na ako ng pinto ni Eunice, kinakabahan ako at nagdadalawang isip kung magaapologize ba ako o hindi pero nanalo pa rin ang unang desisyon ko pumasok ako at nakita ko siyang nakaupo sa hospital bed malaki ang kwarto niya, ngumiti siya sakin ng makita ako.
"Eunice...sorry about sa--" di pa ako nakakatapos ay nagsalita na ito
"No, my plans went smoothly because of you. First thought, akala ko pagsasabihan mo ko ng masama but tinulak mo ko and tumama ang ulo ko sa bato that was great actually. Thanks and sorry for the future damage" ngisi nito at hinawakan ang tuhod
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"I mean, that was the plan. Na makita kang masama ni Gez" ngumuso ito at humiga
Mukhang tama si Daile pagsisisihan ko ang paghingi ng sorry sa kanya, she's the worse
"Tapos ka na ba? I don't want to see your ugly face in front of me. Leave. Sinisira mo ang araw ko." kung kanina ay masaya ang tono nito ngayon ay napawi na.
Nagmadali akong lumabas papunta sa lobby, naupo ako at humagulgol ilang linggo na ako naiyak dahil sa mga nangyayari.
Sinipa sipa ko ang mga paa ko pero di ko akalaing may masisipa ako na tao, naka-hospital gown ito at naka-saklay. Agad akong humingi ng tawad. wala na ata akong ginawa kundi mag-sorry ngayong araw.
"Di ako tumatanggap ng sorry" nagulat ako sa sinabi
"A-anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko at tumayo
Naghanap ang mga mata nito, nilagay nya ang saklay sa upuan at kumuha ng wheeclchair sa station at umupo.
Dun ko lang na-realize na hindi siya pilay
"Ilabas mo ako rito, dun tayo sa likod dadaan" sabi nito
Di ako kumikilos at nakatingin lang sa kanya, tumingin ito sa akin at nakita ang malalamig niyang mata
"Ano? dalian mo na bago pa ako makagawa ng masama sa'yo" nang sinabi niya 'to ay dun ko lang sinimulan itulak ang wheelchair papunta sa exit sa labas.
Nang makarating kami dun ay agad niyang tinanggal ang hospital gown na ikinagulat ko, naka-tshirt ito at naka-jeans pumasok siya sa exit at may kinuhang bag at nagsimulang bumaba ng hagdan, tumigil siya at tinignan ako.
"Di ka sasama? by now sigurado akong may humahabol na sakin at kapag nakita ka nila isasama ka nila sa prisinto"
Agad naman akong tumakbo at hinawakan ang pulso niya at nagmadaling bumaba, nang makarating kami sa baba ay tumitingin-tingin ako sa paligid kung may nakasunod sa amin
Tiningnan ko siya ng maayos, pamilyar ang mukha niya pero di ko alam kung saan ko siya nakita.
"Di tayo magkakilala" sabi nito
Tumango ako at naglakad na, wala akong ganang magtanong o mag-kwento o kumausap ok na yung nakaalis ako sa sitwasyon ko kanina pero di ko mapigilan ang mga luha ko, nagulat ako ng may iabot sakin ang lalaki na gray na panyo, hindi ako nagdalawang isip na kunin ito at ipunas sa mukha ko.
Lumakad na ito palayo
"Paano ko 'to ibabalik?" sigaw ko, pero wala na akong narinig sa respond galing sa kanya hanggang sa di ko na siya makita, tiningnan ko uli ang panyo at may nakatahing "Z.R.Y"
Naisip ko kinabukasan na kausapin at linawin ang relasyon namin ni Gez, pumasok ako wala na akong pakeelam sa mga taong pinag-uusapan ako ang gusto ko lang ay makausap si Gezrael, buong araw sinusubukan kong makipag-usap sa kanya kaso lagi niya akong iniiwasan, uwian na nun hinihintay ko siya sa kung saan siya nagtapat sakin pero di siya pumunta dun, kaya bumaba na ako at uuwi na sana ako nang mapadaan ako sa classroom namin nakita ko na may limang lalaki sa room at isa dun si Gez babalakin ko sana na pumasok at kausapin siya kaso mukhang may mahalaga silang pinaguusapan.
"So, kumusta naman ang training sa South? akalain mo naman napigilan mong mag-audition si Ernestine sa high jump, yung nag-iisang kalaban mo." narinig kong sabi ng kasama niya
Lalo akong kinakabahan sa susunod na pag-uusapan nila, so hindi siya sa Europe nagpunta? so nung araw na iniwanan nya ako sa South ay nag-audtion siya, he lied to me.
"Minahal mo ba kahit papaano?" tanong ng kaibigan niya
Hindi ito umimik
"S-She threatened Eunice not to get close with me again" sabi nito ng mahina, malayong sagot sa tanong
Pinagbantaan? Ano? A-anong nangyayari? Saan nanggaling yun? I'm wicked?
"Nakapasok ka sa Olympics and you got back with Eunice, that's a good thing right?" tanong muli ng kaibigan niya
"Yeah"
He lied to me, he was lying all this time.
ayoko na makarinig nang kung ano pa, ayoko na ang sakit. hindi ako makahinga. bawat paghinga ko parang may tinik sa lalamunan.
Umuwi akong umiiyak, nakita ko si mama sa salas. Nakita niya ko na ganito. nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya agad akong tumakbo at yumakap sa kanya, siguro eto rin ang naranasan niya ng iwan kami ng tatay ko. Siguro ganito rin kasakit.
Hanggang kailan ko kaya dadalhin ang sakit na 'to?
